Kung sa kabilang dako ay kumikilos na ang grupo nina Zachary, si Grey naman ay gumagawa rin ng paraan. “We need to find Liavhi right now! I know there's something off. That bastard Damon Lutherford might know something about what we've been doing Mr. Viovich!” sigaw niya. Hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman. He’s beyond furious. He's feeling like he’s being played. And Grey was certain that he would not settle for it. Nanginginig ang kaniyang katawan habang panay ang sabunot sa sariling buhok. Matagal niyang pinasasayaw ang mga ito sa sarili niyang mga palad. So he was terribly irritated kung saan nagkulang ang matindi niyang mga plano.“Do not stress yourself too much, Mr. Lawrence. We got a lead, some of our men are on their way now to check the location that was sent by our trusted investigators.” Nangunot ang kaniyang noo at mabilis pa sa alas kwatrong humarap sa matanda. Kahapon pa siya nag-aabang. At ’di niya alam na may lead na pala ito sa isang possible location.“
Katitigil lamang ng kotse subalit halos nais ng tumalon ni Thaliah paalabas.“Lord Damon!” sigaw ni Thaliah. Sa may kalayuan pa lang ay umalingawngaw na ang boses nitong parang walang pakealam sa nakaririnig. Para silang mga teenager si Damon Lutherford na tinakbo ang metro-metrong pagitan na p’wede naman sanang hintayin na lang makapasok sa loob ng hindi naman kalakihan subalit magarang bahay ang kotse. Ito ang sikretong ipinagawa ni Lord Damon noong nasa ibang bansa pa sila. The appearance of the house can be deceiving because when you look at it, it looks like a normal rich house. But the main life of it is underground. Where they assemble thousands of illegal combat firearms, gears, and even explosive devices. Kahit ilang taon pa lang ito ay malaki na ang kinikita nila sa lugar. Damon Lutherford discovered the place to be good in business noong sinundo niya si Liavhi sa island. After that ay bumili rin siya ng property sa lugar and named it after his daughter. Basi sa miraculous r
Nakahiga lamang si Thaliah sa kama habang naghihintay kay Damon. Nakangiti siyang iniisip na makakasama na niya ulit ang kaniyang anak, nang bigla na lang yumanig, at umuga ang kama. Noong una ay mahina lamang hanggang sa lumakas ito at naging sunod-sunod. Sa gitna ng mga pagyanig ay pilit na kumikilos si Thaliah. Mula sa paglapat ng kaniyang mga paa sa sahig ay sinubukan niyang humakbang hanggang sa nakalabas siya sa silid. Nang paakyat na sana siya ay muling gumalaw ang kaniyang inaapakan.“Ahh!” sigaw niya nang muntik na siyang matumba sa sahig. Mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa railings upang mapanatiling nakatayo ang sarili sa gitna ng pagsabog at putokan sa labas ng kanyang sasakyan. Unti-unti ring tumataas ang tubig kahit na maayos naman ang panahon. Ito ang dahilan kung bakit mistula dinuduyan sa alapaap ang sasakyang pandagat na gamit nila. The yacht is smaller than the Lady Moura. The yacht is designed para pantakas kaya ay durable ito.Galing sa ’di kalakihang mansyon ng
Nakatingin lamang siya sa bakal na pinto. Halos ’di niya magawang pumikit sa labis na anticipation. Ilang sandali pa, the lift opened and two of the most important people in Liahvi's life came out. Saglit muna siyang natulala hanggang sa napabuga ng hangin nang marahan. She was certain that the heavy feeling she's been into has been lifted.“Mom!” bulalas niya. Hindi na napigilan ng dalaga ang umiyak sabay yakap sa nanginginig na ina. She embraces her mother like the first time they've met. Puno ng pagmamahal at pagtanggap. She's shaking too, for it's a miracle na yakap na niya ’to ngayon gayong ang huling kita niya rito ay nakaratay pa ito sa hospital.“Baby, I missed you so much! I am so damn worried about you!” anas nito na hindi rin mapigilang mapahikbi. Kahit tunog strikto ang pagkakasabi nito ay ramdam niya ang labis na pag-aalala at pangungulila. Her mom might be strict ngunit isa ito sa gustong-gusto niya sa ugali nito.“Me too, mom . . .” Malambing ang boses niya. Animo’y sinu
Habang naglalakad pabalik sa monitoring room ay nakasalubong ni Zack ang ama. Pansin niya agad ang pagiging masigla nito—na alam naman niya kung ano ang dahilan, and it was completely related to him. Nang napansin siya nito ay kita niyang mas umaliwalas pa ang awra at mukha ng Ama. Napangiti rin siya at agad na lumapit dito. At first, he was hesitant to say things lalo pa’t kadi-decide lamang niya. But he was also aware na doon din ang punta niya.“Dad, I - I think, Mag si-celebrate ako bukas,” turan ni Zack na halatang hindi sigurado sa kanyang sinabi. But deep inside, nakahinga rin siya nang maluwag dahil nasabi na niya sa kaniyang Ama ang iniisip niya.Ngunit Imbis na sagutin ay yakap ang agad na isinukli nito. He was suprised at first, ngunit mahigpit din siyang yumakap dito pabalik.“Are you sure, son? Do not force yourself if you still can't. Alam ko naging mahirap sa iyo ang pagkawala ng iyong kakambal. But please, learn to let go anak. Alam mong hindi magiging masaya si baby
Maaliwalas ang gising ng lahat, hudyat para sa panibagong araw. Espesyal ang araw na ito sapagkat pagdiriwang ni Zackary ng kanyang kaarawan. Ngayon lang ito mangyayari after twenty years. Nakangiti si Trevor habang pinagmamasdan ang paligid ng kanyang mansyon. Malinis ito at organisado ang lahat na parang walang nangyaring bakbakan kagabi. Ito ang labis na pinagpuyatan niyang gawin para sa anak. Ang espesyal na araw para sa nag-iisang kambal na magkapatid sa kaniyang puso.Nagising si Zack na magaan ang kanyang pakiramdam. Despite sleeping for 4 hours only, he still felt like he was being reborn. Excited siyang lumabas nang silid matapos maayos ang sarili. Mabilis ang kaniyang paglalakad papunta sa silid ni Liahvi. Nang makarating siya rito ay agad niyang kinatok ang pinto, subalit walang sumasagot. Napag pasyahan na lamang niyang puntahan ang Ina at ang Ama, subalit laking gulat niya nang wala na rin ang Ina sa silid nito. Feeling alarmed, ay patakbong tinungo ni Zackary ang monit
Malamig at banayad ang hangin na nagpapasayaw sa mga sanga ng malalaking puno sa daang tinatahak ng dalaga. Ngunit, habang papalapit siya sa kanyang destinasyon ay unti-unti rin niyang nararamdaman na umiinit na ang kapaligiran. Natatanaw din niya sa 'di kalayuan ang dumaraming mga tao. Isa itong palatandaan na nasa palengke na siya ng kanilang baryo. Mahaba-haba rin ang kanyang nilakad makarating lang dito. Ibang-iba ang tanawing ito kumpara sa mga palayan at malalaking kahoy na nakapalibot sa kanilang tahanan. Tumayo ang dalaga nang matuwid at hinawakan nang mahigpit dala-dalang buslo. Inipon niya ang kanyang lakas nang loob at nagsimulang magbenta. ‘‘Kakanin, kakanin kayo r’yan! Mas masarap pa 'to sa love life n’yo! Kakanin, kakanin kayo r’yan!’’ Masiglang sigaw ng dalaga habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa kanilang palengke at nilalako ang kanyang mga panindang kakanin.Siya si Celeste Makini, Etel ang palayaw sa kanya ng kanyang mga suki sa kakanin. Kasalukuyan siyang nasa
Malalim ang iniisip ni Zackary habang nakatanaw sa malalagong tanim na rosas ng kanyang ina sa hardin. Mababanaag mo ang matinding lungkot sa kanyang mga mata habang nakatitig sa naggagandahang mga rosas. Hindi mapigilan ni Zack ang mapabuntonghininga. Ipinatawag siya ng kanyang ama sa opisina nito. Alam na kaagad ng ama ang nangyari kahapon, sapagkat nasa balita na ito at kalat na kalat. Napukaw lamang ang kanyang atensyon nang tumunog ang kanyang telepono na nakalagay sa loob ng kanyang suit. Salubong ang kanyang mga kilay nang mabasa ang mensahe ng kaibigang si Tommy. Hindi niya mapigilang isipin na pinagtripan na naman siya ng mga ito.Napailing siya at ibinalik sa bulsa ang telepono. Dahan-dahan siyang naglakad at umupo sa couch. Tahimik na sinulyapan ni Zackary ang ama na ngayon ay isinasara ang gamit na laptop. Napansin niya ang guhit sa noo ng ama at seryosong hitsura nito na halatang maraming iniisip. Alam niya na marami itong mga suliranin. Labis pa rin ang naging epektong n