Share

Chapter 6: Safe place

Nagising si Blaire ng may malamig na dumampi sa noo niya pinilit niya imulat ang mga mata pero hindi niya ganung maaninag ang nasa harapan niya. Gusto niya bumangon ngunit pinigilan siya nito.

"Rest." Sa boses palang nito ay alam na niya kung sino ito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit kasama niya ito ngayon? Nanlalamig si Blaire at hindi niya kaya imulat ang mga mata niya kaya hinayaan niya nalang si Zico na kumilos.

"What happened?" Tanong ni Blaire habang yakap ang kumot naupo naman si Zico sa bandang paanan nito at inayos ang kumot nito. "Why I'm still here?" Nanghihina ang boses nito kaya naisip ni Zico na buhatin ito nagulat pero kumapit na Lang si Blaire sa leeg nito.

Naalala ni Blaire ng buhatin din siya noon ni Zico sa tuwing na kaktulog sa siya sofa kakanood ng TV o sa tuwing pagod siya galing trabaho. Hindi niya lubos maisip na mabubuhat siya nito ulit.

Kahit na anong nangyari sa kanila ni Zico at kung ano ang nagaw ni Zico ay mahal na mahal niya parin ito at kahit marami ng nag bago ay nananatili parin ang pag mamahal niya rito.

"You passed out on the street." Hindi maalala ni Blaire na hinimatay siya dahil ang nasa isip niya ay uuwi na siya nag simula mag lakad na karga ni Zico si Blaire. "Sinundan kita sa gate kung kaya mo ba talaga. Dahil baka mabinat ka." Humakbang ito sa unang baitang ng hagdan at hindi alam ni Blaire kung bakit bumilis ang tibok ng puso niya dahil lang ba ito sa pakiramdam niya o sadyang umaasa siya na nag aalala pa sa kaniya si Zico?

Naniniwala si Blaire na may pag asa pa kahit hindi na niya nakikita ang pag mamahal sa mga mata nito tulad noon na parati itong masaya na makita siya. Nag patuloy sa pag akyat si Zico habang sinasabi kay Blaire ang nangyari.

"I was at your back and as I expected, after your 2 steps bumagsak ka....Buti hindi tumama ang ulo mo sa bato." Ganun ba siya ka manhid para hindi maramdaman ang pag sunod ni Zico? Yon ang nasa isip ni Blaire.

"Hindi ka ba matutuwa kung sakaling maaksidente ako at mahospital?" Mahinang tanong ni Blaire. "Chance mo na yon para makabawi sa 'kin para sa anak mo." Tinignan niya si Zico na diretsong naka tingin sa hinahakbangan nito.

Tahimik lang si Zico hanggang sa mailapag siya nito sa guestroom na hinigaan niya. Nang maibaba siya nito ay inayos lang ni Zico ang kumot niya at tumalikod na.

"Saan ka pupunta?" Tawag ni Blaire rito bago pa ito makalabas. "Tatawagin ko si Yaya Felly to take care of you." Pagkasabi nun ay lumabas na ito ng pinto akala ni Blaire ay ito ang mag aalaga sa kaniya pero naman hindi pala. Kinapa ni Blaire ang noo na may towel pa at binaliktad iyon bago pumikit at matulog dahil hindi na niya kaya Ang sakit.

Nagising si Blaire sa pag bukas ng pinto pinakiramdaman niya lang kung sino, Hindi niya minulat ang mata ngunit nakikiramdam siya sa galaw nito kilala niya ang galaw ni Zico kaya pinigil niya na mapangiti ng imulat ang mata at nakatalikod ito sa kaniya dahil ibinaba nito ang tray sa gilid.

Pumikit ulit si Blaire ng maramdaman na haharap na ito hindi niya alam kung anong Oras na at kung may tulog ba si Zico dahil sabi nito kanina ay si Yaya Felly na ang mag babantay sa kaniya.

Naupo si Zico sa gilid ni Blaire at kinapa ang noo nito mahimbing pa ang tulog nito pero kailangan nito uminom ng gamot kaya ginising niya ito. 

"Blaire? Wake up you need to take your medicine." Gising nito inilagay niya sa saging ang gamot nito dahil hindi ito nakakainom ng gamot na directly sa bibig. Marahan na nag mulat ito ng mata at kinusot ang mga iyon.

Ibinigay niya ang saging dito at warm water dahil gusto nito na warm water sa tuwing iinom ng gamot. Naalala pa noon ni Zico kung paano niya tinawan si Blaire ng mag kasakit ito at siya ang nag bantay. Naiyak na ito dahil sa pang aasar niya dahil hindi ito marunong uminom ng gamot at kailangan pa na nakalagay sa saging at warm water.

Napahingang malalim si Blaire ng makita kung paano siya painumin ng gamot ni Zico ngayon. Natatandaan parin nito na hindi niya kaya uminom ng gamot napangiti siya na tumingin kay Zico.

"Thank you. Sa pag pi-prepare ng gamot at sa warm water." Nakangiti niyang sabi may mga pagkain din sa tray ng tignan niya ito.

"You like eating after meds right?" Panigurado nito at napapangiting tumango si Blaire. It makes her heart happy knowing that He still knows what she likes. "Finish it up para makakain kana." Sabi nito at inayos ang kumot tsaka tumayo ulit bago mag punta sa veranda at dun humikab.

"Hindi ba siya natulog?" Bulong Blaire kaya nag madali na siya ubusin ang saging at uminom ng warm water sakto naman pagbalik nito ay tapos na siya kaya iniabot na nito sa kaniya ang Table tray na may pagkain.

Beef Caldereta at buttered shrimp ang nasa plate kaya gunanahan kumain si Blaire. Na miss ni Blaire ang pagkain na ito sa tuwing nag kakasakit siya dahil si Zico lang ang gumagawa sa kaniya ng ganito 5 years ago. 

Nakaupo at nakatingin lang si Zico Kay Blaire habang kumakain ito at hindi napigilan ni Blaire na subuan si Zico dahil ganun ang nakasanayan niya noon tuwing may sakit siya.

"Sorry." Sabi niya nalang ng tignan lang siya ni Zico balak niya na saya iyon ibaba ng kainin ito ni Zico kaya napangiti si Blaire at sinubuan ito. Bumalik sa alaala ni Blaire kung gaano sila ka saya ni Zico noon at kung paano sila makuntento sa isa't isa, kung paano sila mag tawanan at kung paano siya nito alagaan.

Nang matapos sila kumain ay si Zico na ang nag ligpit ng mga pinagkainan nila pati ang mga iba pang gamit.

"Take a rest before you sleep." Paalala nito sa kaniya tumango naman siya at tumalikod na si Zico para lumabas masaya si Blaire na Kilala parin siya ni Zico at alam parin nito kung paano siya alagaan sa kabila ng lahat nang pangyayari sa buhay nila.

Naupo na muna si Blaire dahil bawal pa siya mahiga kaya tumingin na muna siya sa orasan, 4am palang siguro ay wala pang tulog si Zico alam ni Blaire na mahina sa puyatan si Zico at mainit ang ulo nito sa tuwing kulang ang tulog.

Nang pumasok ulit si Zico sa kwarto na may dalang tubig ay tinignan niya ito sa mata dahil alam niya kung antok na ito o hindi pa. Inilapag ni Zico Ang tubig sa side table at si Blaire naman ay naka titig lang sa lalaki nang mapansin ni Blaire na malalim na ang mata nito ay hinawakan niya ito sa kamay.

"Hindi ka pa natutulog." Sabi niya rito tinignan siya nito at nag salubong at kilay pero binalewala iyon ni Blaire alam niya na mag mamatigas ito kaya tumayo siya at humarap dito.

"Pwede mo ba ako tabihan kahit ngayon lang Zico?" Tanong niya at naka titig lang sila pareho sa mata ng isa't isa. "I won't bother you while you're sleeping." Sabi niya rito gusto niya na makatulog ito ng maayos. "I just want you to sleep peacefully." Kinakabahan si Blaire na baka tumanggi ito at mapahiya siya.

Pero nagulat siya nang mahiga ito sa kama at parang inaantay siya kaya napangiti siya na tumabi rito. "Can I ask you a favor?" Tanong ni Blaire nang maka higa siya.

"What?" Takang tanong ni Zico nahihiya naman si Blaire na sabihin ito dahil baka na ilang ito pero iyon lang ang paraan para makatulog ito ng maayos.

"Can...can we sleep...like...like what you used to...when... we're still.....to-... together?" Nahihiyang sabi niya at ng hindi mag salita si Zico ay tinignan niya ito. Nakatingin lang ito sa kaniya at nakikita ni Blaire na antok na talaga ito at kapag ganito ay makakatulog na ito.

Napangiti nalang si Blaire dahil sa kahit anong angas nito tignan at mahina ito sa puyatan at walang makakapigil sa antok niya. Naka tulog na ito kaya marahan na pinahiga ito ni Blaire sa braso niya at bahagya siyang tumagilid paharap dito.

"You still can't stop your drowsiness huh." Naiiling ni Blaire at napahumming nalang ito na parang narinig ang sinabi niya at yumakap na sumiksik sa kaniya. She missed this kind of feeling.

"I miss you Zico."

Naririnig ni Blaire ang mga parang pagsagit nito sa pamamagitan ng pag "grhh" nito kaya napangiti nalang si Blaire at hinaplos ang buhok nito. Alam ni Blaire na ilang Oras lang ang ganitong pakiramdam kaya gusto niya na itong lubusin kaya niyakap niya si Zico at hinalikan ang ulo nito.

"Kung alam mo lang kung gaano kita ka mahal sa kabila lang lahat Zico." Bulong niya habang hinaplos ang buhok nito."Kung alam ko lang na buntis yong babae mo sana hindi na ako nanggulo." Mapait na nangiti si Blaire at pinunasan ang luha na tumulo sa mata niya. "Kung hindi na ako bumalik siguro masaya ka na ngayon na kasama ang anak mo." Hindi napigilan ni Blaire ang masaktan at maiyak sa katotohanan na hindi siya ang nakikita ni Zico na makakasama at mag dadala ng anak nito.

"I still love you and I still need you Zico." Nakangiti siyang sinasabi ang mga salitang iyon at humingang malalim at hinalikan si Zico muli sa ulo. "Ito na ata ang huli na makakatabi kita sa pag tulog at magagawa yong ganitong bagay kasama ka." Masakit para kay Blaire na tanggapin lahat at harapin lahat pero naniniwala siya na kaya niya at kaya pa nila ni Zico.

"I know that we can still be together. Ayoko at hindi ko kaya na I let go ka." Bulong niya rito at ipinikit ang mga mata at niyakap pa ang lalaking pinaka mamahal niya.

"You completed me when I was broken, Your my safe place and I need you now." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status