TWENTY-SEVEN (27)-Rhea’s POV –Parang bulkan na sumabog ang puso ko ng makarinig ako ng malakas na pagsabog mula sa kung saang parte ng kakahuyan na kinaroroonan namin. Unti-unting tumatayo ang balahibo ko sa leeg kasabay ng malamig na awra na umaakyat sa katawan ko. Napalunok naman ako ng masundan naman ito ng isa pang pagsabog. Nagsimula na rin akong pagpawisan ng malamig sa kamay.Kaming lahat ay kanya-kanyang tingin sa paligid upang alamin kung saan ito nanggaling. Halatang hindi mapakali.“Hoy… Ano yun?” Takot na usal ni Renzo sa ilalim ng kanyang malalim na paghinga habang panay na iniikot ng kanyang mga mata ang paligid.Sunod kung nasaksihan ang dahan-dahang pagtumba ng ilang punong kahoy sa paligid namin. Dahilan para magpanic na talaga ako. Nanlaki naman ang mga mata ng kasama ko habang pinagmamasdan ang bawat pagbagsak ng kahoy.“Illegal loggers.” Aniya ni Ceejay bago niya inunat ang kanyang kamay sa aking likod at pinulupot sa balikat ko.“Mukhang dinamita ang gamit nila
TWENTY-EIGHT (28)- Rhea's POV -Halos kapusin ako sa paghinga nang makabalik kami sa camping area. Pawis na pawis ang mukha ko at dagdag pa natin yung luha kong nagkusang tumulo mula sa mata ko kahit hindi ako humihikbi. Hindi parin humuhupa ang kaba na nararamdaman ko at nanlalamig pa rin ako.Lahat ng tingin ay nabaling sa amin na puno ng pagtataka. Halos lahat ng students ay kunot ang noo na tinitigan kami mula ulo hanggang paa. Ikaw ba naman mukhang binagyo sa sobrang gulo ng buhok at mukhang gumulong sa lupa sa sobrang dumi ng suot. Yung white t-shirt ni Ceejay na kumikinang sa puti, mukha ng basahan pagkatapos hampasin ng alikabok."Grabe naman kayo, crushmate. Pwede naman kayo sa bus kung may plano kayong..... mag.. ano.." Nakanguso na pangaasar ni Almira habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. Bago palipat-lipat ang tingin niya kina kuya wolverine.I was still catching my breathe when I glared on her na parang tatadtarin ko siya. Sa dami ng araw na pwede niya akong asar
TWENTY-NINE (29)Hinila ako ng aking mga paa papunta sa pangpang kung saan nagkukumpulan ang mga students. Naririnig ko ang bulong-bulongan nila habang papalapit ako. Yung iba naman ay natataranta. Habang papalapit naman ako ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Pinangungunahan pa rin ako ng takot pero kailangan kong maging matatag.Malapit na ako ng maka-aninag ako ng maliit na usok mula sa pangpang dahilan para magpanic ang mga nagkukumpulan. Mukhang lumalala na ang sitwasyon.Nagdadalawang-isip man ako ngunit kailangan kong maniwala sa himala ng Panginoon at sa sarili kong abilidad.Hindi ako tumigil sa pagtakbo nang makarating ako sa railings at tumalon. Sa lugar kung saan nanggaling ang usok na nakikita ko. Lahat sila ay gulat ng makita nila ako mula sa kung saan at nakanganga na sinundan ako ng tingin. Pilit na hinihila ang aking mga mata sa kakahuyan ngunit pinikit ko nalang ito upang makapagfocus ako.Sagl
THIRTY (30)I felt relief nang bumuhos ang napakalakas na ulan. Halos tumalon ako sa sobrang saya sa nararamdaman ko. Lumingon ako kay Mj at nakangiti siya. Nakikita kong nagkaroon ng pag-asa ang bawat kinang ng kanyang mata.Mayamaya ay nagtama ang tingin namin. Pandalian kaming nagkatitigan at mayamaya ay nagkapalitan kami ng ngiti. We both giggled as we look up and closed our eyes. Dinadama ko ang bawat patak ng ulan na pupatak sa aking mukha.Kalaonan ay nakarinig ako ng mga hakbang na papalapit sa amin. At habang papalapit ng papalapit ang mga ito sa aming kinaroroonan ay biglang sumubsob ang mukha ko sa putik. At nakaramdam din ako ng biglang pagbigat ng likod ko.“Crushmate! Akala ko talaga hindi na kita makikita!” Nakaramdam ako ng sabik sa boses ni Almira habang nakapulupot ang braso niya sa leeg ko at nakadagan sa likod ko.“Ang bigat mo, crushmate!” Sigaw ko kahit halos mapaos na ang aking boses.Agad naman akong naramdaman ng pag-gaan ng aking likod kaya agad na akong tuma
THIRTY-ONE (31)-Jc’s POV –Kaskas ng guitara ang umagaw ng aking atensyon dahilan para mapadilat ako. At bago pa man mag-absorb sa isip ko kung nasaan ako, sunod akong nakarinig ng pamilyar na kanta mula sa kung saan.🎼 Dinamayan mo ako sa aking pag-iisaNakinig ka ng awit ko nang walang pagkasawaKung ang gabi ay lumalamigTaglay ko ang yakap moAng init ng iyong pagmamahalAy walang kasing-alab 🎼Hinihila ang aking tenga ng isang maamo at malamig na boses ng kung sino. Isang boses na nagpapagaan ng aking pakiramdam at sobrang relaxing sa pandinig. At pamilyar din sa pandinig ko. Parang narinig ko na dati pero hindi ko lang maalala kung kanino.Inikot ko ang aking paningin sa paligid ngunit wala akong ibang makita kundi liwanag na bumabalot sa buong lugar. Sobrang liwanag na halos wala akong makita.🎼 At dahil sa iyo, napukaw ang damdamin koNatut
THIRTY-TWO (32)- Rhea’s POV – “5 on 5 po?” Bahagya akong nagulat sa minungkahi ni Sir Jeff. Nakatayo si sir sa aking harap at muli siyang umikot bago humarap sa akin, “Yes, Castino. It will be more fun kesa sa 1 on 1.” “Paano naman po tayo pipili ng mga players?” Tanong ko bago nilagay ang aking kamay sa ilalim ng aking chin at sinandal sa mesa na pumagitna sa amin. Medyo bored na ako eh. Pinatong si Sir ang kanyang dalawang kamay sa mesa at tiningnan ako ng deretso sa mata, “Bukas ang screening at dalawang set ang screening. Ikaw din ang magiging host.” Again? Bigla akong napalunok ng sumagi agad sa isip ko ang nangyari noong huling screening. “Wag kang magaalala, Castino.” Nakangiti sa akin si Sir saka mahinang tinapik ang aking balikat, “Magiging okay ang screening bukas dahil times two ang ginawang pagiingat ng mga technicians sa lahat ng mga magiging System Units.” Kahit hindi ako kumbinsido ay tipid pa rin akong ngumiti kay Sir. Para lang matapos ang usapan namin sa loob
THIRTY-THREE (33)- Third Person’s POV – Madilim ang lahat sa paningin ni Ceejay. At tanging ilaw lamang ng kandilang nasa harap nito ang nagbibigay liwanag sa kanyang mukha. Nanghihina na ang buong katawan nito at halos pumikit na ang kanyang mga mata. Hindi niya man lang magalaw ang kanyang katawan dahil literal itong naging matigas. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang bibig ngunit walang boses na lumalabas mula dito. Kahit ang kanyang paghinga ay bihira na lamang niyang maramdaman at ang pagtibok ng puso niya ay bihira na rin. Tumigil ang panahon at oras ng lumantag ang tunay niyang kataohan. Nakabuka ang kanyang pakpak at kulay ginto ang kanyang buhok na paalon-alon sa himpapawig, habang binabaybay niya ang kalangitan pabalik sa posibleng lugar kung saan niya huling nakita ang binata. Sa sobrang bilis ng kanyang lipad ay halos mahati ang langit. Pinangungunahan man ng matinding kaba at takot, hindi pa rin siya nag-atumbiling magbakasakali. Nanlamig ang buong katawan niya nang ma
THIRTY-FOUR (34)- Rhea’s POV – Nang pumasok ako sa ComLab ay unang naka.agaw ng atensyon ko ang tingin ni Sir. Nakasimangot ito at nakaupo siya sa server. Marahan kung sinara ang pinto at maingat na naglakad papunta sa kanya para hindi madisturbo ang mga players. “Late ka na naman, Castino.” Mahinang wika ni sir habang nakatingin sa server. “Kanina pa nagsimula ang screening.” “Pasensya na po, sir. Tangali na po kasi ako nagising.” Paliwanag ko sa mahinang tono at tumingin na rin sa server. “Ikaw na mag.host dito sa set 1. Ako na sa set 2.” Paliwanag ni sir saka tumayo na siya. Hindi niya man lang hinintay ang magiging sagot ko at nagdederetso na siyang pumunta sa pinto at lumabas. At tanging nagawa ko lang ay pagmasdan siyang maglaho sa paningin ko. Bumuntong hinga ako bago umupo sa server at tinuon ang tingin sa monitor. Mukhang kilala ko ata ang mga heroes na nasa battlefield. Ginalaw ko ang mouse upang pumunta ang arrow nito sa mapa na nasa upp