Share

Chapter 17

"Anong nangyari?" alalang tanong ni Lino. Tiningnan ko siya at umiling na lang.

"Inaantok na raw siya," sabi ko sabay lakad papunta sa karwahe. Buong byahe pauwi ay hindi ako kumibo. Hindi mawala sa isip ko iyong mga mata ni Catalina. Punong-puno ng sakit at katanungang hindi masagutan. Alam ko kung ano siya pero hindi niya iyon mauunawaan kasi hindi naman iyon normal sa panahong ito. Siguro, wala pa siyang nakakasalamuhang pareho ng gender identity niya. Pero paano ko siya matutulungan lalo pa't ako pa ang nakasakit sa kanya.

"Kamusta? Nakahanda na ang hapunan," nakangiting salubong sa'min ni Josefa dito sa pinto. Napatingin ako sa kanya na kinakunot ng noo niya. "May nangyari ba?" she asked me. Dati siyang nagsilbi kay Catalina. Mas kilala niya ito kaysa sa akin. Alam niya kaya?

"Liwan, maaari kang magk'wento sa amin," sabi ni Lino na nasa likod ko. Lalong nag-alala si Josefa nang bigla akong lumuha sa harapan niya. Agad ko siyang niyakap at doon ako humikbi.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status