Share

KABANATA 32: Chocolate of Pleasure

“SERENA, pinapatawag ka na ni sir Heskel.”

“Opo,”

Inismiran ako ni Panying. Hindi ko naman iyon binalingan ng pansin, at inayos na lamang ang pagkakaayos ng huniporme ko bago lumabas ng kwarto.

“Nakakairita talaga! Dahil tumakas-takas ka pa, ako itong naiimbyerna! Kailangan ko pa tuloy ireport lahat ng ginagawa mo rito kay sir Heskel! Dinaig ko pa ang pagiging alalay mo, ‘nyeta!”

puno ng pagrereklamong umasabay sa paglalakad si Panying sa akin.

Sa pagiging iritado nga niya ay hindi niya mapigilan ang sariling kurot-kurutin ang tagiliran ko.

“Bwiset! Dagdag trabaho, ang dami ko na ngang inaasikaso rito sa loob! Hindi mo talaga kami binibigong inisin, ano?”

Pinilit kong lumayo sa kaniya sa paglalakad, pakiramdam ko'y natutuklap ang balat ko sa padiin na pagdiin ng mga kurot niya.

Hindi ako makaganti ng salita sa kaniya dahil ako nga naman ang nagkasala sa tinangka kong pagtakas noong nakaraang linggo. Imbes na pumatol pabalik kay Panying ay nanatili na lamang akong tahimik at umiiwas.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status