Share

KABANATA 19: Forced in Bed

“Magnanakaw ka!” Umaalingawngaw ang tinig ni Baby, galit na galit na nakaduro sa akin habang hawak-hawak ko ang cellphone niya.

Sunod-sunod at matutunog akong napalunok. Tinago ko sa aking likuran ang cellphone, natatakot na nakatingin sa galit nilang mga mukha.

“Kaya pala kanina ko pa hinahanap ‘yan at ‘di nakikita! Kung ‘di pa sinabi ni Eza na kahina-hinala ‘yang kinikilos mo kanina ay ‘di pa namin malalaman! Akin na ‘yan!”

Mabilis na nakasugod sa akin si Baby. Nagpapang-abot ang kaba at takot sa dibdib ko. Subalit imbes na ibigay ay mahigpit kong hinawakan ang cellphone niya sa aking likuran, pinipilit makipag-agawan sa kaniya!

“Ibigay mo sa 'kin, ano ba?!” sa taba ng katawan niya ay kahanga-hanga na nahihirapan siyang kunin ang cellphone niya sa manipis kong kamay.

“Ang kapal ng mukha mo!” Nagulat ako nang sumugod din sa akin si Davina para tulungan ang kaibigan niya.

“Serena, magtigil ka na!!” Boses naman ni Panying ang sumakop sa lugar.

Subalit wala sa kanila ang sinunod k
P.P. Jing

Thank you po sa mga nagfofollow sa 'kin at sa story! Please like and comment if you like the story so far because there's more to come! Love lots 🫶🫶🫶

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status