Narinig nina Jenson at Zetty ang away sa pagitan ng kanilang mommy at si Josephine. Nag-aalala silang tumingin sa dalawang matanda.Tumingin si Josephine sa malamig at walang ekspresyon na mukha ni Jenson at naalala ang masiyahin at aktibong bata na kasama ni Jay. Pakiramdam niya ay tinamaan ng kutsilyo ang kaniyang puso.Pinigilan niya ang pighati sa kaniyang puso at sinubukang manatiling kalmado. “Hipag, ang paglitaw mo ay nagsanhi sa mga emosyon ni Jenson na magbago-bago. Tinawag ng kuya ko ang nangungunang espesyalista ng Grand Asia upang gamutin ang kundisyon ni Jenson. Hindi maganda ang resulta ng kaniyang pagsusuri. Ang mild autism ng batang ito ay naging schizophrenia. Sana ay pakawalan mo na ang inosenteng bata. Sundin mo na lang ang sinabi ng kuya ko at umalis sa bansa!”Ang pagmamahal ni Josephine kay Jenson ay halatang umaapaw na. Hindi nagalit si Rose. Sa halip, siya ay ngumiti.Narinig ni Jenson si Josephine na sinasabing siya ay mayroong sakit. Kumunot ang kaniyang ilong
“Dalawang bata?” Nakaramdam si Josephine ng hilo.Tumango si Rose. Nagsimula siyang magpaliwanag kay Josephine. “Oo. Sina Jenson at Robbie ay magkambal. Ang walang imik, malamig, at gwapong bata ay ang nakatatanda, si Jenson. Ang masigla, cute, maliwanag, at ang gwapo ay ang nakababata, si Robbie. Noong nakaraang ilang araw, ang dalawang bata na ito ay nagpalit nang hindi natin alam. Ang malamig na si Jenson at masiglang si Robbie ay paulit-ulit na nagpalitan sa harap niyong lahat, tila nagsasanhi ng gulo sa isip ng lahat.”Bago matapos si Rose sa kaniyang paliwanag, dali-daling hinawakan ni Josephine ang mukha ni Jenson at masayang sinabi, “Wala palang sakit ang Jenson namin!”“Oo, ikaw ‘tong may sakit,” naiinis na sinabi ni Jenson.Malambing na hinawakan ni Josephine ang mukha ni Jenson at humingi ng tawad dito. “Patawad, Jenson. Nagkamali si Tita Josephine sa ‘yo.”Lubos na kinaiinisan ni Jenson ang paghawak ng kaniyang Tita Josephine sa kaniyang mukha. Tumalikod siya at yumakap kay
Sina Rose at Josephine ay nag-uusap na ngayong pagkatapos ng nakagugulat na lantaran. Para kay Rose, ang usapan na ito ay maaapektuhan ang kaniyang buhay. Mukhang siya ay nasa isang kaswal at matinong usapan, ngunit sa loob-loob ay nagiging maingat siya sa kaniyang mga sagot.“Binibining Ares…”Malambing na hinila ni Josephine ang kamay ni Rose at tinama siya. “Hiyap, tawagin mo na lang ako sa pangalan ko. Dahil ikaw naman ang mommy ni Jens at ng mga bata, eh ‘di, habang-buhay kitang hipag. ‘Wag ka nang maging pormal.”Tinama ni Rose ang kaniyang sarili. “Josephine… Ngayong alam mo na ang tungkol kina Robbie at Zetty, hindi ko alam kung ano ang mga susunod mong gagawin. Sasabihin mo ba ang lahat kay Jay o tutulungan mo akong itago ang katotohanan?”Hindi naintindihan ni Josephine. “Bakit hindi ko pwedeng sabihin ‘to sa kuya ko? Bilang ama ng mga batang ito, may karapatan siyang malaman ang tungkol sa kanila, hindi ba? Hipag, matutuwa ang kuya ko na malaman ang tungkol kina Robbie at Ze
Natutuwang ngumiti si Rose.Gayunpaman, ang kaniyang ngiti ay bahagyang naging mapait sa pagbanggit ng pangalan ni Jay. Dalawang buhay niya minahal ang lalaki. Ang kalimutan siya ay madaling sabihin ngunit mahirap gawin.“Sa totoo lang, hinihintay ko pa rin siya kahit pagkatapos ng maraming taon,” mahinang sabi ni Rose.Si Josephine ay ganap na nakumbinsi sa malakas, matibay, at matatag na kalooban ni Rose. Siya ay ganap na humanga kay Rose. “Hipag, dahil sa mga sinabi mo, habang-buhay kitang poprotektahan sa ilalim ng pakpak ko. Mapayapa ka lang na manatili rito. Sasabihin ko sa kuya ko na umalis ka na sa bansa.”Nagpapasalamat na sinabi ni Rose, “Salamat, Josephine.”Sumagot si Josephine, “Binigyan mo ako ng tatlong napaka-cute na mga pamangkin. Ako dapat ang magpasalamat sa ‘yo.”Sumandal si Zetty sa pinto at nagpapaawang sinabi, “Mommy, kailan ba kayo matatapos mag-usap? Nagugutom na kami ni Jenson.”Biglang naalala ni Rose na napatagal ang usapan nila ni Josephine. Bigla niyang si
Paano naging iisang babae ang walang pinag-aralan na taong iyon at ang babaeng nagawang buksan ang kaniyang coding?Kumatok si Josephine sa pinto. Si Jay, na mayroong malalim na iniisip, ay tumingala at tumango sa kaniyang direksyon.Masigasig niyang tinanong, “Nasaan si Rose?”Naglabas si Josephine ng isang matagumpay na ngiti.“Dahil sa mga utos mo, sumakay siya sa eroplano na tatawid sa karagatan. Kinuha niya ang eroplano na aalis nitong 6:45 ng umaga patungong Indonesia. Kuya, maaari ka nang matahimik simula ngayon. Hindi mo na siya makikita muli.”Isang komplikadong itsura ang makikita sa mukha ni Jay.Ang kaniyang pag-iisip ay natigil sa sandaling marinig niyang umalis na si Rose.Nilapag ni Josephine ang kaniyang mga kamay sa harap ni Jay, tila mayroong hinihingi, “Kuya, dahil binigyan kita ng malaking pabor, dapat ay bigyan mo ako ng gantimpala, hindi ba?”Tinabig ni Jay ang kamay ni Josephine. “Wala ka bang pera?”Tumango si Josephine. “Oo, walang-wala.”May balak siyang bumil
Si Josephine ay higit pa sa tatlong-daang beses tinanggihan ni Zayne, ngunit siya ay mapagpilit na mahalin siya.Para lamang mapalayo si Josephine, nangako pa si Zayne. “Binibining Ares, nagmamakaawa akong layuan mo ako. Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal mo. Ang gusto ko ay hindi katulad ng sa normal na lalaki. Isa akong bisexual.”Naisip niya na sa pamamagitan ng pagsabi no’n, susukuan na siya ni Josephine. Sino ‘ng nakakaalam na magbibihis-lalaki si Josephine at muli siyang lalapitan, may kumpiyansang sinasabi, “Kuya Severe, tignan mo, kaya kong maging lalaki at babae. Kaya kong magbigay at tumanggap. Piliin mo ako kasi kaya kong gamutin ang sakit mo.”Muntik nang mamatay si Zayne dahil sa pagsusuka ng dugo.Nang ganoon lamang, ang isa sa kanila ay humahabol habang ang isa ay tumatakbo. Sa paningin ng iba, sila ay isang pares na hulog ng langit. Gayunpaman, dahil sa rason na ito ay nagtagal sila nang ganito at inaksaya ang kanilang kabataan. Ngayong pareho na silang mga matatanda
Naalala ng kaniyang isipan ang bagyo limang taon na ang nakaliliipas. Si Josephine ay mukhang magulo at kaawa-awa. Siya ay nababalot sa dugo...Kalaunan, nakatanggap si Jay ng isang tawag mula kay Grayson upang mag-ulat tungkol sa mga galaw ni Josephine.“President, pagkatapos umalis ni Binibining Ares sa Grand Asia, nagtungo siya sa real estate office sa harap ng Grand Asia upang maghanap ng bahay at lupa. Kasunod nito, bumisita siya sa ilang mga mall at bumili ng maraming mga kagamitang pambata. Ngayon, si Binibining Ares ay patungo na sa direksyon ng Exuberant City.’“Sa Exuberant City?”Napakunot ang mga kilay ni Jay. Ang Exuberant City ay apartment na para sa mga may-kaya lamang. Gayunpaman, narinig ni Jay na ito ay isa sa mga mamahaling real estate sa loob ng City South, at malapit din ito sa Horizon Colors.‘Bakit patungo si Josephine sa Exuberant City?’“Sige, sige.” Pinatay ni Jay ang telepono, inangat ang kaniyang braso, at tumingin sa kaniyang relo. Pinatay niya ang kaniyang
Nababalisang dumating si Josephine sa nirentahang lugar ni Rose at binaba ang lahat ng mga shopping bag at mga regalo sa sofa. Pagkatapos no’n ay tinapik-tapik niya ang kaniyang dibdib na mayroon pa ring nararamdamang takot.Sinabi niya kay Rose, “Hipag, ano ‘ng dapat kong gawin? Naghihinala sa ‘kin ang kapatid ko. May pinadala siyang tauhan para sundan ako. Nakabangga ko siya kanina sa baba.”Ang kalmadong mukha ni Rose ay agad na namutla. Ang tasa sa kaniyang bibig ay nanginginig habang sinasabi niya, “Nasa baba ang kuya mo?”Nakita ni Josephine kung paanong naging duwag si Rose nang mabilis at tumawa. “Hipag, akala ko ba ikaw lang ang tao sa mundong ito na hindi takot sa kaniya at may lakas pa ng loob at sagutin o labanan siya. Mukhang isa ka lang palang origami tiger?”Nahihiyang sinabi ni Rose, “Alam mo naman kung gaanong walang awa ang kapatid mo sa trabaho. Alin sa mga lumaban sa kanila ang nagkaroon ng magandang kahihinatnan? Kung alam ng kuya mo na narito pa rin ako, ang pagpu