"Anak may bisita ka." Napatigil sa pagkain si Rhian nang marinig ang sinabi ng kasambahay nila."Sino po nay?" Nagtatakang tanong niya."Hindi ko kilala. Hindi ko na rin muna pinapasok. Nasa gate siya naghihintay." Sagot nito. Tumango-tango siya. Gano'n kasi ang utos niya. Kapag hindi kakilala ng mga kasambahay kung sino ang bisita 'wag munang papasukin. Malay ba naman kasi niya kung mamamatay tao. Pero kapag ang mga magulang niya ang nandito, panigurado pinapasok na nila kung sino man 'yon. Mga hindi natatakot mapatay o manakawan.Tinapos na muna niya ang pagkain saka lumabas para matignan kung sino 'yon.Mabilis na tumaas ang kilay niya pagkabukas ng gate at makita si Drake na nakatayo doon."Drake? What are you doing here?" Naguguluhang aniya."I heard from Marie that you're sick that's why I brought these for you." Inabot nito ang bulaklak at isang basket ng mga prutas na dala sa kanya.Mas lalong tumaas ang kilay niya at sasabihin na sanang hindi niya kailangan ang mga 'yon pero
Nagising si Rhian na wala na sa tabi niya si Lance."Where is he?" Bulong niya at nagpalinga-linga sa paligid pero wala siyang nakita.Don't tell me, it was just a dream.Napatampal siya sa noo nang marealized na baka nga panaginip lang lahat ng 'yon. Bakit naman kasi magiging gano'n ang pakikitungo sa kanya ni Lance di ba? Halata namang iniiwasan siya nito.Naiinis na nahiga siyang muli. Tinatamad na siyang bumangon. Matutulog na lang siya ulit at baka sakaling matuloy na naman ang panaginip niya.Ipipikit na sana niya ang mga mata nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya at pumasok si Nay Anita na may dalang pagkain."Oh gising ka na pala. Dinalhan kita ng pagkain at baka gutumin ka kapag nagising." Nilapag nito ang mga dala sa bedside table."Nay nakita mo ba si Lance?" Tanong niya sa matanda."Si sir Lance? Hindi bakit?" Naguguluhang sagot nito.Umiling siya. "Wala po. Para kasing nakita ko siya rito. Sige na po nay magpapahinga na muna ako."Tumango ang matanda. "O sige. K
"Sorry we're late." Sinalubong ng masamang titig ni Rhian ang mag-asawang Anne at Jesther na kadarating lang at may bitbit na regalo habang hawak sina Isaac at Inigo."Saan ba kayo nanggaling at ang tagal niyo? Tapos na tuloy ang binyag." Tanong niya habang hindi pa rin nawawala ang masamang tingin sa mga ito."Ito kasing dalawa ang kukulit. Ang hirap nilang suyuin. Para kasing mga timang kagabi na basta na lang naisip na dito kami matulog. E kaso gabing-gabi na kaya hindi na kami pumayag. Kaya ayon, umagang-umaga nagmamaktol sila." Sagot naman ni Anne pagkatapos ay kinurot ang pisngi ni Inigo na mabilis namang sumimangot."Oo nga naman. Dapat dito na lang kasi kayo natulog. Di ba Isaac?" Gatong niya at kinindatan pa ang bata na mabilis namang tumango. Sa bahay ng mga magulang ni Lance kasi sila natulog dahil dito gaganapin ang reception ng binyag. 'Yon kasi ang gusto ng mommy ni Lance. Pero siyempre hindi nagpatalo ang mommy niya. Sa first birthday ng anak, sa bahay naman daw ng pare
A little girl was playing by herself in front of their house. She has no friends because of her bad attitude. Even in this neighbourhood, no one wanted to be friends with her.She wanted to cry with that fact but she doesn't want to look weak that's why she just pretended to be okay."Why are you alone?" A handsome young boy came to her and took a seat beside her.She raised her brows because that was rude. She can't remember offering him to seat."What are you doing?" The little boy asked again. She didn't know him. They just came here the other day to live at the house beside them.As if reading what's on her mind, he introduced himself. "I'm Lance by the way." He extended his hand. "We just came here and I don't have any friend yet. So can you be the first?" He asked.She shooked her head, stood up then entered their house without saying anything.She heard the boy calling her but she just ignored him.She stayed all day inside their house and when she came down to have dinner she's
"Walangya. Saan ba nakuha ng lalakeng 'yon ang picture na 'yon?" Kanina pa iniisip ni Rhian kung saan nakuha ng kapatid ang picture na pinakita. Naiinis siya sa siraulong 'yon. Ginagamit kasi pam-blackmail sa kanya ang litrato.Pero mas naiinis siya sa gagong gumawa no'n. Ang lakas naman kasi ng apog ng lalakeng 'yon para gawin ito sa mismong teritoryo niya."Can you give me another glass." She asked the bartender na hindi agad kumilos at nakatingin lang sa kanya."What?" Tinaasan niya ito ng kilay."Ma'am mukhang lasing na po kayo." Puna nito.Tinignan niya ito ng masama. "Umiinom ako malamang. Alangan namang ikaw ang malasing sa'ting dalawa." Umismid siya. "O kung ayaw mo akong malasing magpalit tayo ng puwesto. Ako magiging bartender at ikaw na ang customer."Napangiwi naman ito pero hindi pa rin ginawa ang gusto kaya nainis na siya."Pupunta ka ba o irereport na kita? Pinapainit mo ang ulo ko." Hinampas niya ang counter at kinuyom ang kamao. "Mas lalo tuloy akong nanggigigil manun
Nagising si Rhian kinaumagahan at nakitang nasa loob pa rin siya ng sasakyan ni Lance.Hindi na siya nagpaka-OA katulad ng mga nababasa at napapanuod. Ano ba naman kasing silbi ng pagtili-tili niya na parang hindi alam ang totoong nangyari pero sa isip, memorize naman ang detalye. Ginusto naman niya ito so bakit siya aarte.Pinagmasdan niya ang binata na mahimbing pa rin ang tulog. Akala mo talaga sobrang pagod eh isang beses lang naman nilang ginawa. Katunayan, gusto pa nitong humirit kagabi pero ayaw na niya. Akala niya etchuss lang 'yong mga nababasa at naririnig niya pero totoo pala talagang masakit kapag first time. Akala niya mamamatay na nga siya kagabi. Dapat kasi diniscuss nila 'yon no'ng nag-aaral pa siya para napaghandaan niya.Napailing siya bago dumukwang palapit dito at kinagat ito sa balikat."What the hell!" Napabalikwas ito at inis na tumingin sa kanya. "What are you doing?"Umismid siya. "Hindi kita pinaparinggan o ano ha? Pero baka lang gusto mong umuwi na.""Stop b
Napapataas na lang ang kilay ni Rhian habang nakatingin sa mga taong dumalo ng party nila. Sa totoo lang hindi niya talaga alam kung ano ang trip ngayon ng pamilya niya at naisipang magparty."What's the occasion?" She asked her brother na ngayon ay kasama ang girlfriend na grabe kung makalingkis.She rolled her eyes. She really hate this girl Noreen.Nagkibit-balikat ito. "I don't know." Tipid nitong sagot at umalis na kasama ang girlfriend na hindi man lang siya kinausap. Kahit batiin lang sana."Buti sana kung maganda." Bulong niya habang tinitignan ito ng masama.Kinuha niya ang wine na nasa harapan at tinungga ito."Hi. It's nice to see you here." Napalingon siya nang may biglang magsalita sa likuran niya.Tumaas ang kilay niya. "And you are?"Natawa naman ito ng mahina. "Seems like you can't remember me anymore. Well, I didn't formally introduced myself to you back then. I'm David Cueva by the way." Pakilala nito at inilahad pa ang kamay.Hindi niya ito tinanggap at nagtanong la
"Mom I'll be out of town for two days." Paalam ni Rhian pagkalabas niya ng kwarto at makasalubong ang ina."Where are you going?" Nagtatakang tanong naman nito."I needed a fresh air." Sagot niya habang inaayos ang backpack na dala.Tumaas ang kilay nito. "What happened?""Basta." Tipid niyang sagot saka ito hinalikan sa pisngi. "I'll go ahead. Just tell dad if he ever look for me." But she doubt he would.Lumabas na siya ng tuluyan pagkatapos magpaalam.She will go hiking. This is her stress reliever. Hindi niya kasi nagustuhan ang panaginip kagabi.Kailan pa kasi siya pinakaialam ng mga magulang patungkol sa pag-aasawa. Oo nga at parating sinasabi ng mga ito na mag-asawa na siya pero hinding-hindi nila magagawang ipagkasundo siya. Kaya napaka-imposible talagang mangyari 'yong napanaginipan niya. At ang pinaka-nakakainis sa lahat ay ang pagiging knight in shining armour ng gagong si Lance do'n. Like what the hell? Anong kabaliwan ang panaginip na 'yon?Napailing siya at pinagtuunan n