Share

Kabanata 24

Puting kisame. Ito ang bumungad sa kan'ya. Buhay siya pero para na din siyang pinatay nang hindi makita ang anak sa loob ng apat na sulok ng kwarto.

"Inay, nasaan po si Arim?" 

Tandang-tanda niya pa kung paano naaninag ang mukha ng anak at narinig ang pagtawag nitong 'mama' sa kan'ya.

Malungkot na umiling ang ina.

Panaginip ba iyon?

"Dinala ka dito ng mga tauhan ni Ginang Juana."

Nawalan siya nang malay kung kaya nasa ospital siya.

Nagpumilit siyang bumangon upang balikan ang anak subalit mariin siyang pinigilan ng ina.

"Anak, tama na. Huwag ka nang bumalik doon. Napapabayaan mo na ang sarili mo." Lumuluha na ang kan'yang ina.

"Inay, hindi pwede! Babawiin ko si Arim. Hindi nila pwedeng ilayo sa akin ang anak ko." Puno ng hinagpis ang puso ni Lera subalit pinipili niya ang lumaban.

"Ano ba Lera! Hindi mo ba nakikita? Wala tayong laban sa mga Valle!" Hindi na nakatiis si Manong Leroy, nahihirapan siyang makita

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status