Share

Chapter 37

Hindi naman kami close ni Lolo pero hindi ko alam kung bakit naaapektuhan ako sa pagkawala niya. Baka kasi kahit papaano, marami akong natutunan sa kanya? O dahil magaan lang talaga ang loob ko sa kanya. Napapaisip pa rin ako sa mga sinabi ni Lolo. Na baka kailangan ko lang talaga mag-hilom. Kaso hindi ko alam kung paano. Ang hirap mag-move on. At hindi pa ako handa.

Sobrang sakit ng pagkawala sa ‘kin ng lahat. Napabuntong-hininga ako at sinandal ang ulo sa pader ng karwahe pero agad din akong umayos ng upo kasi maalog ang arwahe, naaalog din ang ulo ko. Ang sakit sa sintindo.

“Nakatulog ka ba kagabi?” tanong ni Lino kaya umiling ako habang nakatulala sa labas.

Pinapanood ko lang ang ilang halaman at taong nadadaanan namin. Pati na rin ang mga Guardia Civil at Personal na naririto sa bayan. Bakit kailangan mang-akin ng pag-mamay-ari ng iba?

“Mabuti pa’y magpahinga ka muna pagkarating natin,” dagdag niya pa.

&ldqu

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status