Mesaiyah's Point of ViewNakalipas na ang Graduation. Akala ko, tuluyan na akong hindi makakapagtapos ng pag-aaral. Totoo ngang walang lihim ang hindi nabubunyag. Nalaman na nila pero wala na rin silang nagawa kundi tanggapin lalo na si Dianne pero nagtatanong pa rin ako sa sinong nag-utos sa kanya? Hindi ko nalang muna iisipin ang bagay na 'yun basta nakagraduate ako. 'Yun ang mahalaga. Wala na akong pakialam kung hindi ako naging Valedictorian o Salutatorian o with honors. Basta nga nakagraduate na ako.Masaya ako pero pilit ko pa ring iniiwasang isipin ang bestfriend kong si Angelo. Bestfriend pa ng aba ang turing niya sakin? O ako nalang ang tumuturing sa kanya na ganon.Alam niyo 'yun, typical na ang girl-boy bestfriend tapos marerealize nilang iba na pala ang nararamdaman ng bawat isa pero sakin, oo nangyari 'yun pero biglang nagbago. LAHAT as in LAHAT nagbago. Sa pamilya ko, pinilit kong maging tama, maging perfect sa paningin ng mga magulang ko pero katiting na pagmamahal, wal
Mesaiyah's Point of ViewSa school ang venue ng grauation ball at patapos na ang speech ng valedictorian namin (pointing to Dianne) nang makarating kami at madilim na ang paligid."Have a happy and SAFE night guys! Enjoy!""Woooh!" Nagsigawan ang mga estudyante nang matapos na siyang magsalita. Maingay at magulo ang buong court pero halata ang kasiyahan sa kanilang mukha. Ito na ang huling araw ng pagsasama-sama nila kaya nilulubos na nila. Lalong nagkagulo nung pinlay ng DJ ang song na Rude by Magic samantalang ako, I mean kami ni Anhiro ay nakaupo lang sa isang tabi at pinapanood silang sumayaw."Hindi ka naiinggit sa kanila? Ang saya-saya nila tapos ikaw nakaupo lang jan." napatingin ako sa nagsalita."Hindi ako marunong sumayaw atsaka baka malunot lang ako diyan, ang dami-daming sumasayaw. Ikaw? Bakit hindi ka sumasayaw?""Hindi ako sasayaw hangga't hindi ka sasayaw." sagot niya. Sus! Arte neto. Napabaling ang tingin ko kay Maysel na nagsasayaw sa gitna kasama ang kanyang boyfrien
Mesaiyah's point of viewUmayos ako ng upo. Medyo nahihihilo pa ako. Shet! Ano bang nangyari? Nakainom ba ako? Pumasok sa loob ng kotse si Angelo. Naalala ko na. Tinabunan nung lalaki ang aking ilong ko tas nawalan na ako ng malay. Tiningnan niya ako sa rearview mirror at ngumiti."Pano mo nagawang kidnapin ako?" Tanong ko."This is for the sake of your protection Mesaiyah. I'm sorry." Sagot niya."Ano bang gusto mo?""Kaligtasan mo lang ang gusto ko." Sagot niya. Natahimik ako sa sinabi niya."Sana mapatawad mo ako sa mga pantataboy na ginawa ko sayo dati. Pinagsisisihan ko ang lahat ng 'yun." Hindi ako umimik."Patawad kung hindi kita ipinaglaban." Dagdag niya."Bakit ngayon pa?" Sabi ko. Nasa driver's seat siya at nakahawak sa manibela. Napatingin siya sakin."Huli na ba ako?""It's too late. Bakit ngayon ka lang dumating, kung kailan...""Mahal mo na siya." Dugtong niya sa sinasabi ko."Minahal kita Mesaiyah." Sa labas ng kotse lamang ako nakatingin. Ayaw ko siyang tingnan, maiiya
Mesaiyah's point of view"Iiwan mo ang motor??" Tanong ko habang tinuturo ang motor."Hiniram ko lang 'yan kay Razec. Hindi ka pwedeng magmotor dahil nakadress ka kaya maglakad nalang tayo." Paliwanag niya sabay hawak sa kamay ko at nagsimula ng maglakad. Salitan ang mga daliri namin at parehas mahigpit ang aming pagkakahawak."Sana bilog ang buwan." mahina na animo'y bulong lang na sabi niya. Malambing ang kanyang boses at napakaganda nito sa pandinig."First quarter ngayon. Nakatawa ang buwan sa atin." Sagot ko."Ang sabi kapag naglalakad ka kasama ang taong mahal mo sa ilalim ng bagong buwan. May bagong problema silang kakaharapin." Siya."Kasabihan ba 'yan o inimbento mo na naman." Ako."Hindi. Lagi 'yan sinasabi ni mommy sakin. Sabi niya kasi, mahilig ang ama ko tumingala sa langit. Lagi niyang hinahanap ang buwan para sabihin sa mommy ko ang kasabihan niya.""Paano kung umulan? Madilim ang langit, walang star, walang buwan." Sabi ko."Nasa loob lang sila ng bahay. Hindi sila lum
3RD DAYThree days is enough. Ito ang huling araw na ibinigay ni kosuri kay Mesaiyah. Iiwan niya na si Anhiro sa ayaw at sa gusto niya dahil ang nakataya ay buhay ng kanyang mga mahal sa buhay at para na rin ito kay Anhiro. Matatapos na ang kanyang oras pero hindi niya magawang makausap si anhiro para sa bagay na ito dahil....Papunta sila sa beach ngayon. Kasama ang kapatid niyang si Terra, Maysel at Anthea together with their respective partners. Animo'y may nagaganap na running ng motorbike sa kalsada dahil sa ingay na dulot ng kanilang mga motor kaya hindi maiwasang mapatigil sa ginagawa ang mga taong nakakakita sa kanila."This is the best experience in my life ever!!" Maysel shouted. Napatingin sa kanya si Mesaiyah na ngayon ay naiirita dahil sa scarf sa kanyang leeg na nalilipad. They are so cool. Seeing those girls with their partners. It's cool and romantic.Nauuna si Denstah kasama si Anthea samantalang si Anhiro kasama si Mesaiyah ang kasalukuyang nahuhuli. Sina Razec kasam
Nakaupo si Mesaiyah sa ikahuling baitang ng hagdan ng bahay ni Denstah. Dito sila tumuloy tutal wala na silang matitirhan dahil pinasabog na ito ng lolo ni Anhiro. Iniisip niya ang maaring sunod na mangyari. Papatunayan niya ang kanyang sarili sa harap ng matanda subalit hindi niya alam kung paano. Wala siyang maayos na pamilya at walang maayos na buhay na maipapakita dito kaya balisa ang kanyang isip.Kanina pa nagvavibrate ang cellphone niya na katabi niya sa hagdan dahil kanina pa tumatawag ang kanyang ate Terra pero hindi niya na ito namamalayan. Tumayo siya at hinubad ang scarf na nakasabit sa leeg. She left her scarf on the mini table of living room. Sa couch naman siya naupo. Magkadikit ang palad niya at pinagbabangga niya ang kanyang kuko. Takot pa rin ang bumabalot sa kanyang pagkatao samantalang si Anhiro ay papalapit sa kanya, nakatitig sa balisang mukha nito. Naupo siya sa tabi ni mesaiyah at hinawakan ang kamay na namumutla."Wag kang matakot. Andito ako sa tabi mo, ako a
Mabilis na tumatakbo ang babae sa gilid ng highway. Maraming sasakyan ang nagdadaan, may mabagal ang takbo at meron ding mabilis, ang iba nama'y aporadong makarating agad sa patutunguhan. Nakasuot ng blue na jacket, puti ang pang ilalim na suot at naka jeans ito. Wala na ang isang pares ng kanyang sapatos, naiwan ito nang siya ay madapa. Kanina pa siya tumatakbo at hingal na hingal na siya, patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Kanina pa lumalabas sa mapuputla niyang labi ang pangalan ng kanyang kapatid. Kanina niya pa ito tinatawag..."Ate terra. Ang ate ko. Ang ate ko. Asan siya?" Para siyang isang basag na tinig na walang ibang nakakarinig kundi siya lang. Isang napakahirap na tanong na walang ibang makasagot. Hindi niya rin alam kung anong nangyari sa kapatid, ang alam lang niya. Nasa hospital ito dahil sa babaeng tumawag sa kanya. Napahinto siya sa pagtakbo ng makita niya ang tumpok ng mga tao, may mga police at iniimbestigahan ito. Ang ibang tao naman ay gusto
Hingal na hingal si Anhiro na dumating sa kwartong kinalalagyan ni Terra kung saan andito rin si Kerk, binabantayan ito."Anong nangyari?" Naghahabol ang hininga na tanong nito."May anak na sana kami kaso nawala pa na parang bula." Tulalang sagot ni Kerk."Gago ka pare! Sabi ko ingatan mo siya pero pinabayaan mo. Tangina!"Galit na sagot ni Anhiro."Sorry.""What sorry can do? Andiyan na 'yan at nasaan ang asawa ko?" Tanong ni Anhiro."Sabi niya lalabas lang siya para magpahangin." Agad siyang tumakbo papuntang labas pero wala naman siyang nakikitang Mesaiyah. Nilibot niya buong hospital pero wala. Napaupo nalang siya sa bench na pinagupuan kanina ni Mesaiyah. Napakapit siya sa ulo at sinipa ang dahon na kalalaglag lang.Nakahiga si Mesaiyah sa lupa. May tali ang magkabilang kamay at may tela ang bibig. Binuhusan ng isang lalaki ng isang timbang tubig ito para magising. Naghahabol siya ng hininga nang siya ay magising. Napatingin nalang siya ng sobrang sama sa lalaki at mapait naman n