Share

Chapter 12

NAGISING si Leighana na mabigat na mabigat na naman ang pakiramdam. Pakiwari niya ay kulang na kulang na naman ang itinulog niya. Halos ay lagpas hating-gabi na nang makatulog siya ng nagdaang gabi.

Isang buwan na mula nang mailipat siya ng destino sa Davao branch ng Dela Vega Doctors.

Noong mga unang araw niya ay medyo excited pa siya, na sa wakas ay tila nakawala siya sa renda ng ina. Nagagawa niya ang lahat ng naisin niya ng wala ang Mama niya upang manaway at manermon sa kanya. Pakiramdam niya ay nakalaya siya. Pakiramdam niya ay nakatayo na siya sa sarili niyang mga paa.

Ngunit panandalian lamang pala iyon. Panandalian lamang ang saya. Habang lumalakad ang mga araw ay nami-miss niya ang ina, pati na rin ang kapatid niya.

Nami-miss niya ang panggigising sa kanya ng ina tuwing umaga. Ang paghahanda nito ng almusal niya. Ang mga sermon nito na noon ay nakakakulili sa tainga niya, ay himalang hinahanap-hanap niya. Ang pag-aasikaso nito sa lahat ng mga ka

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status