Share

KABANATA 51: Confrontation

“Kung sasabihin ko ba, pakikinggan mo talaga ako, Panying?” nanlulumo at kinakabahan kong tanong sa kaniya. “Paniniwalaan mo naman kaya ako? Kasi simula nang nagbalik ako rito… wala akong ibang narinig sa’yo kundi panghuhusga at pangiinsulto sa buo kong pagkatao. P-Pinagbuhatan mo ako ng kamay, kahit na hindi mo pa naririnig ang side ko. Kaya bakit ngayon pa, Panying?”

“P-Patawad, Serena, pero hindi mo ako masisisi.” kaagad na namula ang mga mata niya. “Halos magpakamatay si sir Heskel, bumalik ka lang.”

“A-Ano?”

“Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin ang makita siyang nagkakagano'n—nababaliw sa kahahanap sa'yo. Lagi niya akong tinatanong kung umuwi ka na raw ba, kung nasa'n ka na, at kung kumusta ka na kaya? A-Ano bang masasagot ko sa kaniya? Hindi ko alam kung bakit ka naglayas. Hindi ko alam kung bakit ka sumama sa ibang lalaki. Basta na lang, pagbalik ko isang araw, madadatnan kong wala ka na.”

May bumara sa lalamunan ko. Hindi ko mailarawan sa isipan ko ang naging epekto ng
P.P. Jing

Sana po kung nagustuhan niyo ang kwento so far, ay i-rate niyo po siya ng five star at mag-feedback para marami pa po ang maengganyong bumasa ng kwento nina Ezekiel at Serena! 🥹🫶 -Salamat din po sa patuloy na suporta ❤️❤️❤️ and Lorna Seprado Soriano! Sa mga bagong followers at silent readers diyan, hihi!

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Maria Catrina Lumantao
Ganda na po author mabubunyag na ang lahat
goodnovel comment avatar
❤❤❤
traedor pala si Racquel.Baka may gusto sya Kay Ezekiel at sa yaman nito.
goodnovel comment avatar
Mheann Dave
bwisit talaga to si raquel!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status