Share

Chapter 10

[Charl's PoV]

          

Mr. and Ms. Intramurals Representatives:

Prince Walsh

Charlotte King

          

Tennis

    

Double:

Georgia Limuco

Selena Jung

   

Single:

River Lopez

       

Volleyball:

Ellie Wico

Dilli Wico

Dan Absalon

Grayson De Vera

River Lopez

Mickey Gonzales

     

Basketball:

Shinichi Vallega

Kleoff Ablaza

Jefferson Bacasno

Dos Villanueva

Jonathan Israel

       

Swimming Relay:

Raymond Lancaster

Green Yamzon

Mickey Gonzales

Prince Walsh

       

Hawak-hawak ko ang papel kung saan nakasulat ang official list ng section namin para sa intramurals. Since kulang kami, marami kaming hindi pwedeng salihan at ilan sa kanila ay nag doble ng application. Wala naman sa rules na bawal ang dalawang entry para sa isang tao pero minabuti nalang din nina Shin at Grayson na huwag na salihan ang iba.

          

Lunch break na namin at dahil nakapamili na, dito kaming lahat kumakain sa room. May mahabang lamesa sa gitna ng room. Nanggaling ito sa room sa third floor na kinuha nila at inilagay rito sa loob para gamitin. Ang mga arm chairs namin ay nakaayos na nakagilid lahat. 

              

Kasalukuyan kaming kumakain ng niluto ni Prince. Well, yeah, siya lang talaga nagluto, taga abot lang kami ng ingredients, taga ayos ng plato sa mesa at taga tikim kung ayos na ang lasa.

        

"Grabe, parang nabaligtad yata at ang lalaki ang naging tagaluto samantalang kayong tatlong babae, taga tikim." Ngising pang aasar ni Athan na ikinataas ng kilay namin ni Selena.

               

"At least, we helped. Kahit sa pag aabot. Hindi katulad nang iba diyan, biglang sumulpot nung luto na ang ulam." Nakasinghal na sabi ni Selena na pinariringgan si Mike.

        

Tila nabilaukan naman ang lalaki at napaubo sa narinig. Wala naman nag abalang mag abot ng baso ng tubig dito kaya ito mismo ang tumayo at kumuha ng baso tsaka lumapit sa water dispenser. Pero dahil nga sa may sa demonyo ang mga kaklase namin, mabilis na humarang sa dispenser si Jeff at hinablot ni Green ang basong hawak nito.

         

Maluha luha tuloy ang mukha ni Mike sa ginawa ng mga ito. I understand him. Sobrang bigat sa dibdib ang ganyan. Malakas na hinampas sa likod ni Kleoff si Mike bago inabutan ni Prince ng isang basong tubig na kung hindi ako nagkakamali ay pag aari ni Shin.

              

Mabilis na ininom nito ang tubig at tinignan kaming lahat nang masama.

             

"Mga demonyo!" Nakaduro ang hintuturo nito samin. Nang tumapat ang daliri niya sa direksiyon ko, tinampal ni Prince ang daliri nito at bumalik sa pwesto niya.

       

Kibit balikat na tumuloy ako sa pagkain. Gano'n din ang ginawa ng iba. Habang nasa kalagitnaan nang pagkain, nagsalita si Grayson.

          

"Shin, balita ko nakahanap na raw ang school nang magiging bagong homeroom teacher natin. They were pretty confident on this one na makakatagal satin." Nakangising sabi nito habang dinudutdot ang karne sa kanyang plato gamit ang tinidor.

       

"Yeah."

  

"Really? I'm really looking forward to meet that person then. May ideya ka ba Emp kung sino?" Dos asked.

        

Seryosong tumitig si Shin kay Dos bago sumagot. "Yeah. It's Alistair Del Mundo."

  

Mahinang tawa ang kumawala sa aking bibig na nakaagaw sa atensiyon ng lahat. Great! Just great.

        

"Anong nakakatawa, mama Lot?" River asked.

        

Isang ngisi ang gumuhit sa aking labi bago napatingin sa direksiyon ng aming sliding door. "Bakit hindi ikaw mismo ang magpakilala samin kaysa makinig kang pinag uusapan namin, Sir Alistair?"

         

Mabilis na nabaling ang ulo ng lahat sa direksiyon na aking tinitignan at ganon nalang ang gulat nang makita ang isang matangkad na lalaki na may malaking ngisi sa labi habang nakahalukipkip at nakasandal sa sliding door at tila kanina pa kami pinakikinggang nag-uusap usap patungkol sakaniya.

         

"Anong... kanina ka pa?!" Gitlang tanong ni Mike na nakabawi na pala sa nangyari kanina.

     

Umayos ng tayo si Alistair at lumakad palapit sa'min. Nang makalapit, kumuha siya ng ulam sa plato ni Grayson at kinain iyon.

          

Hindi pa man tuluyang natatapos ang pag nguya, naka amba na ang paghampas ni Jeff ng chopping board sa ulo ng gurong nasa harapan namin. Ngunit bago pa tumama ito, mabilis na nabaligtad ang sitwasyon. Jeff was now lying unconsciously on the ground. Mabilis kasing napigilan ni Alistair ang kamay ni Jeff at inagaw ang chopping board at ito mismo ang humataw sa ulo ng huli dahilan upang mawalan ng malay.

      

Natulos sa mga pwesto ang lahat. Maliban sa'kin, kay Shin, Grayson at Prince. Ang tatlong lalaking nabanggit ko ay tila inaaasahan nang mangyayari ito.

        

"Hmm, mukhang medyo napalakas yata ang hampas ko, ah?" Parang wala lang na sabi nito at hinimas himas pa ang baba. "Pero mukhang buhay pa naman, hindi naman siguro ako mapapatalsik agad nito." Dugtong pa nito bago nag angat ng tingin samin.

       

"I heard some news about you, kiddos. Wala raw nakakatagal na teacher sainyo? Let's have a deal then. Matamaan lang ako ng kahit anong atake niyo, I will leave this room peacefully. Pero kapag ako ang nanalo, susundin niyo ang mga patakaran ko."

   

"Minamaliit mo ba kami?!" Inis na singhal ni Dos dito.

         

Kibit balikat lamang ang sinagot ni Alistair. "Depende kung anong tingin niyo."

           

Dahil sa sinabi nito, agad na nagtayuan ang mga ito maliban kina Prince, Shin, Grayson, Selena, Georgia at sakin.

       

Medyo nag alala lang ako kay Dos dahil kakakain lang namin at heto ang bugok, makikigulo agad. Akmang makikisugod sina River pero hinatak ko ito sa kwelyo ng uniform. "Huwag na kayong makisali. Hindi niyo siya matatalo." Nakataas ang kilay na babala ko rito.

        

Agad na nagsalubong ang kilay nito. "Mama Lot, hindi kami papayag na may ibang naghahari-harian sa teritoryo namin."

    

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at agad itong hinatak saka pabalyang pinabalik sa upuan nito sa kaliwa ko. Ganon din ang ginawa ko kina Dan at Ray. Si Kleoff, hindi ko na napigilan sa bilis ba namang tumakbo ng batang iyon.

      

Kaya napabuntong hininga na lamang ako nang makita ang pagtama ng kamao ni Alistair sa sikmura ni Kleoff na sumugod dito. Ilang sandali lang, bagsak na silang lahat na sabay-sabay at tulong-tulong na sinugod ang aming bagong guro.

       

In-stretch sandali ni Alistair ang mga braso bago pinagpagan ang sarili. "Did I win? O gusto niyo pang sumali?" Tanong nito samin. Wala namang kumibo kaya malawak ang ngiting ibinigay niya sa'min. "Great! Then it's a fucking pleasure to meet you, troublesome kiddos. I'm Alistair Del Mundo, your new Homeroom teacher. At isa lang ang patakaran kong dapat niyong sundin. Ang kahit na anong sabihin ko ay batas. Kaya kung ano ang iutos at ipagawa ko, gagawin niyo."

   

Matapos magpakilala, agad itong lumapit sa pwesto ko at inakbayan ako. "Princess, kumusta? Balita ko hiwalay na kayo ng pinsan ko?"

Naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Pinsan? Sinong pinsan, Ali?" Shin asked. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

       

Mabilis na inalis ni Alistair ang braso sa aking balikat at kunot-noong napatingin kay Shin bago muling ibalik sakin at kay Shin ulit. "Ginagago mo ba ko, Shin?"

   

Tinapatan ni Shinichi ang lukot na mukha ni Alistair. "Magkakilala kayo?" Sabay lipat ng tingin nito sa akin.

    

Lalong nalukot ang mukha ni Alistair kaya nagtatakhang napalingon ito sakin. "What the fuck is he saying, Princess?"

      

Kahit may kakaibang nararamdaman, tinatagan ko ang sarili at tinitigan sa mata ang aming guro. "I will explain it to you later."

   

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status