Tumango si Jenson tulad ng kadalasan.Sa Montessori Kindergarten ng City South!Tumingin si Robbie sa napakayayamaning kindergarten, ang kaniyang mga mata ay nagniningning. “Ito pala ang kindergarten ng isang mayamang bata?”Nang pumasok si Robbie sa kindergarten, ang ilan sa kaniyang mga kaklase ay binangga ang kaniyang balikat. Nang makita nila si Robbie, malamang ay inakala nilang siya at tahimik, madaling apihin na si Jenson.Inasar nila siya. “Tignan mo, nagbabalik na naman ‘yong autistic na bata.”Nagalit si Robbie. Ganito pala nila isultuhin araw-araw si Jenson.Si Jenson ay ang kaniyang kapatid. Hindi niya hahayaan na may mang-api kay Jenson.Sinugod siya ni Robbie at sinabi, “Humingi ka ng tawad!”Nagsitawanan ang mga bata. Ang isa sa malalaking mga bata ay mas matangkad pa kaysa sa ibang mga estudyante. Naglakad siya at tinulak si Robbie, nagmamalaking sinubukang takutin siya. “Tattletale, kung gusto mong humingi ka ng tawad, gumapang ka muna sa ilalim ng mga binti ko.”Si Ro
Ito ang unang pagkakataon simula noong pumasok si “Jenson” sa eskwela na ang kanyang mga magulang ay pinapatawag.Kaya, nang matanggap ni Jay ang tawag ng guro ng kindergarten, si Jay ay nagulat. “Ano’ng nangyari kay Jenson?”“Hindi tama kung pag-uusapan na ‘tin ito sa telepono. Mas maganda kung pupunta ka sa eskwela, pakiusap.” Sa isang magulang na walang mahalagang pinanggalingan, ang guro ay sapat lamang na magalang.Dali-daling nagtungo si Jay sa kindergarten.Sa opisina ng guro, nakita niya si “Jenson” na nakatayo habang nakaharap sa puting pader, pinipilit na pag-isipan ang kaniyang mga nagawa.Nang makita ng guro si Jay, napapigil siya ng kaniyang hininga dahil sa kagandahan ng itsura ni Jay. Ang kaniyang matangkad at payat na katawan, pati na rin ang hangin ng kataas-taasan ang maaamoy sa kaniya, ay nagsanhi sa kaniya na hindi makapagsalita sa loob ng ilang sandali.Ang daddy ni Jenson ay isang nakakatulala!Siya ay mas gwapo pa kaysa sa lahat ng mga malalaking artista.Diyos k
Ang temperatura sa silid ay bumagsak nang ilang bilang.Kahit kailanman ay hindi niya inasahan na si Jenson ay makakaharap ng ganitong hindi patas na trato sa eskwela.Sige. Ayos!Si Jay ay kamukha ni Yama, ang Hari ng Impyerno, nang bigyan niya ang babaeng guro ng isang nakamamatay na titig.“Sa tingin ko ang taong dapat umuwi upang magpahinga ay ikaw,” malamig na sabi ni Jay, nilabas ang kaniyang telepono upang may tawagan.Ang babaeng guro ay mukhang natutuwa, sa sandaling ang lalaki ay natakot sa kaniyang mga salita at ngayon ay mayroong hinihingian ng tulong upang preserbahin ang lugar ni Jenson sa eskwela.Gayunpaman, sa sumunod na sandali, nakatanggap siya ng isang hindi inaasahang tawag mula sa direktor.Sumusulyap sa kalmado at mapagmataas na itsura ni Jay, hindi mapakali ang kaniyang puso. Ang kamay na nakahawak sa kaniyang telepono ay nagsimulang magpawis.Ang kaniyang mayabang na paraan ng pagsasalita ay agad na naging isang mahinhin at magalang na paraan. “Direktor, mayroo
Sa Xinxin Kindergarten ng City North.Sa sandaling dumating si Jenson sa kindergarten, nakatanggap siya ng mainit na pagsalubong mula sa kaniyang guro at mga kapwa estudyante.“Robbie, nagdala ako ng bagong laruan ngayong araw. Gusto mo bang makipaglaro sa akin?”“Robbie, laro tayo?”...Napanganga si Jenson sa mga cute na bata at tumango sa kanila.Ang katauhan ni Robbie ay kanais-nais, at si Jenson ay lubos na nasisiyahan para sa kaniya.Nais ni Jenson malaman kung alin sa mga bata ay ang kaniyang kapatid, si Zetty. Dahil hindi pa niya nakikilala si Zetty, gusto niya itong makita.“Robbie, umiiyak ang kapatid mo.” Nang bigla, isang bata ang lumapit at hinila si Jenson patungo sa mga lagayan ng bulaklak sa kindergarten.Nang marinig niya iyon, isang bakas ng pag-aalala ang lumitaw sa mukha ni Jenson.Ano’ng nagpaiyak sa kaniya?Palagi niyang sinusubukan na pigilang umiyak, tulad ng tinuro sa kaniya ng kaniyang Daddy: ang tunay na lalaki ay hindi umiiyak sa maliliit na mga bagay!Kaya,
Si Jenson ay natigilan nang sandali. Kung ito ay ibang tao na may kaparehong katauhan tulad ni Zetty, agad na mamaliitin ni Jenson ang taong iyon. Gayunpaman, hindi mapigilan ni Jenson na maramdaman na nakatutuwa ang kaniyang kapatid.Ang magkapatid ay dumating sa silid-aralan, at ang guro ay nagpasa ng mga papel upang mapagguhitan at mga lapit sa lahat ng mga bata. Gumuhit si Jenson ng isang larawan ng kaniyang mommy. Marahil ito ay dahil sa mas tahimik na katauhan ni Jenson, kaya ang kaniyang talento sa pagguhit ay lumalagpas pa kina Robbie at Zetty.Habang namamanghang nakatingin sa walang palyang guhit ng kaniyang Kuya ng kanilang Mommy, nakiusap si Zetty kay Jenson, “Kuya, ang ganda ng pagkaguhit mo kay Mommy. Pwede mo rin ba akong guhitan?”Tumango si Jenson. “Uh-huh.”Nang kolektahin ang kanilang mga ginawa, ang guro ay lubos na nagulat nang makita ang guhit ni Jenson. “Robbie, ang laki ng iginaling mo.”Bilang premyo, binigyan ng guro si “Robbie” ng isang dagdag na pakete ng Or
Tumalon si Josephine mula sa sofa sa gulat. Hinawakan niya nang walang babala ang mga pisngi ni Robbie, hinihimas at kinukurot ang mga ito. “Sandali lang, ito ba talaga ang hindi nagtitiwala at mapang-uyam na si Jenson?”Si Robbie ay hindi mukhang naiinis o galit sa panghahawak ni Josephine. Sa halip, nagpakita siya ng inosenteng ngiti sa kaniya.Napahiyaw si Josephine sa gulat, “Jay, sigurado akong nadakip na ang anak mo.”Binatukan ni Jay si Josephine at malamig siyang sinabihan,” Tumigil ka na sa kababasa ng mga nobela mo na ‘yan. Ang mga bagay na sinasabi mo ay mas nagiging kakaiba.”Kahit na hindi halatang sumasang-ayon sina Lolo’t Lola sa paghihinala ni Josephine, pakiramdam din nila na may nagdakip sa kanilang apo.Habang sila ay kumakain, naglagay sina Lolo’t Lola ng maraming pagkain sa mangkok ni Robbie ngunit hindi man lang tumanggi ang bata. Sa halip, magalang siyang nagpasalamat sa dalawang matanda. “Salamat, Lolo. Salamat, Lola.”Kahit na si “Jenson” ay kumikilos ng cute a
Walang alinlangang tumanggi si Jay. “Papa, mayroon na siyang bagong pamilya at sarili niyang mga anak. Hindi niya magagawang ibigay kay Jenson ang buo niyang pagmamahal. Pakiusap ‘wag mo sabihin kay Jenson na siya ang kaniyang ina. ‘Wag mo siyang paasahin para lamang masaktan siya.”Ang matandang lalaki ay tumingin sa galit na mukha ng kaniyang anak at nagpumilit, “Jay, kahit na ayaw mo sa kaniya, siya pa rin ang ina ni Jenson. Ang pagmamahal sa pagitan ng mag-ina kahit kailan ay hindi mapuputol. Bakit hindi mo buksan ang puso mo at hayaan silang makilala ang isa’t isa? Para kay Jenson.”Nang umalis si Jay sa study room ng matanda, siya ay mas nahihilo.Gabing-gabi na noong umalis sila sa bahay nina Lolo’t Lola. Naglakad si Jay palabas ng villa, karga si Robbie sa isang braso. Nasisiyahang kumaway si Robbie kina Lolo at Lola. “Paalam, Lolo. Paalam, Lola. Paalam, Tita Josephine.”Pagkatapos magpaalam, niyakap ni Robbie ang kaniyang Daddy. ‘Ang lakas naman ni Daddy. Kaya niya akong buhat
Pakiramdam ni Jay ay nakarinig siya ng isang malaking biro, ang malamig at gwapo niyang mukha ay naninigas sa lamig.‘Si Rose, isang magaling na estudyante si First Academy?’‘Tumingin dapat muna siya sa salamin bago magsabi ng ganoong mga kalokohan. Ang bawat estudyante sa First Academy ay isang bukod-tanging tao.‘Paano niya nagawang magsinungaling nang ganoon kay Jenson?’“Jenson,” nagsalita si Jay sa isang mahinang tinig, “Kahit na siya ay nakapagtapos sa First Academy, ang kaalaman at kakayahan niya bilang isang propesyonal ay hindi umaayon sa mga bagay na hinahanap ng Grand Asia. Hindi siya pwedeng kuhain ni Daddy kasi hindi ito magiging patas sa ibang mga kandidato.”Si Jay ay nadismaya sa walang hiyang mga kasinungalingan ni Rose, ngunit nag-aalinlangan pa rin siyang siraan si Rose sa harap ni “Jenson”.Ito ang kaniyang paraan ng pagprotekta sa kaniyang anak--ayaw niyang siya ang makasira ng magandang imahe ng kaniyang mommy sa kaniyang puso.Si Robbie ay mayroong malaking tiwa