"Napakaliit naman ng inyong tahanan," ani Catalina nang papasukin kami ni Lola Juana sa bahay nila. Nililibot niya ang tingin niya sa kabuuan ng bahay.
"Dahil hindi nila kailangan ng malaki, Catalina," sabi ko kaya agad siyang napangiti at tumingin sa ‘kin. Natawa na lang sina Lola Juana at Manang Hiyas.
"Maghahanda lamang ako ng meryenda," paalam ni Manang Hiyas bago siya umalis.
"Hindi rin po ako magtatagal," sabi ko pero hindi niya ako pinakinggan.
"Hayaan mo na si Doktor Fuentes. Malaki na iyon. Marahil ay namamasyal lamang," nakangiting sabi ni Lola Juana na nakaupo sa tapat namin at katabi ko si Catalina sa bandang kaliwa. Huwag niya lang talagang babanggain na naman ang braso ko kasi sasakalin ko na siya.
"Hinahanap mo si Doktor Fuentes?" tanong ni Catalina kaya napalingon ako sa kanya.
"Nakita mo?" I asked.
Umiling siya. "Mabuti pa'y samahan na lamang kita lalo pa't hindi ka rin naman pamilyar sa bayang ito."
"Ang
"Hindi naman sila malapit sa isa't-isa," tugon ni Agustino."Oo nga. Saan mo ba hinanap si Miranda?" I asked."Nagtungo ako sa tahanan ni Manang Hiyas sapagkat madalas niyang dalawin doon ang dati niyang tagapagsilbi ngunit wala siya roon.""Doon din kami galing," I said."Alam niyo ba kung saan ang kanilang paboritong puntahan?" tanong ni Catalina."Pinuntahan ko na kung saan nagpupunta minsan si Lino pero wala siya roon. Ikaw, Agustino? Saan ba maaaring nagpunta si Miranda?""Sa sakahan nina Manong Pedro," sagot niya kaya napagpasyahan naming magpunta roon. Medyo malayo nga lang ang lalakarin namin. "Hindi dapat siya nag-iisa sapagkat hindi pa nahahanap ang gumahasa kay Binibining Liwanag," wika ni Agustino habang naglalakad kami.Oo nga pala, inis na rapist kasi 'yun. Mamatay na sana siya."Mabuti pa'y mauna ka na, Agustino. Ihahatid ko muna si Catalina sa kanila. Magkita tayo roon," paalam ko at pumayag naman siya kaya muli
Magtatakipsilim na nang umalis sina Miranda at Agustino at hanggang dinner namin, napag-uusapan namin si Liwanag."Ang usap-usapan sa talipapa'y hindi naman talaga kilala rito si Binibining Liwanag. Nabantog lamang siya dahil sa mga naglibot na Guardia Civil," ani Maria."Nang dumalo kami ni Berto sa kaarawan ni Catalina, hindi naman napag-uusapan doon si Liwanag. Mukhang nakalimutan na nila. Maski ang isang Prayleng nakakakilala kay Liwanag, parang nakalimut na rin," sabi ko. Ayoko nang maungkat ang kasong 'to. Gusto kong hayaan nila akong mag-isang lutasin 'to. Ayoko munang ipaalam sa kanila ang kasinungalingan ko. One problem at a time."May nakakakilala kay Liwanag sa inyong pinuntahan?" gulat na tanong ni Lino at tumango kami ni Berto."Isang Prayleng mas maliit ng kaunti kay Padre Roque ngunit mukhang mas mabait siya kumpara sa nabanggit kong Prayle," natatawang sabi ni Berto. "Nais ko lamang sana itanong, Mon. Saan ka ba nanggaling kahapon at bigla
Sinakbit ko ang dalawang braso ko sa leeg ni Lino at naupo ng tuwid dahilan para dumikit ang katawan ko sa katawan niya. Nakaramdam ako ng kuryente. Gosh, I miss electricity! Saglit siyang tumigil at napalunok kaya napangisi ako at kinagat ang labi niya."Liwan," sambit niya habang kagat ko ang ibabang labi niya kaya bahagya akong natawa bago ito binitawan."Hindi ka nagpapaalam sa mga gusto mong gawin sa ‘kin, e," tawa ko kaya bahagya rin siyang natawa.Napasulyap siya sa lips ko kaya napakagat-labi ako para tuksuhin siya. Nakita ko kung paanong nagtaas-baba ang Adam's apple niya kaya napangisi ako dahilan para ibalik niya sa mga mata ko ang tingin niya. Wala na iyong mga ngiti sa mga labi niya. Mukhang kinakabahan siya. Unti-unti ring nawawala ang sa ‘kin habang nakatitig ako sa mga mata niya. Natatakot ako."Mapapahamak ka lamang kung patuloy kang lalapit sa apoy, Lino.""Ngunit habang nakikilala ko ang Liwanag, lalo akong nahuhulog,
Muli, napabalikwas ako sa kinahihigaan ko habang humahangos. Pinagpapawisan din ako ng malamig. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi pa ako kumakalma ay nakaramdam na naman ako ng takot nang maramdaman kong hawak ako ni Lino sa magkabilang braso para pakalmahin ako. Nag-aalala siya pero kinakabahan ako sa mga hawak niya. Agad akong umiwas ng tingin."B-bitawan mo ako," nanghihinang sabi ko na ginawa niya naman. Niyakap ko ang sarili ko at pasimple kong hinimas ang brasong hinawakan ni Lino para matanggal ko iyong pakiramdam ng pagkakahawak niya sa ‘kin. Hindi ako mapalagay."Liwan," sambit ni Lino at inaabutan ako ng isang baso ng tubig. Nanginginig ang mga kamay ko kaya hindi ko iyon kayang hawakan. Ni makalapit sa kanya ay kinakabahan ako kaya lalo siyang nag-aalala.Umusog ako palayo sa kanya sabay yakap sa mga tuhod ko. "L-lumabas ka na, L-Lino," nanginginig na sambit ko at hinahabol ko pa rin ang paghinga ko."May... may problema ba, Liwanag?
Tumalikod na kami sa batis at paglingon ko sa may kalsada, may nakita akong isang liwanag sa likod ng mga puno na agad ding nawala at nakarinig ako ng yabag ng kabayo na papalayo. Kumunot ang noo ko at hinila si Josefa palapit sa ‘kin na kinagulat niya."Parang may tao," mahinang sabi ko. Kinuha ko ang gaserang hawak ni Josefa at ako na ang naunang maglakad hila ang kabayo. Siguro kung si Liwan, hindi kayang lumaban ng suntukan, iba ako, kasi kaya ko. Ngunit may parte sa ‘kin na gusto ko na lang tumakbo palayo. Natatakot ako na baka maulit na naman."Mon, anong meron?" kinakabahang tanong ni Josefa na mahigpit na rin ang hawak sa damit ko. "Tila may tao kanina.""Huwag kang matakot. Magugulo ang isipan mo," tugon ko sa kanya habang naglalakad palapit sa kalsada.Hindi ko na makita ang liwanag at wala na rin akong naririnig na yabag ng kabayo. Iyong takbo niya ay papunta sa direksyon ng bahay na tinutuluyan namin."May kasama ka ba nang
Tinulungan niya akong makatayo at kahit natatakot at kinakabahan ako, agad ko siyang sinunggaban ng mahigpit na yakap. Alam kong nagulat siya pero sinuklian niya nang mas mahigpit na yakap ang yakap ko. Noong una ay parang gusto ko agad umalis kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko to the point na nakatingkayad na ako at parang nakasabit na ako sa leeg niya.Nakabaon pa ang mukha ko sa leeg niya at ramdam ko ang tibok ng puso niya. Ang lakas at ang bilis. Nang magtagal, unti-unting kumalma ang kalooban ko. Pakiramdam ko, kahit magdigmaan sa labas, ligtas ako sa mga bisig niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag may nagmamahal sa atin? Nawawala ang pangamba. Pakiramdam natin, kakayanin na natin lahat. Pakiramdam natin, ang lakas natin.Nang bumitaw ako, pinilit kong ngumiti sa kanya pero nag-aalala pa rin siya sa ‘kin. "Salamat," sambit ko."Wala pa akong ginagawa, Liwanag. Hindi mo kailangan magpasalamat." Ngumiti siya kaya bahagya akong natawa.Ang hila
Ilang segundo pa'y narinig ko ang mabibilis na yabag ni Lino at biglang nasa harapan ko na siya, nakaluhod at nag-aalala na naman."Anong nangyari, Liwan?" kinakabahang tanong niya at maski siya'y natatakot na hawakan ako.Mabagal akong umiling. "W-wala. N-nasagi ko lang," natatakot na sabi ko sabay turo sa candle holder pero hindi siya naniwala kasi halata sa mukha ko na takot na takot na naman ako at nanginginig na naman ang mga kamay ko. "Nandiyan pa siya?" mahinang tanong ko."Umalis na siya. Natakot ka ba sa kanya?" mahinahong tanong niya na para bang bata ang kausap niya ngayon.Lumalambot tuloy ang puso ko kapag pinapakita niya kung gaano niya kagustong alagaan ako. Hindi ko siya deserve. Masyado akong basag para alagaan niya. Baka siya pa ang masugatan dahil sa mga basag ko.Umiling ako nang mabagal habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi naman talaga ako natakot kay Padre Roque. Kamukha niya lang kasi at pakiramdam ko, nauulit na naman.
Habang nagdidilig, tinawag ako ni Agustino. "Mon," aniya kaya napalingon ako sa kanya na ngayon ay naglalakad palapit sa ‘kin habang nakakunot-noo. Napatingin siya sa kanang palad ko. "Anong nangyari riyan?" tanong niya pa at hahawakan niya sana ang kamay ko nang agad ko itong iiwas sa kanya at sakto ring nahawakan ni Lino ang braso ni Agustino.Napaatras ako ng hakbang at hinawakan ang mga kamay kong nanginginig na naman. Hindi maganda para sa ‘kin ang idea na may hahawak sa ‘king lalaki. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ganito dati."Bakit?" tanong ni Agustino kay Lino."Maaari mo ba akong tulungang kumuha ng tubig sa likod?" tanong ni Lino na tinanguan ni Agustino at nagsimula na silang maglakad palayo sa ‘kin. Isinama rin nila si Lucio. Nilingon pa ako ni Lino na parang nag-alala sa nangyari kaya pinilit kong ngumiti."Anong nangyari riyan?" tanong ni Miranda na nasa tabi ko na pala."Nahulugan ng kandila," sagot ko