ISLA’S POV
Nanlaki pa ang mga mata ko nang abutan ako ni Lolo ng bulaklak, ‘yong paborito kong bulaklak. Saan naman ‘to galing? Parang wala naman silang bitbit kanina.
Ilang na ilang ako nang tanggapin ko ito mula sa kaniya. Napakatamis ng mga ngiting binibigay nila sa akin.
Pumunta na kami sa gitna ng stage dahil ‘yon ang prinactice namin, tatanggap ng diploma at saka magpapa-picture sa photographer.
Hindi na ako nagulat nang pati sila Lolo at Lola ay sumama. Napansin ko ang kakaibang mga tinginan ng mga professors na kasama namin dito sa taas. Naging mabilis lang ‘yon dahil kailangan na nilang bumalik sa dati nilang pwesto para magbigay ng diploma sa ibang graduates.
Bababa na sana kami nang may humawak sa braso ko. Namula ako nang pagharap ko ay nasa harapan ko na si Adam habang kinakalikot niya ang cellphone niya
ISLA’S POV“Huwag kang mag-alala, anak. Tayo-tayo lang naman…”Wala pa man akong nasasagot ay sinundan na agad ni Mama ‘yong sinabi niya. Tumango ako kahit hindi bukal sa puso ko, kita ko kasi ‘yong pag-asa sa mga mga at ni Mama na sana pumayag ako.Tatalikod na sana ako nang akbayan ako ni Sasa. “Saan kayo?” tanong niya. Napabuntong hininga ako. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa sasakyan namin kanina. Nakita ko sa unahan namin na magkasama na ang mga magulang namin.“M-may celebration daw sa bahay… nila.”Napahinto siya. Dahil akbay-akbay niya ako ay napahinto rin ako. Tinanggal niya ang braso niyang nakaakbay sa akin at saka ako hinarap. “Bahay niyo? Eh ‘di mabuti ‘yon! Sama kami!”Tinitigan ko siya. Hindi ko naman nap ala siya
61.2 ISLA’S POV“Ah… I just want to say thank you for taking care of me last night,” sabi niya nang hindi ako sumasagot sa kahit anong tanong niya.Hindi ako makapagsalita at napapatulala na lang. Gusto kong sabihin na mali ‘yong mga iniisip niya. Na walang katotohanan sa mga sinabi niya. Na hindi naman talaga ko nililigawan ni Gabreel pero hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit may parte sa akin na natutuwa ako na gano’n ang iniisip niya.“T-that’s all… iyon lang ang sasabihin ko, T-thank you. Punta ka na, hinihintay ka na nila,” sabi niya ng mga mga ngiti sa labi. Sumulyap pa siya sa sasakyan ni Gabreel. “A-aalis na rin ako kapag nakaalis ka,” dagdag niya.“Isla! Tara na!” rinig kong sigaw ni Sasa sa akin mula sa sasakyan ni Gabreel. Hindi ako lumingon at nakatitig pa rin ako k
61.3 ISLA’S POV“Senyorita, hindi po kasi pwede. Bilin po kasi sa akin ng Mama niyo na samahan kayo.”“Babalik naman ako, kuya.”“Kahit na po, senyorita”Napabuntong hininga ako at napakagat labi. Tumingin ako sa likod ko, nandito kami sa isang bar ngayon ng isa sa mga driver nila Mama.Gusto kong magpadyak sa semento, kanina pa kami nag-aargumento kung papasok ba siya o hindi.“Oh sige, kuya, ganito na lang po. Kapag hindi pa ako lumabas within twenty minutes, sundan niyo na po ako sa loob,” suhestiyon ko sa kaniya.Tinitigan niya ako na para bang nag-iisip kung papaya siya o hindi.“Promise, kuya. Hindi ka mapapahamak dito ang trabaho mo,” paninigurado ko. Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya at tumango rin.
ISLA'S POV"Wala, tinawagan lang ako ng waiter," walang emosyon kong sagot sa kaniya pagkaharap ko. "Tinawagan ko 'yong sekretarya mo pero ang sabi niya naka-leave raw si─""Isla, pwede mo akong pabayaan na lang doon. Why?" muling tanong niya.Hindi ko maintindihan 'yong gusto niyang iparating, nagsasabi naman ako ng totoo. "Nasagot ko na 'yong tanong mo."He looked at me, his eyes are really looking at me, questioning. Umawang ang mga mapupula niyang labi na para bang may gusto pa siyang sabihin kaso walang lumalabas mula rito."If you are not aware… you are torturing me. Is this kind of revenge, ha?"Ayaw ko man magpakita ng kahit anong emosiyon ay hindi ko talaga naiwasang magulat. Bakit niya naman naisip na gagawin ko 'yon? Gano'ng tao ba ang pagkakakilala niya sa akin?"Wala
ISLA'S POVNiyakap ko siya kasabay ng pagpipigil kong humagulgol. Gusto kong sabihin na maayos na, na napatawad ko na siya, na pwede pa at na mahal ko pa rin siya. Hindi naman 'yon nawala.Hindi ako makapagsalita dahil naninikip ang d*bdib ko na parang pinipiga."I'm sorry… h-hindi ko kasi kayang makita ka… parang bumabalik sa akin lahat. Hindi ko na alam kung paano na ulit magtiwala sa 'yo. Hindi ko na alam kung sino ka at mas lalong hindi ko na alam kung ano ang buong pagkatao ko."Kumalas ako sa yakap at hinawakan mo ang mga pisngi niya, maingat ang paghawak sa pisnging nasampal ko kanina.Tumutulo na 'yong sipon naming dalawa pero hindi namin 'yon magawang punasan."Sobrang… sobrang daming nangyari at nangyayari ngayon. Hindi ko kayang sabihin na napatawad na kita dahil hindi totoo 'yon, galit ako…
ISLA’S POV“Ma’am, Isla? A-ano pong ginagawa niyo dito? Paano niyo po nalaman na dito ako nakatira?”Pagsilip ko sa bahay na nasa harapan ko ay ang paglabas ng pamilyar na lalaki sa bakuran at no’ng makita ako ay mabilis siyang lumabas at binuksan ‘yong gate nila.Ano nga ba ang ginagawa ko rito? Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang nag-aalala ako kay Adam at gusto kong may mag-check sa kaniya kahit papaano.Pumunta na ako kay Nay Amy pero katulad din nila Mama ay lumipat na rin daw siya sa bahay ng mga Martin.Wala na akong ibang malapitan, pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Hindi pa ako nakakatulog dahil hinintay ko ang pagsinag ng araw at saka na ako lumabas, nagpaalam ako kay Mama at pinasamahan na naman ako sa driver na kasama ko kagabi.“Elmar…” My voice broke. Mahap
ISLA’S POVSinabihan ko ‘yong driver nila Mama na mauna na sa mansion, no’ng una ay parang makikipag-argumento na naman ngunit no’ng tinawagan ko si Mama ay nakahinga siya nang maluwag at hinayaan na akong sumama kay Kuya Elmar.Hindi pamilyar ang lugar na pinupuntahan namin para sa akin. Halo-halo ‘yong mga nararamdaman ko, may halong kaba, tuwa na makikita ko na siya at takot sa kung anong madadatnan ko. Kakausapin ko siya nang maayos. Baka kapag narinig ko naman ‘yong side niya ay baka… pwede pa, baka kaya pa namin.Ang sabi sa akin ni Kuya Elmar ay kapag nakita namin siya ay bawal ko siyang lapitan at kausapin kasi ang sabi ko lang naman daw kanina ay titignan kung anong lagay niya.Pero sana alam niya nang hindi ko ‘yon maipapangako.Diretso lang ang tingin ko sa daan, palinga-linga ako sa lug
ISLA'S POVPumayag iyong madre sa balak ko nang magpakilala ako kung sino talaga ako. Alam din nila na kaarawan niya ngayon at may hinanda rim daw sila ngunit isang cake lang dahil ang sabi raw ni Adam sa kanila noon ay hindi siya nagce-celebrate ng kaarawan niya.Nakapasok kami ni Kuya Elmar sa loob nang hindi napapansin ni Adam. Orphanage raw 'yong una naming pinasukan sabi ng Madre na kasama namin.May mahahabang mesa na tila dito sila kumakain. May iilang mga bata na nandito sa loob. Sila ang kinausap namin tungkol sa plano ko at tuwang-tuwa naman silang pumayag.Sinabihan ko 'yong ibang bata na aliwin muna si Adam habang nag-aayos kami dito sa loob.Buti na lang may mga gamit sila dito na pang-decor ng simple lang na Happy Birthday.Naging abala ang lahat ng nandito sa loob at buti na lang sobrang babait ng mga bata.