Share

Chapter One Hundred Six

Olivia

Pagmulat ko nang aking mga mata, bumungad sa akin ang mga aparatong sa ospital lamang matatagpuan. May babaeng pamilyar sa akin na nakatungo hindi kalayuan sa aking hinihigaan.

"Yaya Luna?" sambit ko.

Pagtunghay no'ng babae, si Yaya Luna nga. Kaagad siyang tumayo at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko habang maluha-luha ang kaniyang mata. "Kumusta po ang pakiramdam mo, Ma'am Olivia?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Bagkus, sinagot ko iyon ng isa pang tanong. "Kailan ka pa nakabalik, Yaya?"

"Kahapon pa po. Tinawagan ako ni Sir Oliver. Sabi niya sa akin na kailangan mo raw ng makakasama sa bahay kaya nagpasiya akong bumalik."

"Tinawagan ka ni daddy?"

Tumango si Yaya Luna. Napalunok naman ako at nagbuntong hininga. Ibig sabihin ba no'n, alam na ni daddy na may masamang mangyayari sa kanya kaya nagbilin na siya kay Yaya Luna?

"Kinalulungkot ko po ang nangyari sa inyong ama. Matagal-tagal na rin akong nagsilbi sa inyo at nasaksihan ko ang paglaki mo."

"Nasaan si Maathew?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status