Share

Chapter 11

[Charl's PoV]

Matapos ang buong araw na klase, nauna nang umuwi sina Uno at Dos dahil na rin sa kagustuhan kong makapagpaliwanag kay Alistair.

Nung una, hindi sila pumayag lalo na si Dos na aamba pa na magprotesta pero ginamit ni Alistair ang pagkakapanalo niya sa deal kanina. Wala rin siyang nagawa kaya masama ang mukha nitong sumakay sa kotse kasama si Uno.

Kaya ngayon, nandito kami ni Alistair sa isang cafe na hindi kalayuan sa University. Kaharap ko ang lalaking ito na hindi parin makapaniwala sa paliwanag na binigay ko.

"I still can't believe this. I mean- fuck! Wala talagang sinabi si Zaldy kay Shin? Akala ko alam na niya!" Nanlalaki pa ang mata nitong sabi saka mabilis na inangat ang tasa para humigop ng kape. Zaldy is his cousin. Well, hindi rin naman alam ng pinsan niya ang totoong nangyari.

Hindi ko naman iyon pinansin at kumain lang ng strawberry shortcake. "So, you are basically saying that he doesn't know you? Like for real? Kahit katiting na ideya kung sino ka?" Tanong niya ulit nang mailapag sa mesa ang tasa.

     

Napabuntong hininga ako rito. "Alistair, hindi naman niya dapat ako makilala. Walang dahilan para ipakilala pa ako ni Zaldy sakanya." Wala talaga.

"Still."

"Let's just drop this topic, alright? Na-explain ko na ang side ko. Tapusin na natin ang usaping 'to dito."

       

Mag sasalita pa sana siya nang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha sa aking bulsa at nakita kung sino ang tumatawag. Umangat ang tingin ko kay Alistair na kunot ang noong nakatingin sa pangalang nakaregister sa phone ko. Hindi ako nag atubiling sagutin ito.

*Him Calling

[" Where are you?"]

"Gold Cafe near the University. Kasama ko si Alistair."

Natahimik ito sa kabilang linya ng ilang saglit.

["I see. Baka lang nakalimutan mong magkikita tayo ngayon. If you still have time, come and visit me here."]

Naputol ang linya. Saglit akong natulala bago napatayo para makahanda na sa pag alis. Mabilis na nahawakan ni Alistair ang braso ko para pigilan. "Wait, where are you going?" nagtatakang tanong nito.

Malakas na napabuntong hininga nalang ako at inalis ang kamay nitong nakahawak sakin. "I have to go, Alistair. He's waiting." Mababa ang tono na tugon ko.

Napakagat ito sa ibabang labi at parang may napagtanto sa sinabi ko. "... I thought it was just a baseless rumor. You know, about the two of you. Seems like it's not." Nagtatakhang tanong at sabi nito. Napahugot ako nang malalim na hininga nang mataman niya kong tinitigan sa mga mata.

Hindi ko nalang ito pinansin at mabilis na sinukbit ang aking bag para makaalis na sa lugar na iyon. Pero bago 'yon, narinig ko pa ang huling sinabi nito na nakapagpahinto sa akin. "Sana sa susunod na pag-uusap natin, totoong paliwanag na ang sasabihin mo."

Isang ngiti ang namutawi sa labi ko bago lumabas ng cafe at pumara ng taxi.

Alistair and I used to be closed. Kaya hindi na 'ko nagulat nang napansin niya agad na purong kasinungalingan ang mga sinabi kong paliwanag kanina. It's not like I can tell him everything. Not even him knows the reason.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng taxi na sinasakyan ko at pumikit. Kahit kailan siguro ay hindi ako magiging handa na masabi sakanila ang mga dahilan ko.

Nang huminto ang taxi, mabilis na nagbayad ako sa driver at bumaba. Isang malaking gate ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ko na kailangan pang mag doorbell dahil pagkakita lang sakin ng guard, agad ako nitong pinapasok.

Tuloy-tuloy akong naglakad papasok sa loob ng malaking bahay niya. Nadatnan ko siyang nakaupo sa unang baitang nang may kahabaang hagdan ng kaniyang bahay at may hawak na tasa.

Nang makita ako nito, agad itong tumayo at lumapit sakin.

"How was it? Nakapag usap ba kayo ng maayos?" he asked plainly. Napabuntong hininga tuloy ako.

Tumango lang ako rito bago siya niyakap. "I missed you, Ouji."

Ilang segundo itong hindi gumalaw pero kalauna'y gumanti ng yakap.

Nang maghiwalay, agad kaming nagtungo sa kwarto niya. Nakaupo ako sa may kama habang siya ay busy sa pagkalikot sa cellphone niya. Nang matapos sa ginagawa, binaba nito ang phone sa study table at tumabi sakin.

"Kumusta ka sa bago mong school? Nakapag-adjust ka na?" tanong nito at pinaglalaruan ang buhok ko gamit ang mga daliri.

Napapikit ako sa seguridad na nararamdaman ko bago tumango. "Medyo. Pero minsan, nagugulat parin ako sa mga kaklase ko. Si Dos, sobrang isip bata. Hindi ko pa nakakausap ng mabuti ang lahat maliban sa tatlong anak-anakan ko." Pag k-kwento ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Mukhang nagiging komportable ka na nga sa kanila base sa mga kwento mo."

Sandali kaming natahimik na dalawa bago ako umayos ng upo at humarap sakanya.

"Ouji, alam na ni Alistair ang tungkol sayo. Ayos lang naman diba?" nag aalangan kong tanong dito.

Kinakabahan kasi akong baka ayaw o hindi pa handa si Ouji na ipagsabi ang tungkol samin.

Nawala lang ang agam agam ko nang haplusin nito ang ulo ko at halikan ito. "Definitely, Princess. Sooner or later, kailangan mo na rin naman akong ipakilala sa mga anak-anakan mo I mean, mga kaibigan mo pati na sa mga pinsan mo. And of course, kailangan din kitang ipakilala sa mga kaibigan ko."

Ngumiti ako rito at niyakap siya sa may bewang.

"Will you be fine though, Princess? Now that Alistair is here, there's a big possibility that he'll know about you."


May pag aalalang tanong nito pero tanging pag iling lang ang tinugon ko. I am not scared.

As long as this man is with me, I have nothing to be scared of.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status