Share

CHAPTER 20

I was just sitting on the concrete bleachers the whole time while Thunder and his friends are on for a motocross match. Napapatayo na lamang ako sa kaba sa tuwing umaangat sa lupa ang dirty motorcycle na kinasasakyan nila.

“Want some?” Bumaling ako ng tingin sa lalaking may hawak sa plastic bottle ng tubig na inaalok niya sa akin. He’s Jared—as far as I can remember from what Thunder told me nang ipakilala niya ang mga ito sa akin kanina.

They are from Seven Internation School. An all boys university sa kabilang syudad. I’ve heard their school once sa isa naming blockmate na galing sa school na ‘yon noong first day of school. “Thank you,” usal ko saka tinanggap ang bote.

Jared is working as a part-time model sa clothing brand ng pamilya nila Vhan. Obvious naman kung ano ang iniingatan niya kaya hindi siya nakikihabulan sa mga kaibigan niya sa field. Maliban sa kaniya, pulos rider na ang anim pa which includes Bam and Yves. Halos manginig ako sa takot kanina nang makilala sila pero nang gumiling sa harapan ko si Jackson—the one with the reversed cap—ay natawa na lamang ako.

“So, what’s your relationship with him?” Ngumuso siya sa direksyon ng finish line kung saan ay naunang dumating si Yves at kasunod sina Thunder at Jayb.

“Si Thunder ba?” tanong ko habang binubuksan ang cap ng bottled water na hawak ko. Uminom muna ako bago sumagot, “We’re just friends.” Muli akong tumungga upang takasang sagutin ang iba pa niyang maaaring itanong.

“Are you related or something? Monhador ka rin ‘di ba?” Hindi ako sumagot, sa halip ay ipinagpatuloy ko ang pagpapanggap na umiinom ako. Baka sakaling baguhin niya ang topic. Unfortunately, hindi na siya nagtanong pa tungkol sa ibang bagay. Mukhang hinihintay niya ang magiging sagot ko. Nagkibit-balikat na lamang ako at isinara ang cap ng bottled water.

“As far as I know, he’s not a real Monhador. Nagpapalit daw siya ng pangalan nang lumipat sila sa US noong seven siya.” Tumango lang si Jared na para bang expected niya ang magiging sagot ko.

“Paano ka mananalo sa finals niyan kung dito pa lang halos maabutan ka na ni Yves?” Bumaling ako kay Jackson na nasa unahan namin, sa unang bleachers. Kasama niya si Yaxel na may bitbit pang helmet. Silang anim ay nakasuot ng motocross gears. Nang mapag-iwanan sila ng lima kanina ay mas pinili na lamang nilang bumalik at huwag ng humabol.

“I’ve won against Yves last semi-finals kaya ikalma niyo ang mga oten niyo. I’ll do my best to win,” pasigaw namang sagot ni Thunder sa tanong ni Jackson.

Nabanggit sa akin ni Thunder na isa si Yves sa mga nakalaban niya noong semi-finals at natalo. Nilagpasan ni Thunder sina Jackson at Yaxel at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa direksyon namin ni Jared. Ngumiti naman sa akin si Yves nang magtagpo ang mga mata namin bago siya naupo siya sa gilid ko.

“Siguraduhin mo lang na mananalo ka.” May pagbabanta sa boses ni Jayb.

“I will!” Patay-malisyang inagaw ni Thunder sa kamay ko ang hawak na bottled water saka ipinatong sa kandungan ko ang helmet na bitbit niya. Sasamaan ko dapat siya ng tingin pero tumagilid siya ng ulo saka lumagok ng tubig mula sa bote. Nang maibaba niya ito ay tila ba pagod na pagod siyang sumingit sa makitid na espasyo sa pagitan namin ni Yves.

Nagkayayaan pa ng ilang lap sina Yves, Jackson, Jayb at Thunder bago nagpasyang umuwi ang pito. Nang tuluyang umalis ang mga ito ay nagpaalam si Thunder na magbabanyo lang sandali. Naiwan akong mag-isa sa pinakataas na baitang ng grandstand kaya inabala ko na lamang ang sarili sa pag-scroll sa cellphone ko.

“Gusto mo ng umuwi?” Umangat ako ng tingin at nakita si Thunder na naglalakad papunta sa direksyon ko. May nakasabit na towel sa batok niya at basa ang kaniyang buhok. Mula sa motocross gears na suot niya kanina ay napalitan ito ng simpleng maroon shirt na siyang nag-reveal sa kung anong klaseng tattoo ang meron siya sa braso.

Sinipat ko ang oras sa hawak kong cellphone. Nang umangat ako ng tingin sa kaniya ay umiling ako nang nakangiti. May klase pa si Vhan nang ganitong oras. Kung pupunta man siya sa bahay ay paniguraong papalubog na ang araw.

“May gusto kang puntahan?” tanong niya. “Gusto mong bumalik doon sa flower farm? Hindi natin napuntahan ‘yong sunflowers noong unang punta natin.” It’s been a week na rin pala since that day. Foundation day yata iyon.

“Sure!” Tumango ako bilang pagsang-ayon. Nilingon ko ang bag ko sa tabi at kinuha ang mini-fan doon na palagi kong bitbit. In-on ko iyon saka inabot kay Thunder. Noong una ay magkatagpo ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin pero tinanggap pa rin niya ang mini-fan saka umiwas ng tingin nang nakakagat sa ibabang labi.

I know he’s tired and exhausted. Sa taas ba naman ng terrains na kailangang daanan ng dirty bike niya; idagdag pa ang mga lubak at zigzag na daan bago marating ang finish line. Nilingon ako ni Thunder nang hawakan ko ang kamay niya upang tingnan ang mga tattoo niya roon.

Akala ko noong una ay bali-baliktad lamang na letters ang naroon pero ngayong nakita ko na ito sa malapitan ay nabobo ako. May mga initials roon na J, H, 3, pabaliktad na V, 3 ulit, N at isa pang 3. Favorite number ba niya ang 3? Mula sa knuckles niya ay umakyat papunta sa braso niya ang aking tingin. May nakalabas doon na parang ahas na tattoo. Nang tingnan ko ang likod ng braso niya ay doon ko nakumpirmang ahas nga iyon.

There’s an apple tattoo near his wrist kung saan nakakagat ang dalawang ahas na siyang nakita kong magkalingkis sa braso niya. Mahaba ang mga iyon na umabot yata hanggang sa balikat niya. Mukhang matagal na niyang ipinalagay ang mga iyon. Kaya siguro madalas siyang naka-long sleeve hoodie o jacket sa school.

“Let’s go?” pukaw ni Thunder sa naglalakbay kong isipan. Iniabot niya sa akin ang mini-fan na agad ko namang tinanggap at gumayak na nga para umalis. Tahimik lang ako sa buong byahe namin ni Thunder papunta sa flower farm, sakay ng motorbike niya. Saka lang ako nagsasalita kapag may itinatanong siya.

“Okay ka lang? Nakaka-distract ba ‘yong tattoo ko?” tanong niya habang naglalakad kami sa gitna ng nagtataasang sunflowers. Muli kong tiningnan ang tattoo niya at agad ding umiwas. Hindi na kasi niya sinuot ‘yong jacket niya kanina.

“Ha? H-hindi n-naman,” nauutal kong sagot. Kahit ako ay hindi rin malaman kung bakit biglang nawala ‘yong excitement ko kanina na pumarito. Naiirita rin ako sa bawat taong nakasasalubong namin at kinikilig sa tuwing mapapatingin sa kanila si Thunder.

“Disappointed lang ako—nang kaunti lang naman. Hindi na pala ganoon kaganda ang mga sunflowers kapag hapon na.” Tumango naman siya.

“What’s your favorite flower, by the way?”

“Dahlia,” walang pagdadalawang-isip kong sagot.

“Really? Ako kasi ikaw.” Maging ako ay naramdaman ang pagkurba ng aking mga labi at uminit din ang aking pisngi. What’s with this guy? Sinaway ko naman ang sarili sa pamamagitan ng pag-irap kay Thunder saka nagpatiunang naglakad papunta sa cottage sa unahan. Narinig ko siyang tinatawag ako pero nagkunwari na lang ako na hindi siya naririnig.

There’s a small square-shape mirror hanging on one of the cottage’s foundation. Nahagip ng mga mata ko ang repleksyon ko sa nasabing salamin. Bakit ako ngumingiti? Napangiti niya ako gamit ang pambobola niyang iyon? Seryoso ka ba, Jehan Xaimylle?

“Aminin mo na kasi na distracted ka sa tattoo ko!” bungad ni Thunder nang makarating sa cottage. “I got this tattoo n’ong May, weeks after I met you at the bar kung saan ginamit mo ang pangalan ni Aquinah. Sa pagkakaalam ko, it takes more or less 6 months bago ito tuluyang gumaling.”

“Why snakes?” nagkibit-balikat siya.

“Trip ko?” Muli akong napatitig sa tattoo niya. Napaisip tuloy ako kung paano bumagay sa kaniya ang magkaroon ng tattoo. Dahil ba gwapo siya? Siguro kung hindi siya ganito kagwapo ay nagmukha na siyang tambay sa kanto. “Alam mo ba?”

“Malamang hindi?” pambabara ko sa naging tanong niya. Natawa na lamang kami pareho.

“Si Yves ang nag-suggest ng design na iyan. According to him, snakes and this apple represents ‘forbidden love’, paliwag niya.

“So?” Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. Nagpipigil siya ng ngiti saka yumuko para siguro iwasan ang pagtataray ko.

“Sini-share ko lang para aware ka. Baka kasi purihin mo. Syempre credits to Yves na lang din.” I just rolled my eyes on him. Kinuha ko sa bulsa ng aking jeans ang cellphone para tingnan ang oras. Doon ko napansin ang apat na missed calls mula kay Nanay Dolor kasunod ng message ni Vhan.

Nawala na sa isip ko na pupunta nga pala si Vhan sa bahay!

“Pinapauwi ka na? Magte-three pa lang, a?” May pilit na ngiti sa labi akong tumango sa kaniya saka tumipa ng message para kay Nanay Dolor.

“Kanina pa dapat ako nakauwi kung hindi mo ako dinamay sa kadaldalan mo. Sabay tayong kumuha ng permission slip!” pagbabanta ko pa nga sa kaniya.

“Sus, sumama ka nga hanggang dito!” Nagsimula na akong humakbang paalis sa cottage. Sumunod naman siya sa akin.

Napuno ng kwentuhan ang byahe namin ni Thunder pauwi. I suggested na sa bahay sa unahan ng bahay namin niya ako ibaba. Mahirap na baka makita kami ni Vhan at mamis-interpret pa nito kung bakit kami magkasama. Labag sa kalooban na bumaba ako sa motorbike niya at inabot sa kaniya ang helmet pabalik. Tinanggap naman niya iyon at isinabit sa manibela.

Itinaas ni Thunder ang windshield ng suot niyang helmet. Ngumiti siya sa akin. “Sana nag-enjoy ka.”

Ngumiti rin naman ako pabalik sa kaniya. “I did. Thank you!”

“See you, then.”

“Ah, Dee!” pigil ko sa kaniya. Mabigat man sa pakiramdam pero mas mabuti na sigurong iwasan ko na siya. “This will be the last time na sasama ako sa ‘yo on my free will. Ayokong masira ulit ang kung anong meron kami ni Vhan.”

“Para namang sinasabi mong kasalanan ko kung bakit kayo naghiwalay.” Natawa na lamang kami pareho.

“Kidding aside though, thank you. Thank you for making me happy when he’s not around.” Nakangiti ako sa kaniya pero may parte sa akin na ayaw siyang paalisin. Ano bang nangyayari sa akin?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Shammylyn Velasco
heto na uy.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status