Pagkagaling ni Patrick sa silid ng kapatid na si Dianne ay kaagad siyang dinaluhan sa kama. Balak sana niya itong tulugan kung sakaling magtagal ito sa silid ng kapatid. "I told you, no one's gonna sleep tonight." "Dalawang gabi na akong walang maayos na tulog mula nang hindi ka magparamdam habang nasa Cebu ka kuno. How can you be so inconsiderate?" Umupo siya sa kama at ikinulong sa mga hita niya si Patrick na nakadapa naman sa kandungan niya."I want to fulfill your honeymoon dream, wife. It took me years to give it but I promise to make it up to you.""Nakalimutan ko na nga 'yun, naalala mo pa.""Palagi kong inaalala ang nakaraan. Gusto kong alalahanin kung nasulyapan man lang ba kita noon. You were so shy and always sitting in the corner of your house. Pero naalala ko noon na kapag nagtatama ang mata natin, palagi kang nagbababa ng tingin.""You had a crush on Jane back then.""Because she was jolly and she loves attention. Kaya napansin ko siya. You were your twin sister's exact
"Oh, ano na naman ang ginawa mo at galit na galit si Mama?" tanong ni Janine sa kakambal na si Jane. Mainit na naman ang ulo ng Mama niya pagdating niya galing sa opisina. Alam na alam niyang si Jane na naman ang nagpainit ng ulo nito. "Hindi lang ako pumasok sa opisina, nagalit na! Can't I have my time off that company? My God, Janine, dapat kasi ikaw na lang ang ginawang sekretarya ni Mama eh!" "Eh alam naman natin kung bakit ikaw ang nand'yan eh." "Yeah, right... Para ipakasal ako kay Patrick tulad ng usapan ng Papa at ni Uncle Darius. Ugh! I hate this life!" Padabog na umakyat si Jane sa silid nito at iniwan siya sa sala. Ang Mama niya ay umalis matapos makaalitan si Jane na halos araw araw na lang nangyayari sa dalawa. Umakyat na rin siya sa silid para magpalit ng damit. Sa ngayon ay empleyado siya ng isang malaking banko at ang maghapong nakaupo sa swivel chair niya kapag ganitong maraming kliyente ay sumasakit ang balakang niya. Ilang araw na siyang walang workou
"Hindi kayo nagkita ni Patrick?" tanong niya kay Jane nang bumaba ito. Kalahating oras nang nakaalis ang sasakyan ng binata at doon pa lang lumabas ang kakambal niya. Umupo ito sa tabi niya habang nanonood siya ng pelikula."Ayoko muna siyang makita.""Bakit na naman?!" Naaawa na talaga siya kay Patrick na ginagawang tau-tauhan ng kakambal niya."He is too possessive! Nakita lang niya akong may kasamang lalaki sa mall, inakusahan na ako nang kung ano-ano. Para siyang si Papa na lahat ng galaw ko de numero!""Watch your mouth, Jane, wala na ang Papa."Lumabi naman si Jane habang nakairap pa rin."Eh bakit ba kasi ibang lalaki ang kasama mo gayung si Patrick ang kasintahan mo?""He's so controlling! Hindi puwedeng bumili ng ganito hindi puwedeng bumili ng ganyan. Ano ba! Hindi ba ako marunong magdesisyon para sa sarili ko?""Eh bakit hindi mo kausapin?""Hindi rin siya makikinig. Pupunta nga pala ako ng out of town sa susu
Nasunod ng ang gusto ni Jane na sa bahay nila ganapin ang engagement na dinaluhan lang ng malalapit na kaibigan ng pamilya nila. Alas otso na nagsimula ang dinner pagkatapos ay nasundan ng inuman ng Papa ni Patrick at Uncle nila at iba pang kalalakihang naroon. Napakagaling namang magpanggap ni Jane na sweet na sweet kay Patrick na sinusubuan pa ang binata. Si Patrick naman ay hindi maalis ang kamay sa baywang ng kapatid niya.Siya rin naman ay magaling magpanggap dahil nagagawa niyang ngumiti kahit nasasaktan. Isang buwan mula ngayon, magiging hanap na bayaw niya na si Patrick. Kailangan niya nang mag-entertain ng ibang lalaki para mawala na ang binata sa puso niya.Alas onse ng gabi nang umakyat siya sa silid. Naka-lock 'yun na hindi niya alam kung bakit. Pababa na siya para k
"Ano ba ang gagawin mo sa Canada, Janine? Maayos naman ang trabaho mo dito?" tanong ng Mama niya habang nag-aalmusal silang tatlo ng kakambal niya. Nagpaalam kasi siya na susunod sa kaibigan niyang si Gelai na isang taon nang nasa Canada ngayon bilang caregiver. Magbabakasyon lang ang paalam niya pero baka magtagal siya doon at mag-apply siya ng working visa kapag nakahanap siya ng trabaho."Pupuntahan ko nga si Gelai, 'Ma. Kasama ko si Dennis.""Boyfriend mo ba ang Dennis na 'yun?""Hindi ho."Nanliligaw si Dennis sa kanya pero noon pa niya nilinaw na wala talaga itong pag-asa. At hindi naman nagbago ang pagkakaibigan nila sa kabila ng pagbasted niya dito.
Kanina pa naiinip si Patrick dahil sa tagal ng seremonyas ng kasal nila. Gustong gusto niya nang makasama ang babaeng mahal niya sa honeymoon nila. Kaytagal niyang pinangarap ang sandaling ito. Napasakamay niya rin sa wakas ang babaeng iwas na iwas sa kanya noon dahil ayaw magpaligaw sa kanya.High school pa lang ito nang una siyang magkagusto. She was jolly and so full of life. Nasa anniversary party sila ng Romano Shipping Line. Noong mga panahon na 'yun ay kaka-break lang niya sa girlfriend niya. Habang nagmumukmok siya sa isang sulok, boses ni Jane ang umaalingangaw sa silid dahil wala itong tigil sa pagbibitaw ng biro sa mga kaibigan niya. Doon nya ito unang napansin.Naging maging magkaibigan naman sila pagkatapos. Pero dahil magkaibigang matalik ang pamilya nila, mas lalong hindi niya mapormahan dahil baka magalit ang Papa nito. Pero inalagaan niya ang damdaming iyon sa puso niya sa matagal na panahon. At nang kulitin siya ng Papa niya na mag-asawa na bago mailipat s
Nagising si Patrick na wala ang asawa sa tabi kinabukasan. Masakit ang ulo niya sa dami ng nainom kagabi. Pero hindi niya malilimutan ang masarap na honeymoon nila ng asawa na itutuloy naman nila sa Palawan mamaya. Nakangiti siyang bumangon at nagtungo sa banyo. Nakita niyang naroon ang mga pinaghubaran ni Jane kasama ang wedding gown nito.Hindi ba't may strap ang bra nito kagabi? Ang nasa banyo ay strapless at wala doong pantyhose. Baka itinapon na ng asawa niya sa basurahan dahil halos mapunit niya iyon sa pagmamadali na angkinin ito.Nang maalala ang nangyari sa kanila sa nagdaang gabi ay nag-init kaagad ang pakiramdam niya. Kung puwede lang ay hindi muna sila bumangon ngayon kung hindi lang wala na si Jane paggising niya. Gusto pa sana niyang kayakap ito dahil hindi pa naman siya nagugutom.Pagbaba niya ay wala ang mga biyenan niya doon. Wala rin si Jane. Tinanong niya sa katulong ang asawa at ang sabi ay maaga itong umalis. Saan naman ito nagpunta?Papasok na siya uli
Bakit hindi mo na naman kasama ang asawa mo?" tanong ng Papa ni Patrick nang dumating siya sa bahay ng mga magulang. As usual, marami na namang dahilan si Jane para hindi sumama sa mga lakad niya. Kanina ay birthday party ng anak ng isa nilang tauhan pero wala ito. Noong nakaraang linggo ay may business conference siya sa Cebu at gusto niya sana itong kasama pero tumanggi ito dahil palagi daw masama ang pakiramdam. "Nahihilo daw ho. Nagkikita-kita naman daw ho tayo sa opisina.""But this is a family dinner, not a conference meeting. Ano naman kung nagkikita tayo sa opisina?" katwiran naman ni Dianne na kapatid niya. Sa lahat ng miyembro ng pamilya niya, ito lang ang hindi pabor sa pagpapakasal niya sa kasintahan. Hindi daw kasi nito nakikita na totoong mahal siya ni Jane. At syempre, mahilig kasi si Jane sa night life na labis naman nitong ikinaaayaw. Mabuti pa daw ang kakambal ni Jane na si Janine dahil mas mabait kausap at mas desenteng tingnan.But he loves Jane despite