Share

CHAPTER 04

“Hala umuulan,” ang saad ng isa. Napatingin kaagad ako sa glass door nila at nakitang umuulan nga nang malakas. 

“May trabaho pa ako bukas,” I whispered. I glanced at my mother at nakitang nakasandal ito sa upuan habang nakapikit. Napagod siguro.

“Mas lalong lumalakas ang ulan, may bagyo ba ngayon?” Sheria whispered behind me, siya ang naging kaclose ko kanina habang naghihintay kami. Sakto namang pagtanong ni Sheria, biglang napalitan ng isang TV News ang aming pinapanuod na movie kaya napaayos kami ng upo.

“Hala may bagyo nga, pa’no tayo makakauwi nito?” someone said. 

Ang natitira nalang dito ay ang mga katrabaho ni nanay dahil ang mga kapamilya nila ay nauna nang umalis. Ako nalang ang kapamilya na kasama nila ngayon kasi akala ko pa naman mabilis lang ang pag-aantay na gagawin namin pero turns out natagalan pala.

“Buti nalang hindi naabutan ng bagyo ang birthday ni Sir ‘no?” saad ng isa at nagtanguan naman sila.

"Ma'am" Biglaan silang napatayo at dali-daling yumukod, sinundan ko sila ng tingin at nakitang pababa sa hagdan ang asawa ni Sir Trios. Nakapambahay lamang ito ng damit ngunit sa isang sulyap pa lang, malalaman na agad na mamahalin ito.

“Nay gising,” Mahina kong niyugyog si nanay at agad naman itong nagising. Tumayo rin ito kaya sumunod nalang ako. 

“Sorry for the inconvenience, sobrang natagalan ang paghihintay niyo,” may pagsisisi sa tinig nito. Umiling naman kaagad ang iba at sinabing ayos lang daw. 

“Naabutan tuloy kayo ng malakas na bagyo, dito na lang muna kayo magsitulog ngayong gabi, ok lang ba?” she asked. 

"Ok lang po naman, dito naman talaga kami natutulog.” Ang saad ng isa at tumawa. 

“Sige, ok lang po ma’am pero kasi ano..” saad ng mayordoma at sinulyapan kami.

“Bakit 'nay?” ani ni Ma’am Heyre.

“Kulang po kasi ng isang higaan para kila Jessa at sa anak niya, hindi na po kasya sa maids quarter.” sagot niya.

“Ok lang po ma’am, uuwi na lang kami ng anak ko.” My mother instantly said.

“No, hindi pwede. Malakas ang bagyo at baka ano pa ang manyari sa inyo.” 

“Sa guest room nalang muna kayo, ok lang ba?” 

“Nako, hindi na po ma’am.” Iling ni nanay.

“No, I insist. Alam mo naman kung saan ang mga guestroom diba? Mamili ka nalang dun at may mga extra damit rin sa cabinet.” saad nito kaya wala nang nagawa si nanay kung hindi tumango na lamang. 

“Kayo kailangan niyo ba ng mga damit?” she asked. Nagsiiling naman kaagad sila at sinabing may extra damit daw sila sa maids quarter. 

“Magpahinga na lang muna tayong lahat at bukas ko nalang ia-announce ang sasabihin ko, alam kong pagod na rin kayo kaya magsihimlay na tayo sa mga kama natin.” biro nito.

Nanay is silently sleeping on the bed, it's already one in the morning but I'm still awake. I forgot to ask some water earlier, and now, I'm thirsty as hell and I couldn't sleep. I already accustomed that before I go to sleep, I must drink a water first. Kanina ko pa nginingitngit ang kuko ko, gustong-gusto ko gisingin si nanay ngunit alam kong pagod siya kaya ‘wag nalang. Bumuntong hininga ako at napag-isipang ako nalang ang kukuha ng tubig sa kusina. Natatakot kasi ako baka may tao pa sa ibaba at sabihing magnanakaw ako o kung ano pa.

Kanina lang tumilak ang ulan, mga bandang alas dose. 

Nasa second floor ang guest room na tinutuluyan namin ni nanay kaya’t kinakailangan pang bumaba, walang ingay akong bumaba at bitbit ang cellphone. Tahimik na ang buong bahay, medyo makulimlim kasi ang ilaw kaya hindi ako gaanong nakakakita. 

“Kapag talaga may makakita sa’kin dito mapagkakamalan talaga akong magnanakaw.” I whispered. Sino ba naman kasi ang mukhang tanga ang maglalakad sa gitna ng malaking mansyon at may dalang flashlight pa. 

When I already finished drinking some water, I was about to climb upstairs but I automatically stopped when I noticed that the glass door is slightly open.  Hindi ba 'to sinara o may gising pa ba? 

Aalis na sana ako ngunit napakagat ako sa labi ng nasulyapan ko ang pool area. Parang ang ganda kasi sa pakiramdam ngayon na ilubog sa tubig ang mga paa habang ginagabayan tayo ng katahimikan. Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba ngunit nanaig ang ninanis ng puso ko, ang puntahan ito.

Maingat akong naglakad, umupo sa gilid at nilublob ang paa, napahagikgik ako nang maramdaman ang ginhawa at ang lamig ng tubig.

Wala naman sigurong magagalit kung maliligo ako dito diba? I shook my head several times for what I think. I was about to stand up but I quickly sat again when the coldness of the water temp me more. Bahala na basta gusto ko maligo.

Pero paano kung may makakita sa’kin? At tsaka, wala na akong ibang damit.

Malungkot akong umiling at nagsimulang tumayo, magsisimula na sana akong maglakad ng may naisip ako. Wala naman yatang tao na dito dahil ang lalalim na nang gabi kaya wala sigurong makakakita sa’kin na nakahubad? Napangisi ako sa naisip at  nagsimulang inangat ang puting bestida na nakuha sa cabinet sa guest room. Lumilinga pa ako sa paligid at nang makitang wala akong mahagilap na kahit anong anino, sinunod ko ang aking bra at naiwan nalang ang underwear. May maraming mga damit at underwear kasi do’n sa kwarto, halatang bago pa kaya mangunguha nalang ulit ako ng underwear, susuotin ko nalang ulit ang bestidang nakuha ko.

Napapikit ako at nagsimula nang ilublob ang buong katawan sa tubig. Lumalangoy pa ako na para bang nasa sariling bahay ako. 

The cold wind of the evening gives me serenity, the warmth of the the pool gives me peace. This is one of the mainly reason why I  prefer the night time rather than the sunny day. The night gives me solace, for the past few years, night always gives me comfort. I prefer when it’s raining in the evening, especially if I am in pain. For me, the sunny day symbolizes another day which means, we need to gather ourselves and we must start sailing in our own boat. Kumbaga mas mahihirap ang ginagawa natin sa umaga at sa pagsapit naman ng gabi, ang gabi ang ating pahinga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status