Share

CHAPTER 19

 Ang kaninang maingay na cafeteria ay biglang natahimik at napalitan ng malakas na kalabog ng dibdib ko. Umatras ako nang isang beses palayo sa kaniya na nakatayo sa bandang likuran ko. He’s wearing a gray shirt na pinatungan ng denim jacket. Pinaresahan niya ito ng black jeans at white sneakers.

Aatras pa sana ako ng isa pang hakbang nang matigilan ako. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at itinapat ang hawak kong ice cream sa cashier machine. Ganoon rin ang ginawa niya sa isa pang ice cream na hawak naman ng kabila kong kamay. Nang makita niya ang presyo ng dalawang ice cream sa monitor ay may dinukot siya sa kaniyang bulsa. Nakatitig lang ako sa kaniya.

“Tinakasan ka na naman ni Corbi?”

“Hm?” Nakakunot ang noo kong saad. Nakangiti siyang umiling na para bang sinasabi ng utak niya na ako ang pinaka-slow na taong nakilala niya. Napahilig ako ng ulo sa kanan habang nakasunod ng tingin sa kaniya na siyang bumayad ng ice cream na kinuha namin ni Corbi.

Sa halip na ipaliwanag sa akin kung ano ba ang nangyayari ay tinalikuran lang niya ako saka siya nagpatiunang naglakad paalis. Patakbo ko siyang sinundan. Hawak ko pa rin sa magkabilang kamay ang ice cream na hindi ko alam kung paano ko mabubuksan. Alam kong aware siya na nakabuntot ako sa kaniya pero hindi niya ako nililingon.

“Amin na. Bubuksan ko.” Napaatras ako nang magulat sa walang paabiso niyang paghinto sa paglalakad upang lingunin ako. Sumunod ang mga mata ko sa ice cream na walang paalam niyang inagaw sa kamay ko. Muli akong nagkaroon ng pagkakataong matitigan siya.

“Oh!” Inabot niya sa akin ang isang cone ng ice cream na nabuksan niya.

“I-ikaw? Baka gusto mo rin?” alok ko saka inabot sa kaniya ang isa pang ice cream na para sana kay Corbi. Walang pag-aalinlangan naman niya iyong tinanggap.

“Ikaw lang naman sana ang gusto ko ‘e.”

“Kumusta ka n—may sinasabi ka?” Umiling siya saka kumagat sa ice cream na hawak. May dumaan kasing mga OJT students sa gilid namin na ang lalakas ng boses. Kung anu-ano na tuloy ang naririnig ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang kumakain.

Nanliit ako sa sarili nang mapansin ang height difference naming dalawa. Ngayon ko lang ulit siya nakasabay maglakad nang ganito kalapit. Kikiligin na sana ako nang maalala kong wala na nga palang kami.

“Bilisan mo ngang maglakad! Wala ka na bang klase, ha?” sermon niya nang hindi ako nililingon. Paano ba naman ako hindi mapag-iiwanan? Isang hakbang mula sa kaniya ay dalawang hakbang para sa akin.

Dala na rin siguro ng nakagawian ko na, wala sa sarili akong humawak sa kamay niya na pareho naming ikinagulat. Bibitiwan ko na sana ang kamay niya nang sa pagkakataong ito ay siya na mismo ang humawak sa kamay ko nang mahigpit. I never see this scene coming. Mali ba talaga ako na paratangan siyang cheater?

“Dapat nakapag-usap tayo nang mas maaga.” Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad. Hindi man siya nakatingin sa akin, halata namang ako ang kausap niya. Magkahawak ang mga kamay namin na paminsan-minsan kong iduyan sa hangin hanggang tuluyan kaming makalabas sa admin building.

“May chance pa naman tayo, ‘di ba? Malay mo, we can make things right this time.” Umangat ako ng tingin kay Vhan na yumuko naman at sinalubong ang mga mata ko. Narinig kong may sinasabi siya pero tila ba nasa ulap na ang utak ko. Natuod ako sa kinatatayuan nang gawaran niya ako ng magaang halik sa noo na siyang ikinaingay ng paligid.

“PDA!” rinig kong sigaw na nasundan pa nga ng usap-usapan sa paligid. Saka ko lamang napagtanto na nasa harap na kami ng classroom ko. May iilang tinutukso kami ni Vhan, may mga naghahampasan, at meron din namang walang paki-alam tulad na lamang ni Thunder na nahagip ng mga mata ko sa loob ng room. Nakaupo siya sa upuan niya at nakatingin sa direksyon namin ni Vhan. Nagkibit-balikat siya at ngumiti nang magtama ang aming mga mata.

“So… Pwede na ba ako ulit pumunta sa inyo?” bumaling ako kay Vhan na siyang nagtanong. Ngumiti ako at tumango bilang tugon. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago niya ito binitiwan. Sumenyas siya sa akin ng tawag gamit ang kamay niya habang humahakbang siya nang paatras.

“Ano? Ano? Kayo na ba ulit?” Nanlabi ako sa pambungad na tanong ni Thunder nang maupo ako sa upuan sa tabi niya. May diin sa boses niya na parang—basta! Hindi ko maipaliwanag. Nakasunod pa rin sa akin ang atensyon ng iilan.

“Pinlano mo ba ito?” tanong ko naman pabalik nang maalala ang mga pinagsasasabi ko sa kaniya sa bar. Hindi kaya naawa siya sa akin kaya nagtulungan sila ni Corbi na muli kaming magkausap nang maayos ni Vhan?

“Planned about what?” Nakakunot ang noo niyang tanong.

“”Yong pagtulong sa akin ni Corbi sa department cafeteria!”

“Bakit? Ano bang nangyari sa cafeteria?” Tinaasan ko siya ng kilay pero tinawanan lang niya ako. Ang cute nga niyang tumawa. Lumalabas ‘yong bunny teeth niya at nagiging visible ‘yong mole sa ilalim ng lower lip niya.

“I hate you!”

“Bakit? Kailan mo ba ako minahal?” Tumawa si Thunder kaya umismid ako at humalukipkip. Bumaling ako sa unahan nang marinig ang pagbati ng mga kaklase namin sa kapapasok lang na instructor. Si Miss Elissa na pala ang instructor namin sa subject na ito.

“Birthday ng Dad ni Aquinah sa Sabado? ‘Yong totoong Aquinah ha! Pupunta ka ba?” Nilingon ko si Thunder habang abala ako sa pagkuha ng photocopies at highlighter sa bag ko.

“Hindi naman ako invited. Bakit ikaw? Inimbitahan ka ba?”

Napaisip siya sandali saka ngumiti. “Hindi rin. Malay mo ayain tayo ni Quin. Friends kayo ‘di ba?”

“Shh!” saway ko sa kaniya dahil nagsisimula nang magsalita sa unahan si Ma’am upang kunin ang atensyon namin. “May instructor na sa unahan. Hindi mo ba nakikita?”

Bumaling ng tingin sa unahan si Thunder. Nang lumingon sa direksyon namin ang mga tingin ni Miss Eli ay umupo si Thunder nang tuwid, tipong nakalapat ng maayos sa back board ng upuan ang kaniyang likod at ang dalawa niyang kamay ay nakapatong sa desk. Naagaw tuloy niya ang atensyon ng lahat.

He looked like a six year-old kid every time his homeroom teacher enters the room with a stick on her hand. Umiling na lamang si Miss Elissa. Nang umiwas siya ng tingin at itinuon sa nakahandang powerpoint presentation sa TV ang kaniyang atensyon ay muling nag-ingay ang aking katabi.

“Ano—kapag niyaya ka ni Quin, ayain mo rin ako ha?” Napaigtad ako sa kinauupuan nang magsalita siya sa bandang tainga ko. Eksaktong ipapaliwanag na sana ni Miss Eli ang topic na nasa powerpoint.

“Mr. and Miss Monhador, you may go now.”

“Ho? Ma’am, itong si—”

“Alam niyo bang nakababastos kayo? Salita ako nang salita rito habang kayo ay may iba ring topic diyan. Please present a permission slip from the dean so I would allow you both to be in my class next meeting. Tag-isa kayo. Kapag walang permission slip, huwag munang umattend ng klase ko. For now, you can go.”

Totoo ba ito? Pinapalabas ako sa klase?

Nakasunod sa amin ang tingin ng buong klase. Nilingon ko si Thunder na nagliligpit na ng mga gamit. Nang maisilid niya ang lahat ng iyon sa itim niyang backpack ay tumayo siya saka tumingin sa akin. Nakakunot ang noo akong umiwas ng tingin upang bumaling kay Miss Elissa.

“Ano? Lalabas ba kayo o kayong dalawa ang pagsasalitain ko rito sa unahan?”

Mukhang badtrip din talaga siya. Laglag ang balikat kong isinilid muli sa bag ang mga inilabas kong gamit saka tumayo at sumunod kay Thunder palabas ng room. Based on the way how he swings his bag while walking, tila ba pabor na pabor sa kaniyang lumabas sa klase ni Miss Eli.

“Maalala ko lang, pareho nga pala tayo ng apelyido! Insan!” pang-aasar pa nga nito saka umakbay sa akin. Umikot naman ako para tanggalin iyon. Ngayon ko lang rin naalalang magkaapelyido nga pala kami. Matanong nga mamaya si Nanay Dolor kung may mga kamag-anak pa ba si Lolo.

As far as I know, Lolo only has a sibling. She’s Lola Marina who’s currently living in the United States, using the last name of her late husband which is Zamora. Kung kamag-anak ko man si Thunder, malamang ay malayong kamag-anak na. Siguro nagsasabi talaga siya ng totoo nang sabihin niyang nagpapalit siya ng pangalan.

“Wala akong gamit na kotse ngayon. Okay lang ba sa ‘yo maging back ride? Nakasakay na naman na siguro sa motorbike even once?” Sa parking area ng school kami dinala ng mga paa namin ni Thunder. Si Miss Eli ang huling instructor namin ngayong araw. Wala naman sigurong masama kung uuwi na lang ako tutal pinalabas naman na ako sa klase.

I looked at the red and black sports motorcycle behind him. Ineexamine ko ang bawat sulok nito sa pamamagitan ng tingin. I’ve always admire those who can drive motorbikes. This may sound weird, pero hindi ko pa nae-experience sumakay ng motorbike sa buong buhay ko. Ngayon yata ang first time.

Umupo roon si Thunder. Itinaas niya ang stand gamit ang kaniyang paa saka binuhay ang makina. Pansin kong pinipihit niya ang manibela katulad ng palagi kong nakikita sa tuwing binubuhay ang makina. Bawat pihit niya roon ay lumilikha ng ingay. Mabuti na lang at malayo sa mga school buildings ang parking area.

“B-bakit?” Umiwas ako ng tingin nang ngumiti siya sa akin. Nailang ako bigla. Inikot niya ang motorbike upang iharap sa exit ng parking area.

“Kaninong shirt ‘yang suot mo? Ang cute mo sa suot mo.” Itinuro niya ako. “Para kang bata na suot ang damit ng Papa niya.” Umamba akong hahampasin siya. Wala naman akong balak na tamaan siya pero ihinarang pa rin niya ang kaniyang braso. May napansin akong sulat ng permanenteng tinta na sumilip sa tumaas na sleeve ng kaniyang brown leather jacket. May iba pa yata siyang tattoo maliban sa tattoo na nasa kamay niya.

“Let’s go?” Inabutan niya ako ng extrang helmet na tinanggap ng mga kamay ko, subconciously. Kumabog ang dibdib ko habang sinusuri ang bawak sulok ng helmet. Paano ba ito suutin?

“Lemme do it.” Ayoko mang magpa-special pero ayoko rin namang magmagaling. Humakbang ako palapit kay Thunder at inabot sa kaniya ang helmet. Inayos muna niya ang nakalugay kong buhok bago isinuot sa ulo ko ang helmet. Nang maisuot niya iyon sa akin ay itinaas niya ang windshield nito para siguro tingnan ang kalagayan ng mukha ko. Hindi siya direktang nakatingin sa mukha ko pero mas lalo lang akong nailang.

Kahit may kay kataasan ang upuan sa backride ay nagawa ko pa rin namang maupo roon. Nasubsob pa nga ang suot kong helmet sa balikat ni Thunder nang walang paabisong umusad ang motorbike. Narinig ko siyang natawa. “Kumapit ka kasi sa akin. Hindi naman kita bibitawan.”

Tila ba sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko nang kunin ni Thunder ang kanan kong kamay upang ilagay sa bandang tiyan niya. Ganoon din ang ginawa niya sa isa ko pang kamay. Pikit-mata kong in-intertwine ang aking mga daliri sa tapat ng tiyan niya and to tell you, wala akong makapang baby fats.

“Yow! Ang aga natin ngayon, ah?!” Awkward man, narating pa rin namin ni Thunder ang motocross camp nang hindi ako bumibitaw mula sa pagkakayakap sa kaniya.

Si Bam ang bumungad sa amin nang ihinto ni Thunder ang kinasasakyan naming motorbike sa tapat ng kulay green na kotse sa parking lot ng motocross camp. Iyong pagkaka-sleeveless ng shirt niya ay iyong tipong t-shirt na tinanggalan ng manggas na umabot hanggang sa bandang dibdib. Namangha ako nang kaunti nang makita na may tattoo siyang krus sa tagiliran.

Nalipat ang atensyon ko sa bintana sa bandang backseat ng kotse nang bumaba ang windshield nito. May sumilip doon na lalaki na baliktad ang pagkakasuot ng itim niyang sumbrero. Katabi nito si Yves na tahimik na natutulog habang may nakasalpak na earpods sa kaniyang tainga. May apat pang lalaki na papalapit naman sa direksyon namin. Maliban kina Bam at Yves ay bago sa paningin ko ang limang lalaki.

“Siya ba si Jehan?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status