Share

CHAPTER SIXTY-THREE [PART 2]

ISLA'S POV

Pumayag iyong madre sa balak ko nang magpakilala ako kung sino talaga ako. Alam din nila na kaarawan niya ngayon at may hinanda rim daw sila ngunit isang cake lang dahil ang sabi raw ni Adam sa kanila noon ay hindi siya nagce-celebrate ng kaarawan niya. 

Nakapasok kami ni Kuya Elmar sa loob nang hindi napapansin ni Adam. Orphanage raw 'yong una naming pinasukan sabi ng Madre na kasama namin. 

May mahahabang mesa na tila dito sila kumakain. May iilang mga bata na nandito sa loob. Sila ang kinausap namin tungkol sa plano ko at tuwang-tuwa naman silang pumayag. 

Sinabihan ko 'yong ibang bata na aliwin muna si Adam habang nag-aayos kami dito sa loob. 

Buti na lang may mga gamit sila dito na pang-decor ng simple lang na Happy Birthday. 

Naging abala ang lahat ng nandito sa loob at buti na lang sobrang babait ng mga bata. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status