Share

CHAPTER 2

Para akong papel na hangin ang nasusunod kung saan ko nito nais na dalhin, naglalakad ako ngunit hindi ko alam kung saan ako tutungo para akong naliligaw sa madilim na lugar na ako mismo ang lumikha. I'm lost.

Nagising ako na basa na naman ang unan ko dahil sa tubig na nagmula sa dalawang mata ko, napanaginipan ko na naman kasi si mommy and Daddy na masaya kaming magkakasama sa isang lugar. Bumangon na ako at inayos ang kama ko,pipilitin kong maging maayos ngayong araw at pipilitin ko na maging isang normal na babae.

After kong maligo at bumaba na ako upang magluto naman ng makakain ko ngunit nang buksan ko ang ref ay wala akong nakita na kahit na ano kaya naman pinili ko nalang na omorder ng pagkain. I ordered pizza and normal meal and ofcourse Fries and ice cream. Habang naghihintay ng order ay nanood muna ako ng tv.

"He looks so handsome there " I said to myself.

Grabe na ang narating ng mga kasabayan ko noon ang iba sobrang successful na habang ako ito nakakulong sa lungga ko, what if hindi namatay ang parents ko?siguro hanggang ngayon isa pa rin ako sa kilalang architect at hindi ako ganito lang.

"I'm so proud of you" I whispered while looking at my tv screen.

Ang mga kaibigan ko noon ay may iba't ibang buhay na at settled na sila sa buhay, we're still friends ngunit sa ngayon wala na kaming contact sa isa't isa dahil nga mga busy ang mga ito sa kanila-kanilang buhay nila. Napitlag naman ako sa pag iisip nang bigla'y may mag doorbell sa pinto kaya naman tumayo na ako at nag tungo sa pinto.

"Hello, ma'am" Bati ng lalake.

"Magandang umaga po "Bati ko.

Inabot naman sa akin ni Kuya ang paper bag na agad ko rin namang tinanggap at inabot ang bayad ko and after that ay pumasok na rin ako sa loob. Inayos ko lang ang pagkain ko sa table at inumpisahan ko na rin ang kumain.

*Doorbell*

Muli naman akong tumayo sa kinauupuan ko at nagtungo sa gate upang silipin ang gatwe at halos matumba ako nang makita ang mukha ng lalake na naghihintay na pagbuksan ko ng gate.

"Tyron?"Hindi makapaniwalang ani ko.

" Seriously?" ngiwi nito.

"Tyron naman eh! Kailan ka pa bumalik?" Ani ko na humawak sa kamay niya.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayong andito siya ngayon sa harap ko because it's been a year since i last saw him ang i miss him so much!!

"Let's go inside" Ani naman nito.

Pagpasok namin sa loob ay naupo agad si Tyron habang ako ay naupo naman sa harap lang din niya, hindi talaga ako makapaniwala na andito siya ngayon sa harap ko dahil ang alam ko ay nasa ibang bansa ito nag tatrabaho.

"Akala ko nasa LA ka?" I asked. Hindi naman maitago ang excitement sa boses ko dahil sobrang saya ko na makita siya ngayon sa harap ko.

"Yeah, I just arrived earlier, I went straight here because I heard that you weren't working" Ani nito na diretso ang tingin sa akin.

Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"I won't be here for long, because I have a job left in LA, I just came here to check you personally"Ani nito.

Agad namang napawi ang excitement ko dahil sa sinabi niyang iyon, so sandali lang siya dito at hindi na siga magtatagal?tsk.

"So, kailan ang balik mo?"I asked.

"Tomorrow, morning"Ani naman nito.

Tumango-tango lang naman ako, ang saya lang sa pakiramdam na gumastos siya para lang puntahan ako kahit na sobrang busy nito sa trabaho niya.

"Ang payat mo na, sobra. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo ha?"Bakas ang inis sa boses nito.

"Diet lang talaga ako"Ani ko na patuloy sa pagkain.

"Sa akin ka pa nag sinungaling ha?"He said.

Hindi naman ako umimik sa kaniya. After kong kumain ay inaya ako ni Tyron na mag mall para naman daw malibang ko ang sarili ko at hindi yung kinukulong ko lang ang sarili ko sa bahay. Ang dami naming pinag-usapan ni Tyron tungkol sa iba't ibang bagay habang papunta kami sa mall na realized ko tuloy na masyado na pala akong napag-iiwanan talaga.

"Ikaw, wag na wag mo papabayaan yung sarili mo"Lingon niya sa akin.

"Hindi naman" Mahinang ani ko.

"Veronica, ayusin mo mga ginagawa mo sa sarili mo"Ani nito na bumaba ang tingin sa kamay ko.

Kanina pa kasi ito nagtataka kung bakit ang init-init ay naka long sleeve ako, naiinitan din naman ako pero hindi naman pwede na makita niya ang mga sugat sa pulsuhan ko dahil ayoko mapagalitan.

"Maayos naman" Ani ko.

"Your aunt told me that you are hurting yourself, if you keep doing that I will take you to LA and you will live there with me" Ani nito na bakas ang iritasyon sa boses nito.

Natahimik naman ako dahil alam kong gagawin niya ang sinabi niya pero hindi ko maiwasan na hindi saktan ang sarili ko dahil doon ko lang kinakalma ang sarili ko and i know that's bad for me pero anong magagawa ko kung yun lang nakikita kong paraan.

Hindi naman na kami nakapag-usap pa ni Tyron dahil nakarating na kami sa Mall. Habang naglalakad ay nakahawak ito sa bewang ko na akala mo nama'y mawawala ako sa mall na 'to. Habang naglalakad kami ay ramdam ko ang tingin sa akin ng mga tao sa paligid namin ngunit hindi namin parehong pinapansin ang mga iyon.

"What do you want to buy?"He asked me with his sweet voice.

Umiling naman ako, wala naman akong kailangan bilhin dahil nasa akin naman na ang lahat I mean sa material things.

"Anything you want, bibilhin ko for you" Ani nito na matamis na ngumiti sa akin.

"Wala namang akong gustong bilhan"Ani ko.

"Make up? Mga damit or anything"Ani pa nito.

Napaka gastos talaga nito kahit na kailan pero dahil libre naman niya, sino ba naman ako para tumanggi sa libre niya diba?. Dumiretso kami ni Tyron sa jewelry shop dahil nais nito na bumili ng couple things like bracelet and necklace, nahirapan pa akong pimili dahil lahat ay maganda pinagpipilian ko kasi ang butterfly and yung moon.

"Let's buy both" Ani niya sa akin. " Miss, give me two of this and this" Ani niya sa babae at tinuro ang hawak ko.

"Seryoso ka?"I asked.

"Yes, pwede mo naman gamitin yung isa sa ibang araw"Ani pa nito sa akin.

After naman naming bumili ng jewelry ay nag tungo kami sa make up station kung saan si Tyron mismo ang nag push sa akin na kunin ang lahat ng gusto ko.

"You look so sad lately, so take everything you want and I'll buy it for you"Ani nito na dinampian ako ng halik sa noo.

Matamis naman akong ngumiti sa kaniya." No, ayoko nakakahiya"I said.

"Don't be shy, my love. Go get everything you want"Ani nito na nginuso ang lipstick stand.

Hinawakan ni Tyron ang kamay ko at inakay ako nito palapit sa babae. "Miss, can give her everything that you think that will suit her? ani ni Tyron.

Tumango naman ang babae at inakay ako. Nakakahilo na kung saan saan ako dinala ng babae but i don't like the shade of their lips stick kaya naman inaya ko na si Tyron na umalis na dahil wala akong gustong bilhin.

"Let's eat, I'm tired " Ani ko.

"Are you hungry?"He asked.

Tumango naman ako. "Yes" I said.

Nagtungo naman na kami ni Tyron sa isang Restaurant at doon na nga kami kumain, inorder ko lang kung ano ang nais ni Tyron dahil wala naman talaga akong gustong kainin at gusto ko lang mag pahinga dahil masyado na akong napapagod sa kakalakad namin.

After naman naming kumain ay nag aya na agad ako na umuwe na kaya naman hinatid na ako ni Tyron sa bahay habang si Tyron naman ay bumalik na sa kanila dahil marami pa itong aasikasuhin.

Nilibang ko naman ang sarili ko sa paglilinis ng bahay namin kesa matulog na naman at umiyak sa silid ko actually i badly want to be in a healthy mental health.

HINDI makapaniwalang napailing si Jaez habang pinag-mamasdan ang mga gawang bahay ni Bianca dahil napag-alaman nito na si Bianca pala ang architect ng kaibigan nito. Agad namang mailing ni Jaez ang ulo niya at pinatay ang loptop niya, bakit niya ba iniisip ang babae na iyon eh hindi naman niya ito kilala.

"Sir, may bisita po kayo" His secretary said.

"Papasukin mo" Ani naman ni Jaez.

Nang lingunin naman ni Jaez ang pinto ay laking gulat nito nang makita si Tyron na naka-suot ng gray na suit. Agad namang napatayo si jaez sa kinatatayuan niya at malapad ang ngiti na lumapit kay Tyron at nakipag kamay dito.

"Kailan ka dumating?"Jaez asked him.

"Earlier, umuwe lang ako for my girlfriend"Ani nito.

"That's so sweet" Ani ni Jaez na hinampas sa braso si Tyron.

Nag usap lang ang dalawa tungkol sa mga buhay nang mga ito at kaunting kamustahan lang din at nag paalam na rin si Tyron dahil marami pa itong pupuntahan na mga kaibigan. Paglabas naman ni Tyron ay inayos na rin ni Jaez ang gamit niya dahil may dadaanan pa ito sa kabilang building.

Pagbaba ni Jaez sa parking lot ay agad itong itong sumakay sa kotse niya at pinaandar iyon paalis. Natagalan pa ito dahil nagkaroon ng traffic banda sa mall.

"Bwesit!" niiritang ani nito.

Hindi naman inaasahan na napalingon si Jaez sa entrance ng mall at dito ay naaninag niya ang Mukha ni Bianca na naglalakad mag isa na tila malalim ang iniisip nito, nais pa sanang titigan ni Jae si Bianca ngunit biglang nag beep ang nasa likuran niya kaya naman wala itong choice kundi ang mag go at iwan si Bianca.

"This isn't good!" Naiinis na ani ni Jaez na salubong ang kilay.

Masyadong grabe ang traffic kaya naman nag decide si Jaez na bukas nalang daanan ang mga papel sa kabilang building kaya naman dumiretso na lang si Jaez sa bahay nila.

MALAYO ang tingin ni Bianca habang nakaupo ito sa isang couch sa rooftop ng bahay nila kung saan mula sa kinauupuan ni Bianca ay kitang-kita ang mga makikinang na bituin sa sa langit kasabay pa nito ang malamig na hangin na dumadampi sa mukha ni Bianca.

Sa lugar na ito laging nanatili ang parents ni Bianca dahil madalas na dito kumakain ang pamilya nila habang malalakas na tumatawa at sinasariwa ang katangahan ng kapaligiran, Bianca badly want to see her parents dahil sobrang miss na miss na niya ang mga ito lalo na ngayon na wala siyang kapatid na makakasama sa bahay.

"Bakit naman iniwan niyo kasi akong nag- iisa lang?.... Mommy, Dad.. kahit na ilang beses kong sanayin ang sarili ko na mag isa, hindi ko talaga magawa... Natatakot pa rin ako tuwing gabi sa isipin na nag iisa na lang ako at walang pamilyang malapitan... Ako lang lagi mag isa... And gusto ko na kayong makasama" Bulong nito sa hangin habang dinadama ang dahan-dahang pagtulo ng luha nito sa pisnge niya.

Nasanay kasi si Bianca na laging kasama ang parents niya sa lahat ng bagay at kahit sa simpleng achievements ay nais nito na kasama niya ang parents niya kaya naman Sobrang laki ng dinulot sa kaniya nang mawala ang mga magulan niya tila gumuho ang buong mundo nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubuo.

"Lord.. kamusta po si mommy d'yan sa itaas? Makulit po ba siya dyan? Tawa pa rin po ba siya nang tawa dyan sa itaas? Masayahin pa rin po ba si mommy? Sigurado akong miss na miss na niya ako... God, pwede po bang pasabi na miss na miss ko na rin po sila?" Nabasag naman ang boses ni Bianca at unti-unting lumabas ang mahihinang tunog ng pag iyak sa boses nito.

"Lord, pwede po bang bigyan niyo po ako ng kahit ilang minuto o oras na makita ang mga magulang ko?? Pwede po ba kahit ilang minuto lang po... Sobrang miss na miss ko na po talaga sila kahit ilang minuto lang po...." Halos mawalan na ng boses na ni ni Bianca na napaluhod na sa sahig.

Nais niyang makita ang mga magulang niya at mangyayare lamang ang bagay na iyon kapag pinutol niya ang sarili niyang buhay.

TANGHALI na nang mag pasya si Jaez na puntahan ang kaibigan nito sa isang hospital dahil sa naaksidente ito sa motor at bilang isang mabait na kaibigan ay bibisitahin ito ni Jaez. Pagbaba palang sa kotse ay dali-dali na agad itong nag tungo sa front desk at nag tanong sa room number ng kaibigan niya at nang makuha niya iyom ay agad niya iyong pinuntahan.

Habang naglalakad ito sa hallway at hinahanap ang room number ng kaibigan nito nang aksidente niyang nasilip ang isang silid kung saan tila naaninag nito ang tita ni Bianca and because of curiosity ay huminto ito sa paglalakad at lumapit sa pinto, dito ay nakita niyang umiiyak ang tita ni Bianca.

"Hello, sir. are you related to the patient?" Ani ng nurse na lumapit sa kaniya. "Boyfriend?" She added.

Wala namang choice si Jaez kundi ang tumango na lang, nais na sanang tumalikod ni Jaez nang bigla'y magsalita ang nurse.

"Alam niyo Sir, i know hindi pwede 'to pero please take care of her" Ani nito. "She's very fragile, she's suffering depression her mental health is really bad.. kaya maigi na bantayan mo siyang mabuti kung ayaw mong mawala siya sayo"Ani pa nito.

"What happened to her? Kakarating ko lang and I don't know what really happened" Ani ni Jaez na nakagat ang pang-ibabang labi nito.

"Hiniwa po kasi nito ang pulsuhan niya at sobrang daming nawalang dugo sa kanya sa nag cause ng pagkawala ng malay niya, mabuti nalang nakita siya agad ng tita niya at naagapan"Ani pa nito na bakas ang awa sa tono nito.

Hindi maintindihan ni Jaez bakit tila bigla'y nakaramdam siya ng awa mula sa dalaga at sa nararanasan nito, actually Bianca is so strong dahil kahit na ganito ang nararanasan niya ay hindi pa rin siya sumusuko but at some point it's kinda scary.

"Maiwan ko na po kayo" Ani ng nurse.

Tumango naman si Jaez. Hindi naman nito na malayan na pumasok na ito sa loob ng silid ni Bianca at narelized niya lang ito nang pansinin siya ng tita ni Bianca.

"Are you Bianca's boyfriend?"He tita asked.

Hindi naman naka-imik si Jaez.

"I think you're not"Ani agad nito.

"I'm her suitor" Ani ni Jaez na kahit siya'y hindi niya rin inaasahan na masasabi niya ang salitang iyon.

"Take care of her, she's so fragile.. sobrang grabe ang nararanasan nito... Hindi siya ganito noon"Ani ng tita nito na sandaling lumingon kay Bianca.

"After her parents died, naging ganito na siya and I want you to take care of her"Ani nito na nag angat ng tingin kay Jaez na may seryosong mukhang.

Hindi naman naka-imik si Jaez at wala ito sa sariling tumango, he badly wants to take care of her, pareho sila ng sinabi ng nurse at nais rin ni Jaez na alagaan ang dalaga ngunit paano niya ito gagawin kung hindi naman niya lubusang kilala si Bianca.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status