“Layuan ko si Maxwell? May sira na ba ’yang utak mo? May kontrata kaming pinirmahan Maxine at nakasaad doon na kailangan naming magsama for the sake of our company!” singhal ko kay Maxine at napangisi naman siya.
“Para sa kumpanya? Eh paano naman ang iyong ama?” tanong nito sa akin at pinandilatan pa ako ng kaniyang mga mata.“Kahit anong kondisyon, huwag lang iyan! Ayaw kong magising si daddy na wala na ang kumpanya. Buhay nga siya pero para ko na rin siyang pinatay kung pati ang kumpanya ay mawawala rin lang sa kaniya, buhay na niya ang kumpanya Maxine!” singhal ko dito at nagdabog ako pabalik sa kwarto.Pagkapasok ko sa kwarto ay napasapo kaagad ako sa aking noo. Unti-unti na ring tumutulo ang mga luha ko habang inaalala ang aking ama at ang kumpanya.“Naomi? Anong nangyari? May problema ba?” tanong sa akin ni Maxwell pagkapasok niya sa kwarto.“Wala! Huwag ka namang ganiyan oh. Huwag mong ipamukha sa akin na concern ka kung hindi namaNang makauwi ako rito sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Laking pagtataka pa ang namutawi sa mata ng mga kasambahay namin nang dumating ako.Naupo ako dito sa sulok at nakatingala sa kisame habang iniisip si Maxwell. Nasasaktan din kaya siya gaya ko? Ano kayang nararamdaman niya? Baka naman masaya ma siya sapagkat nakalaya na siya mula sa akin? Dapat din ba akong maging masaya? Pero bakit ganito kasakit?Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba at hinanap si mommy. Siya lang ang makakatulong sa akin. Siya lang ang nakakakilala sa akin at siya lang ang nakakaalam kung ano ang maaari kong gawin.Pagkarating ko sa may garden ay nakita ko siyang nakaupo at umiinom ng kape. Agad akong tumungo rito at niyakap siya mula sa likuran. Namiss kong yakapin ang ina ko."Anak! Nandito ka pala, kailan ka dumating?" tanong nito at hinarap ako."Baka ang dapat niyo pong itanong ay kung kailan ako umuwi?" tanong ko rin sa kaniya pabalik naupo sa t
Makailang minuto lamang ang lumipas ay dumating na ang guwardiya at dinala kami sa isang kuwarto upang pag-usapan ang nangyaring gulo.“Kasalanan mo lahat ng ito Naomi! Kung hindi ka sana pumasok sa banyo, hindi sana nangyari ito!” sigaw sa akin ni Shekinah kaya naman ay napakuyom ako ng aking kamao.“Kasalanan ko pa? Kasalanan ko pa pala? Kung hindi ka sana ahas edi sana walang mangyayaring ganito!” saad ko at pinandilatan siya ng mga mata.“Nais ko kayong pagbayarin sa mga kaukulang danyos. Basahin niyo ang papeles at paki-pirmahan na lang. Ayusin niyo na rin ang gulo sa pagitan ninyong dalawa.” Tumalikod na ang manager ng mall na ito at may kinausap sa telepono.“Naomi, bakit mo sinugod si Shekinah? Wala naman siyang ginagawang masama sa’yo ah!” saad ni Maxwell kaya napangisi na lamang ako.“Problema mo? Bakit parang kasalanan pa ni Naomi? Bakit kaya hindi mo tanungin ’yang girlfriend mo? Dahil sa pagkakaalam ko, mas may kakayahang magsimula ng gulo iyang
“Shhh! pumikit ka lang, ako na ang bahala sa lahat!” saad nito na siya namang ginawa ko.Makailang minuto na ang lumipas ay wala pa ring nangyayari kaya naman ay minabuti kong dumilat na at nakita ko na lamang ang aking mga kamay na nakagapos at wala na rin si Maxwell rito sa kwarto.“Maxwell!” sigaw ko at agad naman siyang bumalik sa kwarto habang hinihingal.“Naomi?” inosenteng tanong nito kaya naman ay pinandilatan ko siya ng mga mata at napanguso ako sa aking kamay na nakatali.“Kalagan mo ako! Akala ko ba ay gagawa tayo ng milgaro?” tanong ko rito na siya namang dahilan ng kaniyang pagtawa.“The f*ck Naomi! HAHAHA ano bang iniisip mo?” tanong nito kaya napaisip naman ako, pareho lang naman kami ng naiisip ah.“Huwag mo akong ginag*go Maxwell!” sigaw ko at agad naman siyang lumapit sa akin at tinakpan ang aking bibig.“Magagawa natin iyan kapag pareho na tayong nagmamahalan.” Tinalikuran ako nito at palabas na sana ng kwarto nang bigla ko siyang tawagin.
“G-Gusto kong puntahan si daddy sa hospital!” saad ko habang nakatulala.“Sige, hintayin mo ako rito at kukunin ko lang ang susi ng sasakyan.” Pumasok na si Maxwell sa loob ng bahay at napaupo naman ako rito sa gilid ng kalsada.Anong gagawin ko? Kung kailan masaya na ako, saka naman may darating na panibagong problema. Akala ko magiging maayos na ang lahat. Hahanap ako ng doktor para mapagaling ang ama ko at maayos ang kumpanya namin.“Naomi? Halika na.” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Maxwell kaya naman ay tumayo na ako at tumungo sa sasakyan.“Gusto mo bang bumili muna tayo ng makakain bago pumunta sa hospital? Bumili na rin tayo ng bulaklak para sa iyong ama.” Tumango lamang ako kay Maxwell at humarap sa bintana. Pakiramdam ko, ang tamlay ng katawan ko.Nang makabili na kami ng pagkain ay tumungo naman kami sa isang flower shop upang bumili ng bulaklak. Ang bango ng mga bulaklak, ang sarap nilang tingnan, ang gaganda.“Magandang umaga po ma’am at sir! Tulungan ko na po
“Ako nga Naomi! Surprise! Masaya ka bang makita ako?” tanong nito sa akin sa nang-aasar na tono.“Bakit ikaw Xian?” tanong ko rito at naupo sa bakanteng silya.“Bakit? Ayaw mo sa akin? Sino bang gusto mo? Si Maxwell na naman?” Hinampas nito ang mesa na siyang dahilan upang pagtinginan kami ng mga tao sa loob ng kwartong ito.“Anong pinagsasasabi mo? Maxwell and I were over, well, I g-guess.” Sumandal ito at tumawa ng peke habang tinitingnan ako sa nanghuhusgang mga mata.“Pwede mong lokohin ang iba pero hindi ako Naomi! Alam kong mahal mo si Maxwell, pero sorry to say this, iyang nararamdaman mo? Mababalewala rin yan dahil simula sa araw na ito, akin ka na! You are mine Naomi! Mine alone!” sigaw nito at hinatak ako palabas.Nang makarating kami sa dulong pasilyo ay sinandal ako nito sa pader habang nakakulong ako sa pagitan ng kaniyang mga bisig. Napalunok ako nang maramdaman kong nakatingin siya sa akong labi.“A-Anong ginagawa mo?” tanong ko rito sa kinakabahang tono.“Inaangkin ka.
“Naomi! Sandali!” sigaw nito at hinabol ako hanggang sa labas.“Ano? Papatayin mo rin ba ako ha? Kagaya doon sa mga litratong may mga pulang marka? Bakit nandoon si Xian ha? Anong balak mo sa kaniya?” sunod-sunod na tanong ko rito habang patuloy lamang siyang nakahawak sa braso ko.“Hindi mo ako naiintindihan Naomi!” sigaw niya na siyang dahilan upang mapangisi ako.“Pwes, ipaintindi mo! Kaya ba ayaw mong may pumasok sa kwartong iyon sapagkat marami kang tinatago? Halos lahat ng tungkol sa akin ay alam mo Maxwell! Ta’s ang tanging nalalaman ko lang sa iyo ay ikaw ang asawa ko na hindi ko naman ginusto!” sigaw ko rito sabay hampas sa kaniyang dibdib.“Pinagsisisihan mo ba ang nangyari sa atin Naomi?” tanong nito at binitawan ako.“Oo! Pinagsisisihan ko ang lahat! Baka nga pakana niyo pa ang nangyaring pagguho ng site kaya nasa hospital ngayon si daddy!” sigaw ko rito at tinulak siya papalayo.“Ha! Iniisip mo talaga na ganyan ako kasama? Pwes, may isasama pa ako! Huwag na huwag ka nang
Lumabas na ako ng restaurant pagkatapos ng nangyari kanina. Tulala lamang akong naglalakad papalapit sa sasakyan ni Xian.“Naomi? Are you okay? Nakatulala ka!” bungad sa akin ni Xian pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ng sasakyan.“A-Ah! W-Wala HAHAHA busog lang siguro ako!” saad ko saka isinuot ang seatbelt.“Nakita ko iyon Naomi! Nakita ko kung paano ka niya sinalo! Gustong-gusto mo naman!” singhal ni Xian sa akin na siyang dahilan upang tingnan ko siya ng masama.“Pwede ba Xian? Ayokong makipagtalo sa iyo okay? From now on, sayo na ako at akin ka na! Tayo na!” saad ko kaya naman ay bigla itong humarap sa akin sa hindi makapaniwalang mga tingin.“T-Totoo? Tayo na?” tanong nito, naninigurado.“Oo naman, tayo na!” saad ko at bigla ako nitong niyakap kaya niyakap ko na rin siya pabalik.“Ang saya ko!” saad nito habang tumatawa na animo’y nanalo sa lotto.Hindi kita mahal Xian pero kaya kong gawin ito at sakyan ang mga trip mo para lamang malaman kung ano ang ugnayan ninyong dalawa ni
Binuksan nito ang likod ng sasakyan saka kami pumasok, hindi pa rin namin binibitawan ang labi ng isa’t-isa.“M-Maxwell!” tawag ko sa pangalan niya. Huminto naman ito at tiningnan ako sa mga mata.“Hmm?” sagot niya sa nagtatanong na mga mata.“Mali ito! May Xian na ako at mayroon ka na ring Shekinah!” singhal ko sa kaniya na siyang dahilan upang bumitiw siya sa pagkakahawak sa aking batok.“Pero ikaw ang aking asawa! Kahit saang anggulo mo tingnan, ang relasyon natin sa kanila ang mali at tayo ang tama!” saad nito at naupo sa gilid ko.“Hindi mo kasi naiintindihan Maxwell! Kapag nakita tayo ni Maxine o kahit sino pang may kaugnayan kay Maxine ay paniguradong malalagot tayo!” sigaw ko sa kaniya kaya napatingin naman siya sa akin nag masinsinan.“Maxine? Anong kinalaman ng ate ko sa ating dalawa?” tanong nito sa akin at napakuyom pa ito ng kaniyang kamao.“Wala!” sagot ko at tumingin sa labas upang makawala sa kaniyang nakakasindak na tingin.“Magsabi ka sa akin Naomi! Anong kinalaman n