Share

36- Last request

"Jacob, tatlong buwan na," wika ni Vic sa binata isang hapon na nakita niyang nakatambay ito sa may veranda ng malaking bahay, tulala at malayo ang tingin. Nagbuntong-hininga siya kasabay ng pag-upo sa tabi nito. "Oras na siguro para sumuko ka." Napatingin sa kaniya si Jacob.

"Mula ng araw na nawala si Mia, walang gabi na nakatulog ako nang maayos, Mang Vic. Lagi kong iniisip lahat ng nagawa kong pagkakamali sa kaniya. Dahil sa galit ko sa kaniyang ama, naging makasarili ako at ginamit ko siya kahit na alam kong wala naman siyang kasalanan." Yumuko siya kasabay ng pagbagsak ng kaniyang mga luha. "Gusto ko lang naman na makausap siya at makahingi ako ng tawad, pero hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon. Naiintindihan ko ang galit niya. Pero gusto ko lang makausap siya kahit sa huling pagkakataon na."

Ipinatong ni Vic ang kamay niya sa balikat ng binata. "Ang totoo niyan, hindi ko alam ang sasabihin ko sa iyo. Hindi rin ako pabor sa ginawa mo kaya katulad mo, naiintindihan ko rin si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status