Share

05

Pinilit kong ituon ang buong atensyon ko sa nangyayaring kasal. Iniwasan kong mapatingin sa kaniya kahit pa panay ang bulong sa akin ni Amanda. 

"Kaano-ano kaya nila iyong isa na katabi ni Don?" kuryosong tanong ni Amanda. 

"Lily, tumingin na naman siya dito..." bulong ulit ni Amanda. Hindi ko tuloy mapigilang tignan din ang lalake. Nakatingin nga siya sa akin. Ang mga mata niya'y nakangiti at ang isang gilid ng labi ay nakaangat. 

"Bakit siya ganoon tumingin?" tanong ulit ni Amanda. 

"Aba malay ko! Lapitan mo at tanungin mo."

"Ito naman!" 

KAPATID daw ito ni Kevin sabi ni Camila. Hindi ako makapaniwala na magkakapatid ang mga unang lalake sa buhay naming tatlo. 

Walang alam sina Camila at Amanda tungkol sa madilim na nakaraan ko hanggang ngayon. Pinili kong ilihim ito sa kanila dahil una, ayaw kong dumagdag sa problema nila noon. Pangalawa ayaw kong magalit sila sa akin ngayon. 

Hindi ako gaanong naging komportable sa paninitig ni Darius sa akin. Walang hiya niya ako kung titigan. Kinakabahan tuloy ako. 

Nagpaalam ako na gagamit muna ako ng banyo para makaiwas sa pagtatanong ng mga kaibigan ko. Pumasok ako sa loob ng mansyon. Ang restroom na nasa dulong bahagi ng malawak na living room ang ginamit ko. 

Ilang beses akong huminga dahil hindi mawala-wala ang kaba sa aking dibdib. 

Hinugasan ko ang aking kamay para kahit paano ay kumalma ako sa malamig na tubig. 

"A-Ano'ng ginagawa mo dito?" natataranta kong tanong nang pumasok si Darius. Sinundan pa talaga niya ako hanggang dito. 

"Darius, bumalik ka nga doon!" asik ko nang i-lock niya ang pinto. 

Parang wala siyang narinig. Lumapit siya sa akin at wala akong nagawa ng siksikin niya ako. 

Pinigilan kong mapatili nang basta na lang niya akong buhatin at inupo sa dulo ng lababo. 

Iniwas ko ang mukha ko sa kaniya. Nakakainis naman 'to! 

Nanlaki ang mga mata ko nang dumampi ang kaniyang labi sa aking leeg. 

"Darius..." awat ko sa kaniya. 

"Ang sarap namang pakinggan ng pangalan ko, hmmm..." Hinalik-halikan niya ang aking leeg hanggang sa aking panga. 

"Tumigil ka nga. Bumalik ka na doon. Kasal ngayon ng kapatid mo. Ilugar mo nga iyang kahalayan mo!"

Tumawa siya. "Ang sungit naman..." Ang tenga ko naman ngayon ang hinalikan niya. 

Mariin akong napapikit at pinigilan ko ang mapahagikgik nang makaramdaman ko ang kiliti sa ginagawa niya. 

Marahan pa niyang kinagat ang tenga ko, bago siya lumipat sa aking pisngi. 

Tinulak ko siya. Hindi maganda ang plano niyang gawin. Jusko! Hindi ba niya maipagpabukas iyang kalibugan niya?! 

Hinawakan niya ang magkabila kong kamay, dinala niya ito sa magkabila niyang balikat. Pagkatapos ay hinalikan niya ako. 

Hindi ko ginantian ang mga halik niya kaya tumigil siya. 

"I miss your kisses," bulong niya bago niya ako hinalikan ulit. 

This time gumanti na ako. Namis ko din ang mga halik niya. Ang malambot at matamis niyang mga labi. 

Pinasok niya ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig na agad namang sinalubong ng aking dila. 

Napaungol ako nang pisilin niya ang aking dibdib. Hinimas niya ito ng ilang beses bago niya pinagapang ang kamay hanggang sa aking hita. Pinasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng aking damit hanggang sa makarating ito sa aking panty. 

Napasinghap ako nang laru-laruin niya ang aking pagkababae. Gumapang ang init sa buo kong katawan habang ang aking tiyan ay napuno na naman ng nagliliparan na paru-paru. 

Patuloy ang labanan ng aming dila at mga labi habang ang kaniyang daliri naman ay patuloy sa ginagawang panunukso sa aking panggitna. 

Napamulagat ako nang ilihis niya ang suot kong panty. Ngayon ramdam na ramdam ko na ang kaniyang daliri. 

Nilaro niya ang aking klitoris na nagpagapang ng matinding kuryente sa buo kong katawan. 

Agad akong namasa. Iba pa din talaga kapag siya na ang humahawak sa akin sa mga maseselan na parte ng aking katawan. 

Mula nang may mangyari sa amin noon, lagi ko nang naiisip ang ginawa niya sa akin. 

May mga times na namimis ko iyon kaso hindi ko naman kayang gawin kasama ang ibang lalake. Make out at tamang landi lang pero pagdating sa parte na iyon, hindi ko na kaya. 

I end up pleasuring myself alone. Nakakaraos naman. Pero iba pa din talaga kapag siya. 

Nakagat ko ang aking labi nang mapunta ang kaniyang daliri sa aking hiwa. He traces and rub it up and down making me gasps and moan in pleasure. 

"Darius..." mahinang ungol ko nang ang butas ko na ang kaniyang tudyu-tudyuin. Gustong-gusto ko ang pakiramdam lalo na ng paikot-ikotin niya doon ang dulo ng kaniyang daliri. Mahigpit akong napayakap sa kaniya. 

"You miss this, hmmm?" Tumango ako. Hindi magawang makapagsalita habang patuloy siya sa kaniyang ginagawa sa aking panggitna. 

"What do you want me to do?" tila nanunukso niyang tanong. Napaliyad ako at napapikit nang medyo diinan niya ang kaniyang ginagawa. 

"Ah! Uhm..." 

"What do you want me to do, Lilienne?" 

"I-Ipasok mo, p-please?" Ngumisi siya at muli akong hinalikan. This time mas maalab ang naging labanan ng aming mga dila at labi. 

Hirap akong pigilan ang aking ungol lalo na ng rumagasa ang sarap na nararamdaman ko sa katawan nang simulan niyang ipasok ang daliri sa aking pagkababae. 

Dahan-dahan niya itong pinasok at iniikot-ikot sa aking loob. Bumaluktot ang mga daliri ko sa paa habang ang katawan ko naman ay halos hindi na mapakali. 

Pinigilan kong mapaungol nang malakas nang simulan niyang ilabas masok ang kaniyang daliri. Ang kaniyang labi na lang ang pinagtuunan ko. Pagigil ko siyang hinalikan. 

Kinilabutan ako nang marinig ko ang masarap niyang ungol kaya mas pinagbuti ko pa ang pagsipsip ko sa kaniyang dila at labi kasabay nang paglumikot ng aking balakang upang salubungin ang pag-ulos ng kaniyang daliri. 

"Shit!" Nilabasan ako agad! 

Nang bumaba ang nararamdaman kong pagkangilo sa ginawa niya sa akin mabilis ko siyang tinulak. 

Dito pa talaga namin ginawa. 

"Lalabas na ako..." giit ko nang tangkain na naman niya akong halikan. Iniwas ko ang aking mukha sa kaniya. 

Nang mag-vibrate ang aking celphone agad ko itong dinampot sa aking tabi. 

Baka hinahanap na ako nina Amanda at Camila. Binuksan ko ang message at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ko ang nilalaman ng mensahe na natanggap ko. Isa itong video. 

Nanlamig ang aking katawan at ang mga pawis na nasa aking noo dulot ng ginawa namin ay tila biglang nanigas dahil sa panlalamig ng aking katawan. 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig na may kasamang ilang tipak ng yelo. Na ang bawat tipak ng yelo ay nagdala ng kirot. May kirot sa aking puso akong naramdaman. 

Malakas din ang kalabog ng aking dibdib at halos hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. 

Totoo ba 'to? Ayaw ko mang maniwala pero malinaw ang mga imahe sa video. 

"Are you okay?" tanong ni Darius. 

"I-Ikaw..." utal kong turo sa kaniya. 

Napatingin din siya sa screen ng aking celphone. Nagmura siya nang makita niya ang nasa video. 

So, tama nga. Siya nga talaga 'to. 

Bumaba ako mula sa aking kinauupuan at lumabas na ng restroom. Hindi ko alam kung maayos ba ang itsura ko dahil wala na ako sa tamang pag-iisip. 

"Lilienne," pigil niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. 

Hindi ako makapaniwala na isa siya sa mga lalakeng iyon. Masama siyang tao. Tama siya nang sinabi niya na masama siyang tao. 

Kamuntik ng mapahamak noon ang kaibigan ko dahil sa kaniya. Hindi ko siya mapapatawad. 

"Lilienne, let's talk about it." 

Pinapalis ko ang kaniyang kamay sa tuwing tatangkain niya akong hawakan. 

Tinulak ko siya bago ako mabilis na naglakad para malayuan ko siya.

Pagdating ko sa malawak na living room ng mansyon natigilan ako nang makita ko si Kevin na galit na galit ang mukha. Mabilis itong naglalakad habang nakasunod naman sa kaniya si Camila na mangiyak-ngiyak. 

Ano'ng nangyari? 

Dahil din ba sa video? S-in-end ba iyon sa lahat nang dumalo sa kasal nila? 

Ang kawawa kong kaibigan. Araw pa man din ng kasal nila ngayon. 

Napasinghap ako ng suntukin ni Kevin si Darius. Hindi naman gumanti si Darius sa kaniyang kapatid. Marahil ay alam nito ang dahilan ng pinagmulan ng galit sa kaniya ni Kevin. 

Mabuti na lang at umawat sina Franco at kaniyang ama. Pagkatapos nu'n ay basta na lang pumanhik sa taas si Kevin. Iniwan nito si Camila. 

Habang umiiyak si Camila nakatulala lang naman ako. Hindi ko alam kung paano siya pakalmahin dahil maging ako ay gulat na gulat din sa lahat ng mga nalaman ko. 

LAKING pasalamat ko at nagkaayos din agad sina Kevin at Camila. Kahit paano nabawasan ang alalahanin ko para sa aking kaibigan. Magiging masaya na din siya ng tuluyan sa piling ng kaniyang asawa at anak. 

Wala namang kasalanan si Camila para magalit sa kaniya si Kevin. Biktima nga si Camila sa nangyari, e. Kailangan niya noon ng malaking halaga ng pera kaya nandoon siya. Wala siyang choice. 

Kaso ang gagong Darius na iyon, isama na din ang mga lintik na kaibigan niya, may masamang balak kay Camila.

Mabuti na lang talaga at nakahingi ako ng tulong noon. 

Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag napahamak siya. Ako ang nagdala sa kaniya kay Mamang. 

Hanggang ngayon nanggigigil pa din ako sa matandang iyon. 

Nag-stay kami ni Amanda sa mansyon hanggang sa hapunan, dahil sa request ni Camila.

Nanatili kami kahit na parehas kaming hindi na komportable na manatili pa dito. 

Sa buong hapunan, ramdam ko ang paninitig sa akin ni Darius pero ni minsan ay hindi ko siya tinapunan ng tingin. Naiinis ako sa kaniya. Naiinis din ako sa nangyari sa amin. 

Kakatwa at nakakainis talaga ang kapalaran. Mapagbiro at mapaglaro. 

Hindi ako gaano nakakain pero nang mag-serve ng alak hindi ko alam kung ilang baso ang nainom ko. 

Panay ang tikhim ni Darius sa tuwing bubuhusan ng panibagong alak ng maid ang walang laman kong baso. Gusto ko siyang samaan ng tingin pero pinigilan ko. 

Walang alam ang mga kasama namin at ayaw kong malaman nila ang namamagitan sa amin. 

Nalasing kami parehas ni Amanda. Mahilo-hilo na ako at gustong-gusto ko ng matulog. 

Pinipilit ng Don na matulog kami dito sa mansyon at bukas na umuwi pero giniit namin na uuwi kami ng bahay. 

Hindi ko kayang manatili sa mansyon lalo at naririto si Darius. Pinilit pa din naming umuwi. Pinahatid kami ng Don sa kaniyang driver. Maayos naman kaming nakauwi. 

Nakatulog ako dahil sa dami nang nainom kong alak. Pero paggising ko kinaumagahan muli na naman akong nag-overthink. 

Si Kevin Franco na may gusto kay Camila pero pinikot ni Amanda. Si Kevin Darius na gago na kamuntik ikapahamak ni Camila. Lahat connected kay Camila. At ang dalawang ito ay kapatid pa ng asawa ni Camila. 

Pagak akong natawa. Parang ang cringe! 

Mukhang maayos naman na si Darius, Camila at Kevin kagabi. Nagkausap na kaya silang tatlo? 

Nagtatagwanan pa sila kagabi, e. 

Nakapag-move on na ba sila sa nangyari at ako lang ba ang hindi matanggap ang nangyari? 

Bahala sila. Iyon ang gusto nila e. basta ako, naiinis ako kay Darius. Masama siyang tao. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status