Share

Kabanata 6

Kabanata 6

“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.

Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status