Share

CHAPTER FIFTY-NINE [PART 3]

59.3 ISLA’S POV

“M-ma… Pa…”

Nakasuot sila nang magagarang damit, parang ngayon ko lang sila nakitang magsuot ng ganito kagagandang mga damit. Para akong maiiyak sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Nasanay kasi ako na laging suot nila ay dugyutin, iyong laging may mantsa sa damit gano’n dahil hindi sila bumibili ng mga damit nila. Lagi nila kaming inuuna sa mga bagay na gano’n.

Nakaayos ang mga buhok nila, mababango at malilinis silang tignan. May kung anong bagay ang humaplos sa puso ko na parang pinapalambot nito ang bahaging tumigas sa mga nangyari.

Mahigit isang minuto yata akong natulala dahil sa gulat, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito sila sa harap ng apartment ngayon… na buo.

Nang makabawi ay pasimple kong sinulyapan si Sasa sa tabi ko. Malaking-malaki ang ngiti n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status