OliviaWhat if our feelings was just an infatuation? Paano kung magising kami isang araw na hindi pala talaga namin mahal ang isa't isa?Habang iniisip ko ang what if na 'yon, nakatingin ako nang diretso sa kaniya; sa mata niya. I was wondering what if it happened tapos in a most unexpected time pa. Makayanan ko kaya?Habang hinihintay niya ang sagot ko ay muli siyang nagsalita."If you're not yet really to fall in love, I'm much willing to wait. Even if it takes a lifetime, I still will. Basta para sa'yo, Olivia! Gagawin ko ang lahat. Basta para sa'yo!" He smiled widely after he said it.Akmang tatayo na siya nang pigilan ko siya.All of a sudden, I said yes."Basta para sa'yo, susugal ako. Bahala na kahit hindi kita maipanalo. Basta ang mahalaga, sinubukan ko." Usal ko sabay abot ng kamay ko sa kaniya.Mangiyak-ngiyak siyang ngumiti sa akin at saka sinuot ang singsing sa daliri ko. Pagkatapos no'n ay tumayo na siya.He grabbed me out of the bed and hug me tightly. Sobrang higpit na
LloydI am staring blankly at the projector habang nagsasalita si daddy at binabanggit lahat ng plano niya sa kompanya. Habang si Matthew, kasama ng iba pa ay seryosong nakikinig at nakatutok sa kaniya.To be honest, wala akong interest sa ganitong usapin noon. Ni-hindi nga ako tumatagal ng isang oras sa conference room dahil ilang minuto pa lang ay naiinip na ako. Pero habang pinapakinggan ko si daddy, and the way he speak and act, parang nagbabago ang pananaw ko bigla. Parang gusto ko nang maging kagaya niya. Ni minsan sa buhay ko, hindi ko pa naranasang hangaan ang ama ko. Kahit sa ano mang aspeto, galit ko sa kaniya at ayokong maging kagaya niya. Kada umaga, ayokong siya ang bumubungad sa araw ko dahil ni minsan ay hindi niya naman pinaramdam sa akin na mahal niya ako.Mula pagkabata ay si mommy lang ang nag-alaga sa akin. Buhos siya kung magmahal at buhos rin kung mag-aruga kaya talagang gumuho ang mundo ko noong nawala siya. Nang mawala si mommy, nawala na rin ang gana ko sa l
LloydSomeone hold my hand and it was daddy. Sinabihan niya akong hintayin siya dahil gusto niya akong makausap. Tatanggi sana ako dahil kanina pa ako hinihintay ni Olivia pero naisip kong baka mahalaga ang sasabihin niya kaya pinili ko na lang na maghintay.Nang matapos umalis lahat ng dumalo sa meeting, kami na lamang ni daddy ang natira. He was staring at his laptop screen habang ako naman ay nakaupo sa harap niya, naghihintay."Puwede na ba akong umalis? Hinihintay na ako ni Olivia!" Malamig na sambit ko.Dahil sa sinabi ko ay tiningnan ako nang mapanghusgang tingin ni daddy. Pansamantala niyang isinarado ang laptop niya at tsaka tumingin sa akin habang nakataas ang magkabila niyang kilay."So, you're really into Olivia now?" he asked in a serious tone.I raised my brows at him. I don't understand what he's talking about."Bakit dinala mo siya dito? Hindi ba't wala ka namang pakealam sa kaniya? Parang last week lang, gusto mo nang putulin ang kontrata tapos ngayon, nagkakamabutiha
LloydI prepared everything for Olivia. Bumili ako ng maraming bulaklak at si-net-up iyon sa pool area. I even closed the resort para lamang maging successful ang surprise ko sa kaniya.Everything was settled and perfect. Ang mahigit isang oras na paghahanda ay sapat na."Do you think, Olivia will like this?" tanong ko sa staff na tumulong sa akin sa pag-set-up ng romantic dinner date namin ni Olivia."Napakaganda po, Sir Lloyd! Paniguradong magugustuhan ito ni Ma'am Olivia!" nakangiting sambit ng staff sa akin."Okay, just set-up the music. Susunduin ko na si Olivia."Pagkasabi ko no'n ay umalis na ako sa pool area. Pumunta na ako sa cottage at pumasok sa kuwarto namin. Pagpasok ko, natagpuan ko 'yong isang staff na nagbabantay sa kaniya.Dahan-dahan akong naglakad palapit do'n sa staff at kinalabit siya."Ay, Sir, kayo po pala!" nauutal niyang saad sabay tayo mula sa kaniyang upuan.I put my finger in front of my lips, saying na huwag siyang masyadong maingay. Tumungo lamang 'yong s
OliviaNang tanggalin ni Lloyd ang blindfold ko, tumambad sa akin ang sorpresang ginawa pala niya para sa akin. Napaka-ganda. Iba't ibang kulay ng rosas, makulay na pailaw at iba pa.Maluha-luha at emosyonal ko siyang niyakap ng mahigpit. Sobrang kilig na kilig ako dahil sa ginawa niyang ito sa akin.Ito ang unang pagkakataon na may nag-sorpresa sa akin kaya hindi talaga ako makapaniwalang totoo itong nangyayari at hindi panaginip lang.Nang iabot sa akin ni Lloyd ang bouquet ng pink roses na halos mas malaki pa sa akin, halos gustuhin kong tumalon sa pool dahil sa sobrang kilig.Ano bang ginawa ko para bigyan ako ng diyos ng ganitong experience?He was my first heartache, at ngayon, first love ko na rin. Huwag naman sanang mag-reverse at bumalik muli sa heartache, dahil hindi ko na alam kung ano pang mangyayari sa akin.Habang nakatingin sa amin halos lahat ng bisita, kasama na ang mga staff ng resort, may kinuha si Lloyd sa bulsa niya at muling lumuhod sa harap ko.Magpo-propose na
OliviaAfter a tiring day, nagpasiya na kaming magtabi ni Lloyd. We're now sharing the same bed and this time, magkatabi na kami matulog. Malaki naman ang kama. The bed was actually king size, if I'm not mistaken kaya kasyang kasya talaga kaming dalawa.Pero kahit na nakakapagod ang araw na 'to, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako dapuan ng antok. Buti pa si Lloyd ay tulog na tulog, samantalang ako ay gising na gising pa rin.Dahil mahimbing na ang tulog ni Lloyd at ayoko na rin namang estorbohin siya dahil alam kong marami pa siyang aasikasuhin bukas, nagpasiya ako na lumabas na muna para magpahangin at hintayin na rin na dapuan ng antok.Pero habang naglalakad ako sa labas, natagpuan ko sa pool area si Matthew kaya dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya. Marahan akong naupo sa tabi niya at nang mapansin niya ako, akmang tatayo na sana siya ngunit pinigilan ko lang."Umiiwas ka ba sa akin?" malumanay ang boses na tanong ko habang ang tingin ay nasa pool. Kasalukuyan kasi
LloydNang matapos lahat ng scheduled business meetings ko sa resort, bumalik na rin kami ni Olivia sa Manila. May mga dapat rin akong gawin para sa kompanya kaya hindi rin ako pupwedeng magtagal sa resort.Hinatid ko rin muna si Olivia sa kanila dahil napapansin kong naging matamlay siya lately, na hindi naman niya sinasabi ang dahilan.Halos isang linggo na rin ang nakalipas mula nang lumuhod ako sa harap ni Olivia at mag-propose sa kaniya. Isang linggo na rin ang nakalipas na hindi ko sila nakikitang magkasama ni Matthew.Mukhang nakatulong nga talaga ang ginawa ko. Mukhang nagsa-suffer na nga ngayon ang kapatid ko. Well, iyon naman talaga ang plano! I guess ako na ang panalo, hindi lang sa puso ni Olivia, kung hindi pati na rin sa laban sa pagitan namin ni Matthew.I am on my way to Alex. Marami akong balitang ihahatid sa kaniya. Pero habang nasa biyahe ako, naka-receive ako ng tawag mula sa daddy ni Olivia. I immediately answered it and put on a loudspeaker saka ibinaba para magp
Lloyd"Nagkabalikan na ba kayo ni Fancheska?" diretsong tanong ko sa kaniya. Nakatingin rin ako sa kanya nang mata sa mata habang hinihintay ko ang kaniyang sagot."Of course not! Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na hindi na kami muli pang magkakabalikan kahit na maghiwalay pa kayo?!"Why it looks like nagsisinungaling siya sa akin? Bakit parang hindi ko makumbinsi ang sarili ko na nagsasabi siya ng totoo."You know what, Alex? You were my best friend. Kung magiging kayo man ulit, ayos lang sa akin. Hindi ako magtatanim ng sama ng loob dahil lang do'n!""Hindi naman kasi talaga kami nagkabalikan.""Kung hindi, bakit nakita ko siyang lumabas mula sa kuwarto mo? Are you sleeping together?" I raised an eyebrows habang nagsasalita ako."You saw us?" He furrowed while looking at me."Huh?""You saw us sleeping together?""No! Nakita ko lang lang siyang lumabas sa kuwarto mo. So, baka nga gano'n ang nangyari!""It's not what you think, Lloyd! Nagkayayaan ang barkada kagabi at dito ginanap sa b