Share

Chapter Forty-six

NATIGILAN ako sa narinig. Kung hindi siguro malakas ang kabog ng dibdib ko ay natawa na ako sa tanong ng anak. 

"Anong alien, anak?" nakangusong sagot ko kay Carina. "Saan mo naman nalaman ang tungkol sa alien na iyan?" 

"Napanood ko sa TV, Ma," nakangusong sagot niya sa akin. "Nakatira din sila sa stars, eh. Tapos may antenna sa ulo nila."

Matalinong bata si Carina. Sa edad na apat na taon ay marami na siyang alam. Tulad ng pagkaraniwang bata ay curious din siya sa mga bagay-bagay. 

Patuloy ko siyang sinuklay habang nakaharap siya sa akin. "Anak, hindi alien ang papa mo, okay? Kung alien siya, dapat half-alien ka rin."

Patuloy siyang ngumuso. "Eh, ano siya, Ma? Patay na ba siya? Tulad ba siya ni Loki? Di ba sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status