Share

Chapter 16

"Palagi ka talagang handa, ano?" nakangising sabi ni Agustino kay Lino at pinaamoy na kay Miranda iyong nasa maliit na botilyang binigay ni Lino sa kanya. White flower ba 'yun? O kapareho lang.

Nandito kami sa sala ng bahay. Mabuti na lang at nang mahimatay si Miranda ay nakita kami ni Lino kaya nabuhat niya ito papasok ng bahay. Pinaalis din ni Agustino iyong mga kasambahay nila kaya kaming lima lang ang nandito. Kasama namin si Berto.

"Sinabi mo na ba kay Miranda?" tanong ni Lino sa'kin at hindi pa rin nagigising si Miranda.

"Sinabi ko lang na ako si Liwan," mahinang sabi ko kasi baka may bang makarinig.

"Balak mo ring sabihing ikaw iyong kasama ni Lino kahapon?" tanong ni Agustino kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. Napangisi siya at umiling nang mabagal. "Kalat na kalat na sa bayan na may kasamang Binibini si Doktor Fuentes at hindi iyon si Miranda. Pati ako'y kinukulit nito kung sino ka ngunit hindi ako nagsalita," paliwanag niya.

"Akala ko

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status