Share

CHAPTER 52:

Third Person’s POV

Dahan-dahang iminulat ng pitong taong gulang na si Jehan ang kaniyang mga mata upang makapag-adjust sa nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa florescent lamp sa kisame. Walang ibang tao na naroon sa silid—maliban sa kaniya na ilang araw na walang malay at nakahiga sa kama. Nakaramdam siya ng kirot sa kanan niyang braso, ganoon din sa kanan niyang binti at ilang parte ng kaniyang mukha.

Tahimik ang paligid. Salungat ito sa bahay na nakasanayan niyang magisnan. Dumaan sa isipan niya ang nangyari—halos magtatlong araw na rin ang nakalilipas. Itinaas niya ang kamay niya kung saan nakatusok ang dextrose na nakasabit sa metal stand. Malapit na iyong maubos. Naagaw rin ng mga bulaklak at stuff toys na halos mas malaki pa yata sa kaniya ang kaniyang atensyon. Naluluha siyang ngumiti habang pinagmamasdan ang mga iyon.

Tunog ng pagbukas ng pinto sa bandang paanan ang umagaw ng kaniyang atensyon.

“Mama?” was the first word that came out of her mouth.

T
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status