Share

Chapter Five

CHAPTER FIVE : SPIKE BLADE USER

NANG matapos ang pang hapon namin na klase ay niyaya ko so Reece na pumunta sa bahay,sabi ko ay doon ko nalang sa kaniya i-eexplain ang lahat.

"Nakauwi na si Brythe.." Nakasanayan na namin na sabihin ang ganoon kahit walang tao sa bahay,para ipaalam na nakauwi na kami.

Niyaya ko naman si Reece papasok.

"May bisita si Brythe.." Muling usal ko at tinanggal na ang aking boots,ganoon din naman ang ginawa ni Reece,inilagay namin sa shoe cabinet ang mga sapatos namin bago ko siya yayain sa itaas--kung saan ang aking k'warto.

Nakita ko naman na sumilip si Mama mula sa kusina pero hindi nagsalita.

Nang buksan ko ang pinto ng k'warto ko'y niyaya ko agad siya.

"Pasok ka." Ngumiti siya sa akin kaya tuluyan na kaming pumasok sa k'warto ko,  isinara ko pa ang pinto at baka biglang pumunta sila Mama dito

Naupo siya sa kama ko kaya inilapag ko naman ang aking bag sa sahig,malinis naman ako sa k'warto

Tumabi na din ako sa kaniya at bumuntong hininga.

"This mask.." Napasulyap ako sa kaniya ng ilabas niya ang kaniyang maskara na katulad ng akin,ang pagkakaiba lang talaga ay ang kulay.

Tumayo akong muli at kinuha ang bag ko,ngayon ako nagsisi na dapat hindi ko nalang siya inilapag kanina.

Umupo akong muli sa kama at inilabas din ang aking maskara.

Gulat pa din siya na makita ang aking maskara

"I..I really don't know na may iba pa palang katulad ko,Leside told me that I'm chosen one. So I thought that..that I'm solo." Marahan kong hinahaplos ang aking maskara,habang nag-uumpisa ng magpaliwanag sa kaniya."This mask help us to transform ourselves--our eyes,our voice."

"Gaano katagal ka nang nagliligtas ng mga tao?." Napatigil ako dahil sa tanong niya,gaano katagal na ba?

"I..I throw the mask away," Napatigil kaming pareho,siya siguro ay sa gulat at ako naman ay dahil naalala ang mga panahon na 'yun "I'm too young,I'm just 14 that time, I tried to avoid and ignore the calls of peoples who were dying..and calling for some help. I-I was afraid that I can't do anything to help them. Noong gabing ibigay sa akin ni Leside ang maskara ay ang hindi unang gabi,and that was 2 years ago..When I'm 15 I officially accept the truth that I'm a chosen one and I have a responsibility to protect lives."

"You're a strong and brave 17 years old lady huh?." Napangisi kami pareho dahil sa sinabi niya.

"So?.." Nakataas pa ang mga kilay ko at nakakalukong tumingin sa kaniya.

"Anong so?so? Ako? Paano akong nagkaroon ng ganito? I'm just a normal girl in the village doing alright. Then I became a princess overnight-- charrot! Kasi naman paanong naging may powers ako? I mean.. I'm dreaming right?." Pinitik ko siya sa noo kaya napadaing siya at hinawakan ito.

"You're not dreaming." Sabay na usal namin ni Leside,bigla na lang siyang sumulpot eh.

"Ahmm, Reece this is Leside, she's the guardian of light and ice." Pagpapakilala ko sa kaniya kay Leside,ayon sa mga research ko ang 'Leside' ay nangangahulugang kaliwanagan o liwanag, nabasa ko din na noong mga nakalipas na taon ay naging matalik na magkaaway ang liwanag at dilim,hindi ko nga lang alam ang dahilan.

"You're not normal person like you thought, there's a hidden power within you. Hindi mo lang alam 'yun dahil wala itong pagkakataon para maipakita sayo na mayroon kang kakaibang kaya." Nakinig lang ako sa sinasabi ni Leside kahit alam kong hindi naman para sa akin 'yun.

"Hindi lang kayo isa at hindi dalawa,hindi ko lang alam.."

                           *******

               "Tingnan mo nga naman ang pagkakakataon." Napatigil kami pareho ni Reece sa paglalakad, mahigit isang linggo na din simula ng maliwanagan siya sa kung ano talaga kami.

Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi dahil wala naman daw klase ngayong tanghali.

Nasusuka akong tumingin sa pagmumukha ni mokong na mukhang ipot ng butiki at mokong na mukhang tae ng kalabaw, ambaho tuloy ng hangin. Pwee!

At ang nakakatawa pa ay may mga kasama na sila,mga mukha tuloy silang bakla.

Hindi ko mabilang kung ilan na sila pero ang alam ko lang,nakapalibot na sila sa aming dalawa ni Reece.

Kami naman chill lang.

"We can't transform because we can't kill them." Biglaang sabi ko sa kaniya, mga estudyante lang ang mga ito. Hindi alam ang ginagawa sa buhay, puro kachildishan ang alam at kabaklaan.

Naramdaman ko ang pagtango niya kaya ngumisi ako.

"Ganoon na ba kayo kabakla?." Natatawang tanong ko at ngumisi.

"Mayabang ka pa din hanggang dito Brythe,tingnan natin kung hanggang saan ka lang." Inungusan ko siya,seryoso ba siya? Hindi man lang siya magdadalawang-isip? Hello? Babae kaya kami? Wala talaga?

"Ang dami mong satsat,sugod na."

"Ms.Beautiful,p'wede namang maupo ka na lang muna at panoorin kami." Umirap kaming sabay ni Reece at sabay na ding sumugod. Ang mga bag namin ay mahigpit naming idikit lalo sa aming katawan. Mahirap na.

Sinasangga lang namin ang mga suntok at sipa nila,sila din naman ang mapapagod eh.

Inilihis ko ang aking katawan ng may magtangkang umatake sa akin,pinatid ko siya at boom! Parang neneng B ang kaniyang katawan--ay 'yun nga humalik ang kaniyang pangit na labi sa maduming daan.

Buti nga.

Hindi pa kami nakakakalahati sa mga childish na 'to ay napahinto kami bigla ni Reece ng may biglang bumagsak na Spike Blade.

Sabay kaming halos na tumingala at nakita ang isang--hindi ko mawari.

T-Teka,isa ba siyang--

Nang lumapag siya sa harap namin ay nakita ko ang maskarang halos kapareho ng sa amin,subalit kulay black ito.

'Hindi kaya,isa siya sa amin?'

Isang lalaki,nasisiguro ko na isa siyang lalaki.

"Hi mga binibini,maayos lang ba ang inyong lagay?." Nagkatinginan kami ni Reece at sabay na tumango.

"Mabuti naman." Ngumiti siya sa amin at naglabas ng Spike Blade sa kaniyang mga kamay.

He's a Spike Blade User?

Aatake na sana siya gamit ang mga Spike Blade ng sabay namin siyang pigilan ni Reece.

"You can't kill them,they are students." Tiningnan niya kami na nay halong pagtataka

"But they hurt innocent people like you,I must give them a lesson for attacking innocent ladies."

Hinayaan na namin siya ni Reece,sumugod na kami sa iba at 'yung iba naman ay tumba na. Sabi ko naman kasi na mga normal na estudyante lang sila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status