INIHINTO ni Gael ang yate sa tapat ng bintana ni Hebe hindi nito alam na ginawa niya iyon, kinuha niya ang telescope at pilit na sinisilip kung anong ginagawa nito.
Bigla itong may binato at pumasok na sa kwarto nito, pinatay nito ang ilaw doon, tiningnan niya ang mga binato nito at tinutukan ng flashlight ang ibang bumagsak sa yate niya, kinuha niya at nakita niyang mga litrato nila iyon na magkasama.
May isang notebook din ang sumabit sa tabi ng yate, bago pa yun dumulas at malaglag sa dagat ay tinakbo niya na, tinutukan niya ng flashlight ang ibang lumulutang lutang na papel na nasa dagat.
Litrato nila iyon, agad siyang tumalon sa dagat at nilangoy ang mga iyon, bawat isang nakukuha niya ay nilalagay niya sa yate, nang sigurado siyang kumpleto na ang mga iyon ay bumalik na siya sa yate, umupo sa tabi at tumingala sa kwarto nito.
Gusto mo na ba talaga ako
NAPAHINTOsi Hebe sa paglalakad papunta sa cake shop nila ng makita niyang nagkukumpol-kumpulan ang mga tao sa lobby ng hotel. Ano kayang meron?sabi niya sa kanyang isip at lumapit na siya sa lugar na iyon upang usisain ang pinagkakaguluhan ng mga naroroon, nagtaka siya kung bakit habang palapit siya ay ngumingiti ang ibang tao doon sa kanya, ang iba ay napapatingin sa kanya na para bang kinikilig pa.Nang makalapit na siya ay nagulat siya dahil puro mga larawan niya at ni Gael ang nakalagay sa isang tali at nakasabit sa mga maliliit na puno na naroroon, may mga nakasulat sa likod ng mga larawang iyon.Ang isa pa sa kinagulat niya ay ang ibang larawan doon ay ang mismong larawan na tinapon niya sa dagat nung isang gabi.Biglang may tumunog na isang pamilyar na musika, yun din ang mismong kanta na tinugtog noong debut niya at i
"HEBEmahal mo pa ba ako?" bulong ni Gael sa kanyang tenga.Bumangon siya at pinaghahampas ito ng unan, "Baliw ka ba, may mangyayari ba sa atin kung hindi, bwisit ka talagang bakla ka eh, nakakainis ka ang bagal mo magisip eh ang torpe mo na nga at lahat slow ka rin.""Aray ano ba?" iniharang nito ang kamay saka siya hinawakan sa magkabilang balikat, "Gusto ko lang naman marinig galing sayo na sabihin mo na walang nagbago, na mahal mo pa rin ako."Inis sa tumalikod siya dito at nagbihis ng damit, pagkatapos ay agad siyang tumayo."Teka Hebe, sandali lang kinakausap pa kita!" agad na nagbihis ito at humabol sa kanya."ANONGginagawa natin dito?" tanong ni Hebe nang makarating na sa Isla Bernadine, noong una ang akala niya ay sa dating bahay nila sila pupunta ngunit dumiretso si Gael papasok sa gubat sa loob ng Isla 
"ANAK?"narinig ni Hebe iyon ng makapasok na siya sa pintuan ng kanilang bahay, naluluha siya sa sobrang saya dahil matapos ang dalawang taon ay nakita niya na ulit ang kanyang ina, agad na sinugod siya nito ng yakap at halik sa pisngi. "Anak ikaw nga, saan ka ba nagpunta alam mo bang sobra mo kaming pinag-alala ng daddy mo.""Mommy na-miss ko kayo, ikaw at si Daddy, sorry kung umalis ako ng walang paalam pero ang mahalaga ngayon nandito na ako" naramdaman niya ng igiya siya ng Mama niya papunta sa kusina at agad na nagpahanda ito sa mga katulong, agad na umuwi ang daddy niya ng malamang nakauwi na siya sa kanila, nang makarating ito sa bahay nila ay agad siyang niyakap, marami silang pinag-usapan habang sabay-sabay na kumakain at marami din siyang na kuwento sa mga ito, nang itanong ng mga ito ang tungkol sa kanila ni Gael ay ipinaliwanag niya na ayos na silang dalawa, matapos ang pagdalaw niya sa kanyang mga magulang ay agad siyang sinundo ni Ga
5 years ago... NAKATINGINlang si Hebe sa mga monitor na nasa kanyang harapan, hinihintay ang oraspara i-anunsyo na kailangan na niyang sumakay sa eroplano dahil aalis na ito, aaminin niyang kahit kaunti ay nag-aasam siyang baka dumating si Gael at pigilan siya pero alam niyang hindi ito kagaya ng mga nababasa niya sa mga paperback novels na kung saan maghahabol ang male protagonist sa babaeng minamahal nito. Napayuko siya at pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa kanyang pisngi, kailangan niyang tatagan ang loob, alam niyang sa oras na gawin niya ito ay wala ng atrasan, pwede pa siyang bumalik pero ano na lang ang mukhang maihaharap niya kay Gael? Do this Hebe, it's for the better,pilit niyang pangungmbinsi sa sarili. "Miss nalaglag mo yata," napalingon siya sa babaeng nasa likuran niya, nakangiti ito sa kanya habang hawak hawak ang
"GAELano na naman bang problema?" tanong ni Hebe sa kaibigan habang nakaupo sila sa sofa sa may loob ng kwarto nito."Wala lang," sagot nito sa kanya."Wala lang, sigurado ka? Eh sa itsura mo para kang pinagsakluban ng langit eh.""Kasi..." bigla siyang niyakap nito at inilagay sa kanyang balikat ang ulo nito, maya-maya'y may naririnig na siyang hikbi mula rito, kapag ganon si Gael ay alam na niya agad na may dinadala itong problema at walang makatutulong dito kundi siya lang ang tinuturing na best friend nito, niyakap niya rin ito. Hinaplos niya ang ulo nito na para bang sinasabihan niyang tumahan na.“Ano ba kasi 'yon?" usisa niya rito."Si Jhed kasi, akala ko meron na kaming something kasi ang sweet niya yun pala nakikipaglapit lang siya dahil sa'yo.""Anong para sa akin?" naramdaman n
TUMINGINsi Hebe sa kanyang wrist watch, it's almost 8 in the evening, hindi naman siya nag-aalala kung sobrang gabi man silang umuwi dahil nagpaalam naman siya sa Mama niya at pagkasama niya si Gael ay pakiramdam niya ayos lang ang lahat, pag natutulog siya sa gabi ay napapanaginipan niya ang mga masasayang pangyayari pag magkasama sila, minsan pa nga ay nasa simbahan sila at ikinakasal ngunit alam niyang panaginip lang iyon at sana nga lang ay totoo na lang, pagkasama niya si Gael pakiramdam niya ay sobrang saya niya na may halong dahil alam niyang walang relasyon sa pagitan nilang dalawa maliban sa mag bestfriend at wala ng hihigit pa roon, minsan ay naiinis siya sa kanyang puso dahil nararamdaman niyang naroon ang pag-asam na meron pang pag-asa sa kanilang dalawa, na siguro nga maari ding maging silang dalawa.Nakarating sila sa isang disco bar sa Malate, ipinark ni Gael ang sasakyan at pagkatapos noon ay lumabas na sila ng kotse. Pagkapasok a
PAGKATAPOS kumain ay pumunta si Hebe sa bahay nila Gael, nang makarating ay sinabi ng mga katulong na nasa kwarto si Gael na nagmumukmok at nagkukulong, inisip niyang marahil ay dahil sa nangyari rito kahapon, inakyat niya ito sa kwarto at ng madatnan niya ito ay nakita niya ang magulo nitong kama, gising na ito at nakayuko, agad niyang nilapitan ito."Gael is everything Okay?" tanong niya rito at hinawakan ito sa balikat at hinimas-himas iyon."No, everything's wrong, everything's a mess," sagot nitong nakayuko pa rin, maya-maya'y gumalaw ito at tumingin sa kanya tumitig ito ng matiim sa kanyang mga mata, puno ng pagdududa at pagtatanong sa kanya, bigla ay ang pagbundol ng kaba sa kanyang dibdib."Alam mo na ba ang tungkol sa napagkasunduan ng mga pamilya natin?""Anong kasunduan?""Na ipapakasal nila tayo? Kanina nag-usap kami n
NANG lumabas siya ay hinanap niya si Gael ngunit hindi niya nakita ito sa paligid kaya't ilang minuto na siyang naglalakad ng makita niya ito sa park ng village nila, nakaupo ito sa isang bench maya-maya'y nilapitan niya ito."Gael," tawag niya rito, alam niyang galit ito."What do you need?" tanong nito na halata ang galit sa boses, tumayo ito at tumapat sa kanya, napayuko siya."Ba't ka nagsinungaling? Ba't mo sinabing nagpropose ako sayo ng kasal?""Gael, ito lang ang naiisip kong paraan para maging okay ang lahat.""Okay? Tingnan mo nga ako ngayon Hebe, sa tingin mo okay ba ako?" tiningnan niya ito at nakita niya ang luha nito sa mga mata."Gael, ayokong masaktan ka, ito lang ang paraan na wala ng mang-aapi sa'yo.""Hebe, hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to, pe