ISLA'S POV
"Sabi ng doctor ay pwede ka na raw lumabas ngayon, anak." Ramdam ko ang titig ni Mama at Papa sa akin kaya naman lumingon ako kay Mama at tumango sa kaniya ng bahagya.
"At saka, nga pala p-pumunta ako kahapon sa cashier at ang sabi nila ay bayad na daw lahat ng gastusin. Tinanong ko kung sino ang nagbayad ay anonymous daw," puno ng pagtataka na wika ni Mama.
Pati ako ay napakunot ng noo dahil 'yong gumagawa ng gano'n sa akin noon ay tulog at nakahiga rin dito sa hospital.
"At dahil ayaw naman sabihin no'ng cashier kahit anong pilit ko ay hinayaan ko na lang din. Nag-iwan na lang ako ng sulat at pinabigay ko," dagdag ni Mama. Nagkibit balikat si Mama habang nag-aayos ng mga gamit namin para makauwi na kami.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanila nang maalala ang pag-iyak ko kahapon sa kanila. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Halo-halo na 'yong mga nararamdam
ISLA'S POV"Isla! Nasaan ka? Gusto kong makita si, Isla! F*ck! Don't f*cking touch me!""Bakit?"Lumabas ako sa kwarto at nakita ko sa labas ng hallway si Tobias o Adam na nagwawala at sinisigaw ang pangalan ko habang hawak-hawak siya ng mga nagbabantay sa kaniya.Nakatalikod sa akin si Tobias. No'ng narinig niya ako ay tumigil siya sa pagwawala. Napalingon sa akin ang mga bantay niya at parang napahinga nang maluwag pero dahil hindi pa rin nila binibitawan si Tobias ay sobrang lakas niya itong iwinaksi at saka ako dahan-dahan na hinarap.Napangiwi siya at napahawak sa bandang balikat niya, kung saan siya inoperahan.Malamig ang mga mata kong nakatingin sa kaniya habang siya ay mabagal na naglakad papalapit sa akin, makikita sa mukha niya ang sakit. Hindi ko alam kung alin ang masakit."Isla…" mahinang tawag
ISLA'S POVPabigat nang pabigat 'tong nararamdaman ko. Ni hindi ko matagalan na titigan siya sa mata.Parang pinipiga 'tong puso ko. Ramdam ko ang kirot at sakit nito. Nanunuot 'yong sakit at pinapahirapan ako nitong huminga."So, alam mo?" ulit na tanong ko sa kaniya.Nanginig siya at namutla. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil sa sugat niyang dumudugo na naman ngayon."Isla, h-hindi… a-akala ko g-gumagawa lang siya ng k-kwento."Napakunot noo ako at agad na nagsalubong ang mga kilay ko."Alam mo pero hindi mo na naman sinabi? Mas pinili mo na namang magsinungaling?" nanggigigil na usal ko sa kaniya. "Ano pa, Adam? Ano pa ang hindi mo nasasabi sa akin?""Adam? S-sinong? A-anong ibig mong sabihin, Isla?"Nalipat ang tingin ko kay Mama. Wala n
ISLA’S POVNagulat ang lahat sa sinabi ko. Rinig na rinig ko ang kanilang pagsinghap. Pilit kong iniwasan ang mga mata ni Adam pero hindi ‘yon nakatakas sa paningin ko. Hindi rin nakatakas sa akin iyong dumaloy na sakit mula sa mga mata niya.Wala akong maramdamang iba kung hindi ang sakit at bigat sa dibdib ko. Tumigil na rin sa pagtulo ‘tong mga luha ko.Siguro napagod na sila o siguro wala nang mailabas na luha.Nag-iwas ng tingin sa akin si Adam kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.“I-isla anak…”Tinawag ako ni Mama, hindi ko alam kung bakit at para saan. Wala silang alam sa nararamdaman ko. Hindi ko siya nilingon bagkus ay tinalikuran ko silang lahat at balak ko nang pumasok sa loob ng kwarto ko.Kahit na nanghihina ang mga tuhod ko ay nagawa ko pa rin itong
ISLA’S POVKinabukasan ay sinadya kong maagang gumising dahil balak ko ng pumasok mamaya sa firm. Alam ko na sobrang dami ko ng pagliban na nagawa kaya sigurado ako na madami rin akong hahabulin na oras para makahabol sa mga kasama ko.Napatingin ako sa salamin dito sa kwarto ko sa apartment ni Sasa. Mugtong mga mata, maiitim at malalaki na eyebags at magugulong buhok. Halos hindi ko na makita ‘yong dating ako. Natawa ako nang mahina nang ma-realize ko na hindi naman talaga ako nakatulog, hindi ako natulog.Dati ay parang nabibilisan pa ako sa takbo ng panahon pero ngayon ay parang sobrang tagal naman na nito. Gusto ko nang makapagtapos at lumayo dito. Hindi ko alam, I have this urge to go away from them. Hindi ko pa talaga sila kayang harapin.Napabuntong hininga ako at saka bahagyang sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri ko. papatakpan ko na lang kay Sasa mamaya &lsq
ISLA’S POVNagkatinginan kami ni Sasa pero dahil sa bigat pa rin ng nararamdaman ko sa naging usap namin ni Adam ay napaupo ako at napatakip sa mga mata ko dahil sa mabilis at sunod-sunod na buhos ng mga luha sa mata ko.Humagulgol ako hanggang sa maramdaman ko na ang mga kamay ni Sasa at niyakap ako nang mahigpit.Palakas nang palakas na rin ang iyak ko hanggang sa tuluyan na akong mapaupo sa sahig at napayakap na rin kay Sasa.“Sa…” tawag ko sa pangalan niya sa gitna ng paghikbi ko. Parang gusto kong magsumbong sa mga nangyari at sa mga nalaman ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ako. Pero hindi ko kayang ikwento pa sa iba ang lahat. Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa mga nalaman ko, mahirap paniwalaan. Halo-halo na ‘yong mga nararamdaman ko. Sana nga galit na lang, kaso mas humihigit ‘yong sakit at bigat.Hindi ko alam kung anong masamang g
ISLA’S POVNalilitong nakatingin sa amin si Sir Ralph. “Ano ba talaga?” tanong niya habang nakakunot ang kaniyang noo.Ramdam ko ang mga titig ni Gabreel sa akin dahil sa naging sagot ko.Well, hindi ko na siya kaibigan ngayon. Hindi naman niya talaga ako gustong maging kaibigan, ginawa niya lang ‘yong para mapalapit sa pamilya ko.Tumikhim si Sir Ralph. “Iyon lang naman ang sasabihin ko, ipapatawag ko na lang kayo ulit kapag maayos na ‘yong lugar na pupuntahan niya, is that okay?”Tumango ulit ako bilang sagot habang pilit ko pa ring iniiwasan ang mga tinging pinupukol ni Gabreel sa akin.Nagpasalamat na ako kay Sir Ralph at lumabas na sa opisina niya.Mabilis akong sumakay sa elevator para sana hindi na ako maabutan ni Gabreel pero mabilis niya ring naharang ang mga braso niya.
ISLA’S POV“Good morning everyone! We all know na last week niyo na next week and every year nagka-conduct kami ng out of town para sa mga students.” Nagtinginan ‘yong mga kasama ko at kita sa mga mata nila ang excitement. Iyong iba gustong sumigaw pero nahihiya kaya naman napapalakpak na lang sila nang mahina.“But unfortunately, walang sasama sa inyo na galing dito sa firm kaya naman nag-assign kami ng dalawang leader niyo to guide and lead you sa out of town niyo. I am sure, you are all old enough to know what’s right and wrong, right? Anyway, your leaders will be, Mr. Orlando and Ms. Davina.” Ngumiti siya sa amin at tinuro pa kami. Ngumiti rin ako na hindi umabot sa aking mga mata. “Just to inform you guys, you will be visiting some old buildings and infrastructures sa mga lugar na pupuntahan niyo pero kahit gano’n, gusto naming na mag-enjoy kayo sa b
ISLA’S POVIt seems that everyone was living their lives while I was still stuck on the information and revelations. Dapat ba akong maging masaya sa kanila? Minsan, naiisip ko na pakiramdam ba nila na mababaw lang ‘yong mga nalaman ko at ako lang ang nag-iisip na big deal ‘yon? Kasi… bakit parang okay naman na sila agad?My head was still in chaos and yet, here they are…The revelations ruined me… so bad na hanggang ngayon hindi ‘yon nawawala sa isip ko, hanggang ngayon hindi nawawala ‘yong bigat at sakit sa puso ko.Walang nagsalita ulit sa kanila dahil hinihintay nila ang magiging sagot ko. Nakatingin silang lahat sa akin at nakaawang ang kanilang mga labi.“Anak, aalis ka?” Inulit ni Mama ‘yong tanong ni Papa kanina. Humakbang siya pero kita ko ang pag-aalangan niyang lumapit