Share

Chapter 5: There's no love in his eyes anymore

Nagising si Blaire sa Isang hindi Pamilyar na kwarto pinilit niya na bumangon pero agad din siyang bumagsak dahil sa sakit ng ulo niya. Gusto niya umuwi dahil baka nag aalala na sila Larah sa kaniya.

"Kailangan ko na umuwi." Bulong niya kaya pinilit niya na bumangon at bumaba sa kama kahit may kadiliman ang loob ng kwarto. "Fuck!" Mahinang d***g ni Blaire sa sakit ng nararamdaman niya gusto niya na lang mahiga mag hapon dahil sa sakit ng katawan niya.

"Where are you going?"

Napatigil sa pag lalakad si Blaire sa pg sasalita dahil sa Isang boses na nang gagaling sa Isang madilim na parte ng kwarto kaya marahan siyang lumingon dito at biglang bumukas ang lamp shade at agad na kumabog ng husto ang puso niya ng makita kung sino ang naka upo roon.

"Z-Zico?"

Ilang sandali na natulala si Blaire rito pero ng maalala ang hitsura nito nung nakausap niya ito at napayuko nalang siya pinlit na hindi na maiyak muli. Tumalikod siya at binuksan ang pinto na nasa harapan niya hindi pa niya iyon nabubuksan ng husto ay agad na siya napigil ni Zico.

"Let me go." Mahinang inagaw ni Blaire ang Braso niya kay Zico na agad din nito binitawan gusto na umuwi ni Blaire hindi siya pwedeng hindi umuwi. Naiiyak siya sa frustration pero pinigil niya iyon. "please, kailangan ko umuwi."

"No." Pagkasabi nito ay agad itong lumabas at inilock ang pinto. Agad na bumagsak si Blaire sa sahig at naiyak nalang. Gumaganti ba siya dahil nangyari sa anak niya? Ginagawa niya ba ito upang makabawi sa kung anong nangyari noon? Pinag sisihan ko na bumalik pa ako.

Sa sobrang pag iyak na mas naka dagdag sa sama ng pakiramdam niya ay hindi namalayan ni Blaire na naka tulog na siya sa sahig ng kwarto na ito.

Dumating si Larah sa Bahay na Hindi naabutan si Blaire ng itanong niya sa mga maid kung nasaan ito ang sabi ay may kasama itong lalaki kaya agad na sinilip ni Larah ang cctv at ng makita nito na kasama si Zico na sumakay sa kotse ay napa cross arm nalang siya.

"She's with Zico?" Natatangong Sabi niya at tinignan ang Oras, inisip ni Larah na okay lang ito dahil wala naman magagawa si Zico Kay Blaire na ikasasama nito.  Lumabas si Larah sa security room at nag tungo na sa kwarto nito para maligo.

Pasado alas dose na at umiinom parin si Zico sa bar dito sa loob ng Bahay niya. Galit siya kay Blaire sa kung ano ang ginawa nito sa anak niya at kung paano ito nag bago dahil sa mga kaibigan nito.

"Sir! si ma'am Blaire po sa sahig naka higa at mataas ang lagnat." Kinakabahan at nag aalala na sabi ng matagal na niyang kasambahay. 

Walang pakielam si Zico kung saan ito natutulog kaya tinalikuran niya lang ang maid niya na parang nanay na niya. "Sir,Inuwi mo si ma'am Blaire dito responsibilidad mo siya alagaan, Tulad kung paano ka niya alagaan dati." Sabi nito pero walang kibi si Zico sa kung ano ang sinasabi ni Yaya Felly.

"Kung hindi mo siya kayang alagaan sana hinayaan mo nalang siya na sunduin ni Sir Cord." Iniwan siya ni Yaya Felly at naiwan naman Niya na nakatingin sa alak ba iniinom niya. 

Balak pa uminom ni Zico pero tumunog ang Cellphone niya..

Kate calling...

Agad iyon sinagot ni Zico at narinig niya sa kabilang linya ang boses ng girlfriend niya.

"Babe, can you come over?" Malanding Sabi nito pinakiramdaman ni Zico ang sarili at dumaan naman sa harapan niya si Yaya Felly na may hawak na plangganita na may tubig at towel na parang dismayadong tinignan siya.

"Okay wait for me." Tumayo si Zico at nag buntong hininga nalang si Yaya Felly na dumiretso na sa guest room para asikasuhin si Blaire at bigyan ng pagkain at gamot.

Mabilis na nag maneho si Cord papunta sa Bahay ni Zico at ng maabutan niya ito na palabas ng Bahay ay agad siyang pumarada at bumaba at diretsong pumasok sa Bahay ni Zico.

"You're trespassing." Sabi ni Zico ng lagpasan lang siya ni Cord na huminto naman at tinignan siya. "Sue me, I don't care." Pagkasabi nun ay dumiretso na si Cord at nakasalubong nito si Yaya Felly na may hawak na plangganita.

"Yaya Felly where's Blaire?" Tanong niya agad rito tumingin naman si Yaya Felly kay Zico na nakatayo lang sa pinto pero agad din umalis. "Buti nalang at dumating ka Cord, Tara ihahatid kita sa kaniya." Sabi nito at agad ito sinundan ni Cord.

Nadatnan ni Cord na naka higa ito sa sahig at mataas ang lagnat. Gusto niya habulin si si Zico at suntukin sa ginawa nito pero mas inuna niya na buhatin at ilipat ni Blaire sa kama at alagaan ito.

"Yaya Felly ako na po ang bahala rito kailangan mo na rin po matulog." Sabi ni Cord sa matanda na inaayos ang pinag gamitan na towel at plangganita. Nginitian siya ni Yaya Felly 

"Pasensiya kana sa alaga ko at sobrang tigas ng puso." Pag paumanhin nito tumango lang si Cord dito."Hindi niyo kailangan humingi ng tawad para sa Gago na yon Yaya Felly." Sabi ni Cord at pilit lang na ngumiti si Yaya Felly bago nag paalam at lumabas. 

Tinignan ni Cord si Blaire na natutulog sa kama, at hindi niya maiwasan na magalit ng husto kay Zico."I'll come back later para iuwi ka sainyo." Sabi niya habang inaayos nito ang buhok ni Blaire.

pasado alas dos nang marinig ni Cord ang sasakyan ni Zico kaya agad siya bumaba at sinalubong ito.

"Gago ka!" Agad niya ito sinalubong ng suntok pag pasok nito hindi naman ito gumanti at pinunasan lang ang pumutok nitong labi.

"Don't blame Blaire for your stupidity Zico." Inis niya sabi." Galit na galit si Cord sa ginawa nitong pag papabaya Kay Blaire na never ginawa ni Blaire kay Zico. "Don't blame other people for something you actually did. Don't be stupid Zico." Kinuwelyuhan ito ni Cord.

"Alam natin pareho kung sinong may mali at h'wag kang mag malinis Zico para isisi lahat 'yon kay Blaire." Patulak na binitawan ni Cord si Zico bago umalis.

Si Zico naman ay napatingin sa kwarto kung nasaan si Blaire pero laking gulat niya ng makita ito na nakatayo sa pinto at naka tingin sa kaniya agad rin ito nag iwas ng tingin at pumasok ulit sa loob.

Nahiga si Blaire sa kama at narinig niya na may nag bubukas sa pinto pero alam niya na si Zico iyon kaya hindi na niya binuksan. Nakita niya kung paano ito suntukin ni Cord at nag aalala siya kay Zico kung ano ang lagay nito dahil alam niya na masakit ang suntok ni Cord.

Kumatok ito sa pinto kaya bumangon si Blaire para pag buksan ito  bumungad naman sa kaniya ang mukha ni Zico na namumula at ang putok na labi nito amoy alak rin ito.

Gusto ni Blaire hawakan ang mukha nito na namumula at kaya marahan niya iniangat ang kamay para hawakan ito medyo umiwas si Zico pero nag patuloy parin siya sa kagustuhan na hawakan ito. "Does it hurts?"

Iniwas ni Zico ang Mukha at nahihiyang inilayo ni Blaire ang mga kamay niya sa Mukha nito at nahihiyang ngumiti.

"I'll just get some ice." Sabi ni Blaire at bumaba para kumuha ng ilalagay sa Mukha nito. Medyo masama pa ang pakiramdam niya pero hindi niya ito kayang makita na may galos sa mukha.

Naabutan niya si Zico na nakahiga sa sofa at naka takip ang Braso nito sa mga mata naupo siya sa lapag at marahan na inilapat ang cold compress sa bandang labi nito at napapaiwas ito sa tuwing dumadampi sa labi niya ang cold compress kaya marahan lang ang pag lalagay ni Blaire. 

"Thank you sa pag dala sakin dito." Alam ni Blaire na gising ito kahit nakatakip ang Braso nito sa mukha.alam ni Blaire na galit ito sa kaniya dahil sa nangyari noon pero nag papasalamat parin siya rito dahil hindi siya nito iniwan sa Lugar na Hindi siya Pamilyar.

"I know this is not the right time to talk about it but I want to apologize for the death of your child." Mapait na ngumiti si Blaire at tumigil sa pag dampi ng cold compress. "Alam ko na malaki ang galit mo sa'kin and I'm really sorry for that." Napayuko si Blaire dahil kahit alam niya na wala naman siyang kasalan ay parang siya narin ang naging dahilan nun.

Hindi niya alam na buntis pala ang babae ni Zico nung araw na iyon, halos 1 month na silang hiwalay nun ni Zico at hindi niya alam na sa pag balik niya na yon ay ganun ang mangyayari. 

Tinignan niya si Zico na walang imik sa mga sinasabi niya kaya yumuko nalang siya ulit at kinuha ang ointment at inilagay iyon sa maga nitong labi. "Pahinga kana, uuwi na rin ako. Salamat ulit." Pagkasabi niya nun ay inayos niya na ang mga pinag gamitan niya bago tumayo at tinitigan si Zico.

"Alam ko na ayaw mo ako makita o makasama sa Iisang lugar don't worry I try not to be in the same place with you." Ibinalik lang ni Blaire ang Cold compress sa lagayan at nadaaanan niya ulit si Zico na naka higa tinignan niya lang ito sa malayo at lumabas na rin.

Siguro mahirap na talaga ibalik yong dating sila. Yong dating puno pa ng pag mamahal at pag aalaga ay napuno na ng galit at pag tataboy. There's no love in his eyes anymore.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status