Share

CHAPTER 03

“Uy, ang ganda naman ni Paige!” Someone shouted, napabaling ang tingin namin ni nanay sa sumigaw at nakitang ang mga kakilala namin ito, panandalian kaming tumigil. Halatang galing sila sa paglalaro sa basketball dahil medyo pawisan pa sila at may dalang bola. Hindi na nakakapagtaka kung kilala lang namin ang isa't-isa dito. Oo, may sarili na kaming bahay ni nanay at hindi na nangunguhapan pero medyo magkadikit kasi ang mga bahay dito kaya kahit sa ayaw at sa gusto mo, makikilala at makilala mo talaga ang lahat ng mga tao dito. 

“Syempre, baka Paige ito ‘no!” ang malakas kong hiyaw upang marinig nila, medyo may kalayuan kasi sila nakapwesto. Natawa naman sila sa sinabi ko at lakad takbong pumunta sa harapan namin.

“Saan punta niyo?” Jero asked. Siya ang una kong naging kaibigan sa tropa nila, nagta-trabaho din kasi ito sa water market at  siya ang laging nagde-deliver sa amin. 

“Sa supermarket lang, mago-grocery.” I seriously said. 

“Ewan ko sayo Paige, lagi ka nalang may sira sa utak.” Naiiling na biro ng isa sa’kanila. Sinamaan ko sila ng tingin.

“Aba aba, iniinsulto niyo ang reyna ng barangay natin?”

“Tara na nga, anak. Mala-late tayo nito, ang daldal mo.” saad ni nanay. “Mauna na kami, mga totoy,” she added. Natawa naman ako sa sinabi niya at sinulyapan ang mga magbabarkada, nakamaang lamang sila at makikitang namumula ang pisngi at alam kong dahil ito sa pagtawag na totoy ni nanay sa kanila.

“Mauna na kami mga alagad,” I shouted and waved my hands without glancing at them. Nagpaalaman naman kaagad sila pabalik.

“Nay, ang ganda.”  I can feel how my mouth widen as we both entered in the mansion that she's working with. Gagi, ang gara naman dito.

“Kinakabahan ako 'nay, hindi yata tatalab ang kagandahan ko dito.” biro ko kay nanay. Pero totoo naman kasi, sino ba ang hindi kakabahan sa ganitong bahay, kahit saan titingin, nagsusumigaw ng karangyaan ang bahay na 'to.

“Ewan ko sayong bata ka, umayos ka nga.” Kinurot nito ang bewang ko kaya napalayo ako sa kanya. Hindi ko nalang 'yon ininda at pinagtuonan na lamang ng pansin ang paligid.

Wala pa namang masyadong tao pero makikita talaga kong gaano kagara ang okasyong ito.

“Tara sa sala, ipapakilala kita sa mga katrabaho ko. Mamaya nalang kita ipapakilala kay ma’am at sir baka kasi busy pa ‘yun.” ang saad nito. I excitedly nod and took her hand as I intertwined it into mine.

“Nay, hindi ba kayo sasali sa pag-aasikaso dito?” I curiously asked and she shooked her head. “Hindi anak, diba sabi ko sayo mababait ang amo namin kaya bilang pasasalamat daw sa’min gusto niyang hindi muna kami magtrabaho ngayon at dapat i-enjoy muna ang gabing ito na para kaming parte ng pamilya nila.” ang mahabang ani niya.

“Wow, ang babait naman 'nay. May mga anak sila diba? Beke nemen kese.” ang pabebe kong saad sa huli. Pinandilatan lamang ako nito.

“Tara sa sala tayo, siguradong nando’n ang mga katrabaho ko,” aniya kaya nagsimula na kaming maglakad.

Hindi ko na mabiling kong ilang beses akong napasinghap at namangha sa bawat bagay na makikita ko. Ang gagara kasi talaga at ang peaceful tignan nang paligid. May mayayaman naman akong kaibigan at masasabi kong nakakamangha rin ang bahay nila pero ikaw ba naman kasi ang paulit-ulit ng pumunta do’n tignan nalang natin kung sino ang hindi mauumay. 

“Jessa,” Someone said.. Tinignan ko 'to at nakitang mas matanda ito kay nanay. Napatingin ako sa mga kasama niya at agad napatango, siguro ito yung mga katrabaho ni nanay.

“Aba ang ganda ni nanay Jessa ngayon ah, anak niyo po?” tanong ng isang babae at sinulyapan ako. Ngumiti naman ako sa’kanila at agad nilang ibinalik iyon.

“Anak ko nga pala, tawagin niyo nalang siyang Paige kasi maarte 'yan. Ayaw niya na tinatawag siya sa second name niya kasi ang mga close friends lang daw niya ang pwedeng tumawag sa’kanya ng gan’on.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni nanay pero totoo naman kasi. Ayaw ko na tinatawag akong Euryx lalo na't hindi ko ka-close.

"Nay naman,” nakapikit kong sabi dulot sa kahihiyan. Rinig ko naman ang tawanan nila kaya sigurado akong iniisip na nila ngayon na isa akong maarte.

“Ang ganda naman ng anak mo 'nay Jessa, nag-aaral pa ba ito?” rinig kong tanong ng isa. 

Pinakilala ako ni nanay sa’kanila at sa sala nalang muna kami tumambay lahat.

“Let me call the birthday participant, Leios Trios Ferejo!” Nagpalakpakan ang mga bisita sa paglabas ni Sir Trios, napatakip ako sa bibig nang makitang nakapakisig parin nito kahit ang may katandaan na.

“Amo namin ‘yan anak,” lintaya ni mama.

“Ang gwapo 'nay, siguro gwapo rin ang anak ‘no?” Napapikit ako at pilit na hindi sumigaw nang bigla kong naramdaman ang pagkurot ni nanay sa gilid ko. Si nanay talaga ang bully sa’kin.

“Enjoy your night ladies and gentleman, have a great evening ahead.” Ang huling salita na lumabas sa bibig ni Sir Trios, nagpalakpakan naman ulit ang mga tao kaya’t nakisabay nalang ako kahit hindi ko talaga naproseso lahat ng mga sinasabi niya.

Ang daming pagkain, saad ko nang makitang ang rami paring nakahanda sa gilid kahit na kanina pa kumukuha ang mga tao. Hindi ba sila nauubusan ng foods?

“Nay, kuha lang ako ulit. Ano po ang gusto niyo?” I asked as I stood up. Umiling naman ito. “Ang dami mo nang nakain, anak.” 

“Loh syempre, handaan ito kaya dapat sulitin.” I laughed.

Pumila ako para kumuha ulit ng pagkain, may mga nagseserve naman sa harapan kaya’t ang kailangan lang naming gawin ay huminto sa pagkaing gusto naming kunin at pakiusapan ang nagse-serve. I’m really excited for the lechon, kumuha narin ako ng cake, cookies, leche flan, salad at marami pang iba. Gagi parang hindi ko na pangalawang kain 'to ah. 

“Jusko anak, ang dami naman n’yan,” ani ni nanay nang makita ang laman ng plato ko.

Ngumiti lamang ako ng matamis, umupo ulit at nagsimulang kumain.

“Gusto niyo po 'nay?” 

“Wag na, parang kulang pa nga sayo eh,” nakangiwi nitong saad habang tinitignan ako.

Masaya ako hanggang natapos ang selebrasyon, unti unti nang nag-uwian ang mga bisita. Aalis na rin sana kami pero sinabihan sila nanay ng mayordoma na hindi daw muna kami papaalisin ng amo nila kaya’t nasa living room kaming lahat, nakatambay ulit habang nanunuod ng telebisyon upang malibang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status