Share

CHAPTER 3

Jaez was upset because even he didn't know why he was angry, maybe because he saw Bianca's condition.Malayo ang tingin ni Jaez habang hawak ang baso niya na may lamang alak, hindi pa rin kasi mawala sa isip nito si Bianca at ang nararanasan nito ngayong paghihirap. Namamangha si Jaez sa tapang ni Bianca ngunit sa kabilang banda ay naawa ito dahil kanina ay nakita nito ang balat ni Bianca na puro peklat at pasa.

" I want to protect her from hurting herself" He whispered.

Nailing naman si Jaez at agad na inilapag ang baso niya sa table at kinuha ang cellphone niya,may kinausap itong tao upang alamin kung sino ang lalakeng huling nakarelasyon ng dalaga upang maturuan iyon ng lesson at matuto sa mali nitong ginawa. Bagsak na naupo si Jaez sa couch nito habang nakatitig sa screen ng cellphone niya, naka-flash sa screen nito ang masayang mukha ni Bianca.

"Bakit ngayon lang kita nakilala?"He asked him self." Mukha kang angel but they said masungit ka raw at m*****a "Kausap niya sa hawak niyang phone, mukha siyang tanga ngunit hindi niya na iyon na iisip dahil sa ganda ng mukha ni Bianca.

Habang pinag-mamasdan ni Jaez ang mukha ni Bianca ay hindi nito maiwasan ang mapa-isip, ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Nakauwe na kaya ito at kung maayos ba ang lagay nito, maraming tanong sa isip ni Jaez tungkol kay Bianca. Simula kasi nang makita niya ang dalaga ay hindi na muling nawala sa isip niya ang maganda nitong mukha at kaakit-akit nitong mga mata.

IT'S BEEN two days nang makalabas na si Bianca sa hospital at ngayon ay nadagdagan na naman ang iniinom niyang gamot, maraming nawalang dugo kay Bianca kaya naman binigyan ito muli ng vitamins upang kahit papaano ay madagdagan ang dugo niya at mas maging masigla pa ito. Tanghali na ngunit nakahilata pa rin si Bianca sa kama niya habang nakatitig sa kisame ng silid niya.

"Don't hurt yourself, Honey... Every time you hurt yourself, you hurt us too, it hurts me to see you struggling and in pain.. ingatan mo 'yang sarili dahil pagdating ng panahon ay pagsisihan mong ginagawa mo ang lahat ng 'to...take care of yourself for your future"

"Darating ang panahon na hihilingin mong humaba pa ang buhay mo... Kaya kung ayaw mo magsisi bandang huli ngayon palang ingatan mo na ang sarili mo"

Naupo si Bianca sa kama nito at bumuntong hininga, iilan lamang iyan sa ala-alang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ni Bianca after niyang magising.

"Kung alam niyo lang kung paano ko pinipilit ang sarili ko na lumaban pa kahit na gustong-gusto ko ng sumuko at mag pahinga na lang... Gustuhin ko man maging masaya, hindi ko magawa kasi yung kasiyahan ko wala na...wala na kayo, kaya paano? Paano akong sasaya kung wala kayo?" Mahinang ani niya habang nakatitig sa picture frame ng ama't ina nito.

Tumayo na si Bianca sa kama niya at nagtungo sa banyo uoang maligo at mag ayos ng kaniyang sarili, susubukin nito na maging normal ngayong araw. After niyang maligo ay naupo ito sa harap ng Vanity mirror niya at pinagkatitigan ang mga make up na nakaayos sa harap nito.

"I want to take a picture of myself" She whispered. "Like what i usually do" She added.

Noon ang pag aayos ang nagiging comfort ni Bianca at muli niya susubukin kung hanggang ngayon ay napapakalma pa rin siya ng pag mimake-up niya. Habang nag aayos si Bianca ay bumalik sa isip nito ang mukha nang dati niyang kasintahan na nagawa siyang lokohin at ipag-palit dahil sa nagiging losyang na raw ito kaya naman sinisigurado ni Bianca na babalikan niya ito upang gantihan. After nitong mag ayos ng sarili ay tumayo na ito at humanap ng masusuot, she want to enjoy herself.

Paglabas ni Bianca sa bahay ay agad itong sumakay sa kotse niya at pinaandar iyon paalis sa lugar,sa Mall ang tungo nito upang makapag-libang. Ilang minuto lang naman ang nakalipas ay nakarating na ito sa mall na agad naman siyang nag park at bumaba sa kotse niya.

"Sana maging ok ang lahat" She whispered while walking.

Naglibot lang si Bianca at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong niya ang mga dati niyang kaibigan na magkakasama at mukhang nagkakatuwaan, hindi na dapat papansinin ni Bianca ang mga ito ngunit ang isa sa kanilabay tinawag si Bianca.

"Biancs!"

Kunwari nama'y lumingon si Bianca at malapad na ngumiti. Lumapit ang tatlo nitong kaibigan at bakipag beso kay Bianca, nag usap ang mga ito hanggang sa nagkaayaan na kumain sa isang Restaurant kung saan malapit sa pwesto nila.

"My treat"Ani ni Bianca.

"No need, wala kanang work diba?" Sarcastic ang tinig na iyon ni Inna.

Kinurot naman ni Jessica si Inna mula sa ilalim ng mesa habang si Vina naman ay nahihiyang ngumiti kay Bianca. Hindi makapaniwala si Bianca na ganito na ang tingin sa kaniya ng dati niyang mga kaibigan na paranb noon lang ay sa kaniya lang naman umaasa.

"What? Totoo naman diba?"Pamimilit pa ni Inna.

Tumango naman si Bianca.

"Wala siyang work, so pa'no niya tayo ililibre?"Ani muli nito."Baka mapahiya lang tayo rito"She added.

"Inna, naman"Ani ni Vina.

Gusto pa sanang mag timpi ni Bianca at hayaan na lang ito na maliitin siya ngunit hindi niya lang maatim ay ang tignan siya nito na para bang mas mababa pa siya sa basura.

"Yes, I don't have a job."Ani ni Bianca. "It's because I don't need to work to make money, dahil pera ang lumalapit sa'kin... Hindi ko kailangan magtrabaho para lang magkaron ng pera, dahil kahit nakahiga ako may pumapasok na pera sa Card ko. "She added.

Natahimik naman ang tatlo sa sinabi ni Bianca at bakas ang pagka-bigla sa mga mukha nng mga ito na tila hindi makapaniwala sa narinig mula kay Bianca, tila hindi pa rin nagbabago ang Bianca na nakilala nila dahil ang Bianca noon ay ganon pa rin ngayon ngunit ang pinagkaiba lang ay buo ang Bianca noon at ang ngayon ay wasak na wasak na.

"What do you mean? aren't your parents dead?"Ani ni Inna.

Agad namang tumaas ang kilay ni Bianca."do you think i just rely on them? yes they are dead but that doesn't mean the business we have will also die.." Tumayo naman si Bianca sa kinauupuan niya." Thank you for inviting me, i really appreciate it"Ani niya bago tuluyang tumalikod.

Agad na napawi ang saya sa pakiramdam ni Bianca dahil sa pangmamaliit ng mga dati nitong kaibigan, so sa tingin nila ay mahirap na si Bianca dahil wala na ang magulang niya?anong klaseng katangahan naman iyon. Salubong ang kilay ni Bianca habang naglalakad palabas ng Restaurant.

"Miss?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status