Share

CHAPTER 02

“Nay! Tara kain na tayo!” sigaw ko habang inayos ang mga kainan. Kadalasan kasi ako ang nagluluto dahil ayaw ko naman na mapagod pa nang husto si nanay. Alam ko naman kung gaano siya nagpu-pursigi upang maiahon  ang sarili namin sa kahirapan.

“Anak, gusto mo ba sumama sa’kin bukas?” Nanay suddenly asked.

“Saan po 'nay?” nagtataka kong tanong. 

Uminom muna siya ng tubig bago ako sinagot. “Sa mansyon na pinagtatrabahuan ko, may okasyon kasi kaya pinagsabihan kami ng amo namin na maari raw kaming magdala ng kapamilya.” ang mahaba niyang lintaya. 

“Hala aba, sige po nay!" masayang sagot ko.

Natatawa naman ako nitong sinulyapan at nagpatuloy na kami sa pagkain. Buti nalang talaga sabado na bukas at makakapagpahinga na muna ako. Saturday lang din naman ang trabaho ko at timing na hindi muna kami pinatrabaho dahil nasa ibang bansa pa ang amo namin. Exactly eight in the morning dapat nasa trabaho na ako at natatapos naman hanggang sa alas singko ng hapon, six-hundred or hindi kaya'y seven-hundred and sweldo ko, nakadepende kung marami bang customers. 

Pwede rin naman kasing pagkatapos ko mag-aral, magta-trabaho ako para naman mas maraming pera pa ang kikitain pero ayaw 'yon ni nanay. Aniya sapat na daw ang pagta-trabaho ko tuwing sabado at kapag sasabat naman ako, takot ko lang at baka pagbawalan pa ako nito. Mas pagtutuonan ko daw ng pansin ang pag-aaral ko, aniya lagi.

“Wala ka bang mga assignments na dapat munang gawin?” she asked.

“Meron po pero gagawin ko nalang mamaya para makasama kita bukas.” I replied and winked at her. 

“Nay, may tanong ako." Nandito kami ngayon sa maliit naming sala habang nanunuod ng telebisyon, konti lang ang kagamitang meron kami, hindi rin kasi mahilig si nanay sa mga materyales na bagay, ang mga importanteng bagay lang ang meron kami dito. 

“Ano?” sagot niya pero ang mga tingin ay nasa harapan parin, lumayo muna ako nang konti sa kanya at sabay sabing, “May mga gwapo po ba bukas?” malambing kong saad. Nanlaki naman ang mata nitong binalingan ako at aambang kukurotin na sana ngunit agad akong natatawang tumayo.

“Jusko, ikaw talagang bata ka,” she said while throwing a very sassy look on me. Wow sassy, nagmumukha tuloy na mayaman.

“I’ll just go to my room, mommy.” We both laughed after I said those words. Kita niyo naman, halatang nagmana talaga ako kay Jessa. Humalik muna ako sa noo niya bago nagpaalam na pupunta na sa aking kwarto.

I was about to close the door of my room when she called me. “Euryx!”

“Bakit 'nay?” Sumilip ako sa kanya at nakitang abala parin ito sa panonood sa telebisyon.

“Maraming mga gwapo bukas, pati ang mga anak ni Madam Esabel, ang po-pogi tignan. Dapat magpaganda ka bukas kung ayaw mong itakwil kita.” saad nito. 

Nanlaki ang mata ko, “Hala nay, maraming mga gwapo?!” I exageratedly uttered. Kunwaring pinaypayan ko ang sarili na para bang naiinitan, dali-dali akong pumunta sa harapan niya at naglakad nang pabalik-balik na para bang may malalim na iniisip at parang nagpa-panic.

“Ginagawa mo?” Nakabusangot na saad ni nanay.

“Sinabihan lang na may gwapo, ganyan na agad reaksyon mo?” she added.

“Nay,” ang seryoso kong saad. 

“Bakit?” she answered.

“Feel ko bukas, makikita ko na ang icing sa ibabaw ng cupcake ko.” I sighed and glance at my mother, her forehead is slightly creased and I’m trying my best to stop myself from bursting out into laughter.

“Ang landi mo talaga, lumayas ka na nga.” Humagalpak ako at  pumunta na agad sa aking kwarto.

I’m wearing a peach spaghetti strap silky short dress. Nakalugay ang buhok ko na medyo wavy sa dulo. Ang singkit kong mata ay ang ipinagmamalaki ko dahil sabi ng iba, ito daw ay mapupungay at nakakaakit tignan, lalong-lalo na kapag titignang mabuti, dumedepena ang kulay abo nito. I have a thick brows na gustong gusto ko rin, my prominent nose and pinkish lips.

Ang suot kong damit ngayon ay regalo sa'kin ni nanay noong nakaraang kaarawan ko. Maputi rin ako kagaya ni nanay, sa’kanya ko namana ang kulay sa balat samantalang sa katangkaran naman ay kay tatay. 

Some people noticed that I look like an American pero agaran naman akong napatawa kapag sinabi nila ‘yan. Wala rin naman kasing ibang lahi sila nanay at tatay kaya nakakapagtakang sinasabi nila ‘yon. Minsan napapaisip ang mga kakilala ko na baka  ampon lang ako, o hindi kaya'y iba daw ang mga magulang ko dahil kahit ni isa, wala daw akong namana kay nanay, sadyang parehas lang daw kami na maputi. 

I put some light liptint on my lips and the cheeks. Klarong klaro ang isang nunal sa pisngi ko at dalawa sa ibabaw ng labi ko. Samantalang kapag mapapatingin ka sa bandang dibdib ko, makikita naman ang dalawang nunal, they said ang seductive daw tignan kapag ganito. Napailing nalang ako, ang dami talaga nilang alam.

Ngumiti ako sa salamin at umikot- ikot, hindi ko mapigilang napahiyaw sa kagandang taglay ko. Omg, mukha akong diwata.

“Jusko anong nangyari?” Halatang nagmamadali si nanay na pumunta sa kwarto ko, dahil siguro sa marinig nito ang aking paghiyaw.

Napatigil siya at agad akong tinignan, “Ganda naman ng anak ko nayarn.” she wiggled her brows habang pinasadahan ako ng tingin.

“Syempre, me lang ito 'no.” saad ko at umikot-ikot sa harapan nito. Natawa lamang ito sa’kin, “Ewan ko sayong bata ka, makapaghanda na nga.” 

“Ganda naman ni nanay ko nayarn!” ang malakas kong sigaw ng makitang ang ayos tignan niya. Hindi kasi mahilig si nanay sa mga magarang damit at minsan lang siya nagsusuot kapag kinakailangan talaga. Maganda naman si nanay kahit may edad na siya, syempre saan ba naman ako nagmana. Hindi lang talaga siya mahilig mag-inarte kaya nagmumukhang matanda talaga.

“Lagyan kita liptint 'nay,” saad ko at hinalungkot ang small bag na dala ko. 

“Perfecto!” I clapped my both hands after I put some light liptint on her lips. 

“Mukha tayong mayayaman nito, baka yung mga bisita mapagkamalan nilang tayo ang may-ari ng bahay.” I uttered and we both laughed afterwards.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status