Share

50. 1 - Picture

"Bakit hindi mo sinama si Zacky!" inis na sambit ni Dexie.

Hindi pa nga ako nakakapagpalit at nasa locker room pa lang ay pinuntahan na niya ako. Naiilang na rin ang ilang empleyado dahil nandito si Dexie.

"Wala akong tiwala sa sinabi mo na wala rito si Zachary," sambit ko at kinuha na ang uniform ko.

"Wala naman talaga siya rito! Grabe ka! Sa tingin mo magagawa pa kitang lokohin? Tanungin mo si Zeyo kong gusto mo at kung wala ka talagang tiwala sa'kin!" sabay irap nito.

"Kung ganoon nasan siya?" tanong ko

Tumaas ang kilay nito habang nakatingin sa'kin. "Bakit mo tinatanong?" pabalik na tanong niya.

"Tsk!"

Hindi ko rin tuloy maiwasang umirap. Kung hindi lang todo tanong si Papa kung bakit hindi ako pumapasok, hindi na muna ako papasok. Sinama na lang muna ni Papa si Zacky sa bayan, tutal ay may mga bata rin naman doon na pwede niyang kalaro.

Tinanong niya rin kong nasaan si Zacky kaya ko sinabi na nasa bayan. Sabi niya ay pupuntahan niya raw para makapag bonding ulit sila.

M
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status