Share

Chapter Sixty-three

"MAMA, sabi ni Lolo Carlos, bibigyan niya ako ng sobrang laking barbie doll kapag nagkita kami," pagkukuwento sa akin ni Carina habang inaayos ko ang buhok niya. 

Day off ko ngayon sa trabaho. Pagkatapos kong bihisan si Carina ay pinusod ko ang buhok niya. 

Kahapon ay nagpaalam sa akin si Craig na ipapasyal si Carina sa bayan. Sabi niya sa akin ay kakain sila sa Jollibee. Iyon ang unang beses na ilalabas ni Craig ang anak. 

"Tapos si Lola Arabella, ibibili niya daw ako ng maraming dress." Bumaling siya sa akin at ngumiti. Lumiit ang mga mata niya sa ginawa niya. 

Simula noong makausap ni Carina ang mga magulang ni Craig ay madalas na iyong ikwento sa akin ni Carina. Halata ang excitement sa mukha ng anak sa tuwing nagkukwento siya sa akin. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status