ISLA'S POV
Anong sinasabi niya?
Tama ba 'yong narinig ko?
Lumingon ako sa paligid kung nandito ba si Tobias, lahat ng sulok ng kwarto ay tinignan ko pero ni anino niya ay wala naman akong nakita.
Isla, baka pinaglalaruan ka lang niyan.
"A-anong s-sinasabi mo?"
"Bakit hindi mo tanungin 'yang best friend mo, Isla?"
Nalipat ang mga tingin ko kay Adam na nakakapit sa akin. Ngayon ko lang din napansin na natigil na ang panginginig niya. Na pakiramdam ko ay nailipat sa akin.
Kung kinakabahan ako kanina ay mas lalo na ngayon. Parang gusto nang lumabas ng puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.
Mas lalong kumikirot 'yong ulo ko.
Napansin ko ang papalapit na si Sebastian. Puno rin ng pagtataka ang mga mata niya. Sumalampak siya sa sahig,
ISLA'S POVAnong… ano 'yon?Diretso ang kaniyang mga mata sa akin habang ginagawa ang bagay na 'yon. Tinitignan niya kung ano ang magiging reaction ko.Kita ko ang hirap sa ginagawa niya na para bang ayaw niya nang ituloy.Nangilid ang mga luha niya bago siya yumuko at muli ay may tinanggal na naman siya sa mata niya na kung anong bagay.Kung ano 'yon ay hindi ko alam.Ni hindi ko alam kung ano 'yong mga tinatanggal niya.Nang tuluyan na niyang matanggal 'yon ay unti-unti na siyang nag-angat ng mukha.Contact lense… contact lense 'yong tinanggal niya.Iyong mga matang 'yon, kulay kapeng mga mata, na isa sa mga paborito ko.Tobias….Unti-unti rin ay para akong pinagbabagsakan lupa.&n
THIRD PERSON'S POVUmalingasaw sa buong lugar ang malakas at magkasunod na putok ng baril. Nagulat ang lahat ng tao sa loob. Mabilis na kinuha ng mga pulis ang mga hawak na baril ni Amiah at ng kasama niyang si Sebastian.Pinadapa naman nila sa lupa ang mga tauhan nila at pinosasan.Nanginginig ang mga labi ni Amiah nang makita na nakabulagta na sa sahig si Tobias na duguan habang yakap-yakap siya ni Isla.Habang si Sebastian naman ay ngiting-ngiti at tila tuwang-tuwa sa ginawa niya. Walang halong pagsisisi ang mukha niya."Tobias? Tobias! No… no…" paulit-ulit na sambit ni Amiah habang nakatingin pa rin kay Tobias.Pinoposasan na siya ngayon pero na kay Tobias pa rin ang tutok niya.Punong-puno ng luha ang kaniyang mukha. Tinignan niya si Sebastian nang matalim na tingin.&nbs
THIRD PERSON'S POVInilipat na sa Martin Hospital sina Tobias at Isla. Pagkatapos maoperahan si Tobias ay pinalipat siya sa hospital na pagmamay-ari niya at dahil na rin sa utos ng Daddy ni Tobias na labis ang galit na nadarama sa nangyari.Si Isla naman ay hindi pa rin nagigising hanggang ngayon.Saktong araw naman ng paglabas ng hospital ng mga magulang ni Isla nang mabalitaan nila ang nangyari sa kanilang anak.Sobrang nagulat sila dahil wala man lang silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanilang anak na si Isla.Nagulat na lang sila nang sabihin sa kanila ng isang nurse na naka-admit rin ang anak nila sa hospital. Dahil madalas si Isla sa hospital ay nakilala na rin siya ng ibang nurse and staffs ng hospital.Kaya naman hindi sila natuloy sa pag-uwi at dumiretso sa room ng anak nila.Nagulat pa s
THIRD PERSON'S POV"Tita, nagdala rin ho ako ng mga prutas. Kamusta na po si Isla?" puno ng pag-aalalang tanong ni Isla sa Mama ni Isla.Mabilis na dumiretso si Sasa sa hospital nang mabalitaan nila ang nangyari. Sinabi ito ni Sir Ralph nila dahil kapatid niya pala ang isang doctor sa Martin Hospital na si Doc. Rafael.Ibinalita ni Doc. Rafael kay Ralph ang nangyari at sinabi niya ito sa mga kasamahan ni Isla sa OJT. Walang ano-ano ay nagpaalam si Sasa kay Ralph para pumunta sa hospital."Salamat, anak." Ngumiti si Isabelle sa kaibigan ni Isla. "Ito, hindi pa rin siya nagigising… ang sabi ng doctor ay mas pinili raw ng utak niyang magpahinga muna dala ng trauma sa nangyari. Ang sabi ng mga pulis ay, sa harap niya mismo nangyari ang pamamaril."Humaba ang nguso ni Sasa habang nakatingin sa kaibigan niyang mahimbing na natutulog. Sobrang awang-awa na siya s
ISLA'S POV"Sabi ng doctor ay pwede ka na raw lumabas ngayon, anak." Ramdam ko ang titig ni Mama at Papa sa akin kaya naman lumingon ako kay Mama at tumango sa kaniya ng bahagya."At saka, nga pala p-pumunta ako kahapon sa cashier at ang sabi nila ay bayad na daw lahat ng gastusin. Tinanong ko kung sino ang nagbayad ay anonymous daw," puno ng pagtataka na wika ni Mama.Pati ako ay napakunot ng noo dahil 'yong gumagawa ng gano'n sa akin noon ay tulog at nakahiga rin dito sa hospital."At dahil ayaw naman sabihin no'ng cashier kahit anong pilit ko ay hinayaan ko na lang din. Nag-iwan na lang ako ng sulat at pinabigay ko," dagdag ni Mama. Nagkibit balikat si Mama habang nag-aayos ng mga gamit namin para makauwi na kami.Nag-iwas ako ng tingin sa kanila nang maalala ang pag-iyak ko kahapon sa kanila. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Halo-halo na 'yong mga nararamdam
ISLA'S POV"Isla! Nasaan ka? Gusto kong makita si, Isla! F*ck! Don't f*cking touch me!""Bakit?"Lumabas ako sa kwarto at nakita ko sa labas ng hallway si Tobias o Adam na nagwawala at sinisigaw ang pangalan ko habang hawak-hawak siya ng mga nagbabantay sa kaniya.Nakatalikod sa akin si Tobias. No'ng narinig niya ako ay tumigil siya sa pagwawala. Napalingon sa akin ang mga bantay niya at parang napahinga nang maluwag pero dahil hindi pa rin nila binibitawan si Tobias ay sobrang lakas niya itong iwinaksi at saka ako dahan-dahan na hinarap.Napangiwi siya at napahawak sa bandang balikat niya, kung saan siya inoperahan.Malamig ang mga mata kong nakatingin sa kaniya habang siya ay mabagal na naglakad papalapit sa akin, makikita sa mukha niya ang sakit. Hindi ko alam kung alin ang masakit."Isla…" mahinang tawag
ISLA'S POVPabigat nang pabigat 'tong nararamdaman ko. Ni hindi ko matagalan na titigan siya sa mata.Parang pinipiga 'tong puso ko. Ramdam ko ang kirot at sakit nito. Nanunuot 'yong sakit at pinapahirapan ako nitong huminga."So, alam mo?" ulit na tanong ko sa kaniya.Nanginig siya at namutla. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil sa sugat niyang dumudugo na naman ngayon."Isla, h-hindi… a-akala ko g-gumagawa lang siya ng k-kwento."Napakunot noo ako at agad na nagsalubong ang mga kilay ko."Alam mo pero hindi mo na naman sinabi? Mas pinili mo na namang magsinungaling?" nanggigigil na usal ko sa kaniya. "Ano pa, Adam? Ano pa ang hindi mo nasasabi sa akin?""Adam? S-sinong? A-anong ibig mong sabihin, Isla?"Nalipat ang tingin ko kay Mama. Wala n
ISLA’S POVNagulat ang lahat sa sinabi ko. Rinig na rinig ko ang kanilang pagsinghap. Pilit kong iniwasan ang mga mata ni Adam pero hindi ‘yon nakatakas sa paningin ko. Hindi rin nakatakas sa akin iyong dumaloy na sakit mula sa mga mata niya.Wala akong maramdamang iba kung hindi ang sakit at bigat sa dibdib ko. Tumigil na rin sa pagtulo ‘tong mga luha ko.Siguro napagod na sila o siguro wala nang mailabas na luha.Nag-iwas ng tingin sa akin si Adam kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.“I-isla anak…”Tinawag ako ni Mama, hindi ko alam kung bakit at para saan. Wala silang alam sa nararamdaman ko. Hindi ko siya nilingon bagkus ay tinalikuran ko silang lahat at balak ko nang pumasok sa loob ng kwarto ko.Kahit na nanghihina ang mga tuhod ko ay nagawa ko pa rin itong