Share

Kabanata 9

Sobrang sama ng loob ko kay kuya Wesley dahil sa phone call na iyon. Binigay ko kina Mom ang phone pero pinakita kong galit ako nang magtaka naman sila. Ayaw ko nang itago ang sama ng loob ko kay kuya. Alam ko namang may masama akong nasabi pero hindi na yata ito tama.

Tinigilan ko ang pagti-text ko sa kanya. Ginawa kong busy ang sarili ko sa school at sa paglalaro ng baseball. Ni hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga araw.

Nang dumating ang sem break nina kuya ay sinundo siya nina Mon sa Clamence. Inalok ako ni Daddy na sumama sa kanila pero tumanggi ako. Naiinis pa rin ako kay kuya dahil sa phone call...at sa picture nila no'ng babae.

"Are you sure you don't want to come with us?" Tanong ni Daddy.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status