OliviaPagmulat ko nang aking mga mata, bumungad sa akin ang mga aparatong sa ospital lamang matatagpuan. May babaeng pamilyar sa akin na nakatungo hindi kalayuan sa aking hinihigaan."Yaya Luna?" sambit ko.Pagtunghay no'ng babae, si Yaya Luna nga. Kaagad siyang tumayo at lumapit sa akin.Hinawakan niya ang kamay ko habang maluha-luha ang kaniyang mata. "Kumusta po ang pakiramdam mo, Ma'am Olivia?"Hindi ko sinagot ang tanong niya. Bagkus, sinagot ko iyon ng isa pang tanong. "Kailan ka pa nakabalik, Yaya?""Kahapon pa po. Tinawagan ako ni Sir Oliver. Sabi niya sa akin na kailangan mo raw ng makakasama sa bahay kaya nagpasiya akong bumalik.""Tinawagan ka ni daddy?"Tumango si Yaya Luna. Napalunok naman ako at nagbuntong hininga. Ibig sabihin ba no'n, alam na ni daddy na may masamang mangyayari sa kanya kaya nagbilin na siya kay Yaya Luna?"Kinalulungkot ko po ang nangyari sa inyong ama. Matagal-tagal na rin akong nagsilbi sa inyo at nasaksihan ko ang paglaki mo.""Nasaan si Maathew?"
OliviaBawat araw na lumilipas ay mahirap para sa akin. Hirap akong kumilos at ang bigat-bigat ng dibdib ko. I reaally miss dad. I really miss his existence.Nakatingin ako sa kabaong ni daddy habang tumutulo ang luha ko. Nanginginig rin ang mga kamay ko. Tumabi sa akin si Yaya Luna para pakalmahin ako."Mahal na mahal ka talaga ng daddy mo. Maging sa huling hininga niya ay ikaw pa rin ang iniisip niya." Sambit ni Yaya Luna.Nilingon ko siya at tsaka ako nagsalita. "Ano pong ibig niyong sabihin, Yaya?"Kaagad na inabot sa akin ni Yaya Luna ang cell phone ko. Ang cell phone ko na hindi ko alam kung kailan ko huling nahawakan."Inabot sa akin ni Matthew kanina 'yan. Ibigay ko raw sa 'yo." Wika ni Yaya Luna.Nilingon ko siya nang may pagtataka. "Si Matthew? Nandito siya?"Tumango naman si Yaya Luna. "Dumaan siya kanina at inabot niya sa akin 'yan. Alam niyo raw na kailangan mo 'yan sa huling araw ng papa mo kaya pinaayos niya raw para sa 'yo.""Pinaayos?""Oo! Sinira mo raw kasi 'yang ce
OliviaIt was exactly 3:00 pm at kakatapos lang ng libing ni daddy. Pinili kong magpaiwan mag-isa habang si Yaya Luna naman ay muling bumalik sa memorial chapel para magligpit at magpakain na rin sa lahat ng mga nakipaglibing. Habang nakatitig ako sa lapida ni daddy, paulit-ulit kong hinihiling sa diyos na sana ay panaginip lang lahat ng ito. Na sana paggising ko, bumalik na sa dati ang lahat.Hindi ko rin maiwasang hilingin na sana ako na lang 'yong nawala. Sana ako na lang ang na-ambush para hindi ko na dinadala pa itong bigat sa dibdib ko ngayon. "Paano ako magsisimula gayong wala ka na, Daddy? Papaano ako babangon sa bawat araw na wala ka na sa tabi ko? Napakahirap mawalan ng magulang. Napakasakit." Nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-usap sa puntod ni daddy nang maramdaman kong may humawak sa magkabilang balikat ko. Bumuntong hininga ako at tsaka dahan-dahang lumingon. Ilang segundo rin akong natigilan bago nag-sink in sa utak ko. It was Lloyd and Matthew again. Ano na namang g
Lloyd"Tinawagan mo na ba si Olivia? Siya ang kailangang kumausap sa mga taong ito para kumalma sila." Sambit ko habang tinitingnan ang kumpulang tao sa harap ng El Cristobal."She's out of reach, pero sinabihan ko na si Yaya Luna. Kung sakaling bumalik na sa memorial chapel si Olivia, malalaman niya pero kung nasa sementeryo pa rin siya, wala tayong choice kung hindi ang maghintay dito." Sagot naman ni Matthew. "Wala ka bang naiisip na paraan? Kausapin mo kaya muna sila? Baka sakaling kumalma.""Sa tingin mo kapag tumayo ako sa harap nila, titigil sila? Ni hindi nga alam ng karamihan diyan na nag-e-exist ako, 'eh. Mamaya pagbantaan pa ako. Eh, ikaw? Alam mo kung paano mag-handle ng mga tao, hindi ba? Bakit hindi ikaw ang tumayo doon?" "Any moment, posibleng may dumating nang mga media. Hindi nila ako pwedeng makita dito dahil maaaring maapektuhan ang kompanya.""Kung ang kompanya pala ang iniisip mo, bakit ka pa pumunta dito in the first place? Sumama ka lang to check kung gaano ka
OliviaMakalipas ang halos isang buwang diskusyon at pag-aareglo ay nadaan rin sa usapan ang lahat. Tumigil na rin ang mga empleyado naming nagpoprotesta matapos nilang makuha lahat ng kailangan nila. Sa tulong na rin ni Atty. Sandoval, nagawa kong makapag-desisyon agad. "Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Olivia?" malungkot na tanong ni Matthew sa akin.Tumango ako sa kaniya. "Wala na ring dahilan para manatiling nakatayo ang kompanyang ito. Wala na si daddy kaya wala nang dahilan para manatili pa ang El Cristobal. At tsaka isa pa, si Attorney na rin ang may sabi na may nagke-claim na sa properly ni daddy at valid ang mga dokumento niya dahil pirmado mismo ito ni daddy. Anong laban ko do'n?""Pero paano ang alaala ng daddy mo? Pinaghirapan niya ito, hindi ba?""Wala na tayong magagawa, Matthew. Nagdesisyon na ako. Masakit sa aking pakawalan ang El Cristobal pero hindi na kami ang nagmamay-ari nito.""Paano ka na? Anong balak mo pagkatapos nito?"Bumuntong hininga ako at tsaka tiningna
Lloyd"How's the El Cristobal Group of Companies? May balita ka ba sa kompanya nina Olivia?" Seryosong tanong ni daddy habang ang tingin niya ay nakabaling sa screen ng laptop niya. "Isang buwan na rin mula nang mawala ang daddy niya. I'm curious kung paano pinapatakbo ni Olivia ang kompanya nila, without the knowledge of how to manage it.""I haven't talk to Olivia about that. Hindi na rin kami nagkakausap." Sagot ko naman."Pero 'di ba palihim mo siyang pinupuntahan? So, I'm hoping na kahit katiting na impormasyon tungkol sa kanila, may maibibigay ka!""Are you spying me, Dad?" Nakataas ang isang kilay sambit ko sa kaniya. "I'm not stupid, Lloyd! Alam ko kung paano ka gumalaw kaya alam kong pinupuntahan mo pa rin siya kahit na pinagmumukha ka nang tanga ng babaeng 'yon!""Ginagawa ko 'yon dahil gusto kong magkaayos kami! Ginagawa ko 'yon dahil gusto kong ayusin ang relasyon namin.""Relasyong tinapos na ni Olivia, isang buwan na ang nakararaan." Ngumisi siya bago muling magpatuloy.
OliviaMatthew rushed himself to go inside by continously knocking on the door a couple of times while calling my name.I hurriedly opened it while asking him what is the problem."I have a bad news for you!" sambit niya habang hinihingal pa.Kumunot ako ng noo at saka siya tiningnan. "Sabi mo may surpresa ka para sa akin. Bad news ang surpresa mo?""No, hindi! Magkabukod iyon." Turan niya."Oh, sige! Magsimula ka sa bad news.""Magkakaanak na si Kuya Lloyd!" Wika ni Matthew.Tinawanan ko siya. "I'm not pregnant!""Hindi sa 'yo! Kay Francheska."Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niyang iyon. Napabuntong hininga ako ng wala sa oras habang diretso ang tingin sa kaniya."Saan mo naman nalaman 'yan?" seryoso ang pagkakatanong ko kay Matthew habang siya, diretso ang tingin sa akin na animo'y hinihintay ang reaksiyon ko."Kay Francheska mismo. Narinig ko 'yon sa kaniya habang sinasabi niya kay papa na magkakaanak na sila ni kuya.""So, ayos na pala sila ni Richard? I thought she w
OliviaMaaga akong gumising para sumama kay Zander sa pamamalengke ng mga gulay at prutas na ilalagay sa fridge. Isasabay na rin ang pamimili ng mga karne at isda. Isang beses isang linggo kasi ang paglalagay nila ng stock do'n kaya maaga talaga akong gumising para lang makasama kay Zander.Isa pa, gusto ko ring ipagluto si Matthew ng paborito niyang sarsiyadong tilapia at dinuguan."Malayo pa ba ang supermarket dito?" tanong ko kay Zander habang nakatanaw sa bintana."Supermarket po? You mean palengke po, Ma'am?" Tanong niya."I guess tinagalog mo lang!" Ngumisi ako bago muling magpatuloy. "Mukhang malayo pa tayo dahil wala pa akong natatanaw na mga establishments. Puro malalaking bahay.""Wala po talaga kayong matatanaw dito. 'Yon ay dahil malayo po ang mga ganoong building dito. Ang palengkeng pupuntahan natin ay nasa dulo lang ng kalye. Pagkatapos nating baybayin ang daang ito, mararating na natin ang palengke.""Gano'n ba talaga kayaman ang mga nakatira dito sa subdivision na 'to