Matapos magkainan ng tanghalian ay agad na nagsipuntahan ang lahat sa dagat. Kanya-kanyang swimming ang lahat habang ako ay piniling dito sa tabing-dagat mag-unwind.
Kakatawag ko lang kay Noah kanina. Binilhan ko siya ng cellphone n’ong nakaraan para ma-contact ko siya pag nami-miss ko siya, but seriously siya talaga ang nakaka-miss sa akin. Ito kasi ang parang unang beses na nagkahiwalay kami kaya nga iyak siya ng iyak nung gabi bago ako umalis ng bahay.
Sina Marj at Bree ay hinigit ako para sa sumali sa selfie nila. Kung saan-saan nila ako hinatak dalawa hanggang sa nakarating na nga kami sa kabilang resort. Kami lang tatlo.
Pagkarating namin sa kabilang resort ay sobrang daming tao. Ibang-iba sa pinanggalingan namin na tahimik. Mabuti na lang tama ang napili ko na isang private resthouse na lang ang rentahan namin.
“Oh my mga bebs, look at that guy. Ang pogi. Sana dito na lang tayo, ang daming papables,” kinikilig na turo ni Marj sa i
Medyo masakit pa ang ulo ko mula sa mga ininom ko kagabi ngunit naalimpungatan ako mula sa sinag ng araw na tumama sa mata ko galing sa bintana.Nang silipin ko si President Leigh sa aking tabi ay mahimbing pa rin itong natutulog habang yakap ang unan. Kung anong posisyon nito kagabi ay ganun pa rin na parang hindi man lang ito gumalaw.Saglit akong napangiti at napagdesisyunang bumangon na. Tutal mukhang gising na rin naman ang diwa ko ay ako na lang ang magluluto ng agahan naming lahat. Pagkatayo ko ay sinarado ko nang bahagya ang bintana gamit ng kurtina.Tahimik at maingat kong ginawa ang morning routine ko para di ko magising si President Leigh. Nang nakaayos na ako ay inayos ko muna ang kumot ni President Leigh bago bumaba.Pagdating ko sa kusina, inaasahan kong ako ang naunang nagising pero mas maaga palang bumangon si Ms.Boa. Naabutan ko siyang nagluluto ng agahan namin. Agad niyang naramdaman ang presensya ko kaya sinilip niya ako. Wala itong sin
Ugh. Anong ispirito ng kabaliwan ang pumasok sa utak mo? Bakit mo ba kasi ginawa iyon? Aish, sarap mong sabunutan.Yeah, I was drunk but I remember everything. I remember how stupid I was. Bakit mo naman kasi hinalikan si President Leigh at umiyak ka pa sa harap niya? Lasing ka lang pero nasa tamang pag-iisip ka pa naman nun.Isang araw na ang nakalipas simula nang bumalik kami dito sa Manila. Kahapon sobrang awkward talaga, halos hindi kami nag-imikan ni President Leigh simula n’ong lumisan kami ng Laiya, Batangas. Hindi ko alam kung pansin iyon ng mga kasama namin pero hindi ko talaga magawang salubungin ang mga mata ni President Leigh sa tuwing sumusulyap ito sa akin.Sobra akong nahihiya sa ginawa ko ngunit alam kong hindi naman pwede ang ganito na iwasan ko siya. Mukhang kailangan ko nang humingi ng tawad at ayusin ang sarili ko, kung anuman iyong gumugulo sa utak ko ay dapat nang tapusin.Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ako luma
Maaga akong pumasok ng opisina dahil marami akong dapat matapos. Hindi kasi ako nakabalik agad kahapon kaya natambakan si Mr. Alastair ng gawain at ngayon ay kailangan ko siyang tulungan.Mag a-ala syete pa lang ay nandito na ako sa loob ng office. Dahil mukhang magiging mahaba ang araw ko kaya nagtimpla ako ng kape. Pinagtimplahan ko na rin si President Leigh para meron siyang maiinom pagdating niya.Pagkalapag ko ng tasa ng kape sa desk nito ay bumalik na rin ako sa sarili kong desk bitbit ang kape ko. Kakaupo ko palang nang mapatingin ako sa pintuan. Akala ko ay si President Leigh ngunit isang pamilyar na babae ang pumasok. Nagkatinginan kami saglit at agad naming nakilala ang isa’t-isa.“Miss Arkesha!?” Agad itong lumapit sa akin.“Ikaw ‘yong babae dun sa souvenier shop n’ong nakaran!?” Turo ko rito. “You’re Lithesia, right? If my memory serves right.”Gustong mahulog ng panga ko dahil
Lumipas ang buong araw ngayon na normal lang. Medyo nagkagulo lang kanina sa shareholder meeting dahil may kumalat na fake news na may krisis na pinagdadaanan ngayon ang kumpanya at marami ang gusto mag-pull out ng kanilang mga shares. Nakakabilib ang pagiging mahinahon ni President Leigh. Hinayaan niyang magwala ang mga shareholders nung una at nung siya na ang nagsasalita ay wala siyang pinayagang sumingit sa pagpapaliwanag niya.Ngayon ay pabalik na ako sa 14th floor. May inutos sa akin si President Leigh, pinababalik ang isang file sa logistic department sa baba. At hindi ko alam kung matatawag ko bang malas na kasabay ko ngayon si Ms.Boa sa elevator. Nakatingin lang siya ng deretso sa pintuan ng elevator katulad ng madalas gawin ni President Leigh, dahil doon ay lakas-loob akong tumingin rin doon at mula sa reflection ng pintuan ng elevator ay sinalubong ko ang mga mata niya.Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Inaasahan kong iirapan niya ako ngunit ng
Medyo napaaga ako ng kaunti sa pagpasok. Pagdating ko sa office ay medyo nagulat ako nang maabutan si Sir Freire. Nakaupo ito sa sofa at mukha itong may hinihintay na importanteng tao. Agad itong napa-angat ng ulo pagkapasok ko.Wala pa si President Leigh kaya kami palang ang tao dito.“Good morning, Sir Freire,” magalang kong pagbati.Tumayo ito at lumapit sa akin. “Bakit ka nakipag-date sa kanya?” salubong na tanong nito sa akin.“H-Ho?”Hindi ko na nagawang makapag-react pa nang hawakan nito ang pareho kong kamay at tinignan ang mga mata ko. “Please date with me too.” Kita ko ang kaseryusuhan mula sa mga mata nito.“Eh kasi po--” Gusto kong umangal ngunit pinutol na naman niya ako sa pagsasalita.“Miss Larqueza.” Parang nagmamakaawa ang tono nito sa pagbanggit ng pangalan ko.Ilang segundo akong nakatitig lang kay Sir Freire. Hindi alam kung
Ngayong araw ay day-off ko sa work. Saktong-sakto dahil nagpakita ang anak ko kagabi ng mga matataas na grade nito at bilang reward ay ipapasyal siya namin ngayon ni Lyle. Sa mall lang naman para makapag konting shopping na rin kami ng bagong gamit ni Noah.Ang kaso si Lyle ay hahabol na lang daw dahil may importanteng report siya sa pinagtra-trabahuan ngayong umaga, kaya mauuna na daw kami ni Noah sa mall.Madali akong nag-ayos ngayon at basta na lang ipinasok sa bag ang mga gamit. Nakabihis at naka-ayos na kasi si Noah sa labas kaya pinagamamadali na niya ako.Gamit-gamit namin ngayon ang sasakyan na binigay ni President Leigh n’ong nakaraan. Tuwang-tuwa nga abf anak ko n’ong gabing iyon na may inuwi akong sasakyan, halos doon na siya matulog sa loob. Samantalang si Lyle ay binigyan lang ako ng kakaibang tingin pero wala naman siyang sinabi.Sa sobrang hindi yata mapigil ni Noah ang excitement ay sinasabayan niya ngayon sa radio si Juan Karl
“I’m going with you.”Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit papasok nang mapatingin ako kay Lyle dahil sa sinabi nito.“Huh?”“Sasama ako sayo papunta sa trabaho mo,” anito.“Bakit? May pasok ka diba?” usisa ko.Hindi muna ako papasok. Gusto kong makausap si Leigh. “Tinignan ko siya nang mataman sa mga mata nito. Ngunit halos wala akong mabasa mula sa kanya sa dami ng emosyon na ipinapakita ng mata niya. Sa huli ay tumango na lamang ako.Bago kami pumunta sa Faulkerson company ay hinatid muna namin si Noah sa school nito. Ako ang driver habang nasa tabi ko si Lyle. Pasimple ko siyang sinusulyapan paminsan-minsan ngunit malayo ang tanaw nito mula sa labas ng bintana.Nang makarating kami sa company ay pina-log in na lang si Lyle ng guard sa visitor’s logbook at pinapasok na kami. Panakaw-nakaw pa rin akong sumisilip kay Lyle habang paakyat kami sa 14th
Parehas na napukaw ni Lithesia ang atensyon namin ni President Leigh nang humikab ito nang malakas.Nandito siya ngayon sa loob ng office. Gusto daw niya kaming makasama, ngunit dahil may trabaho kaming dalawa ni President Leigh at hindi mapagbigyan ang request niya na date. Pumuwesto na lang tuloy ito sa sala set at magta-talong oras nang nagbabasa ng kung ano-anong magazine.“Sinabi ko na sayo, umuwi ka na at sa ibang araw na lang dahil may ginagawa kami,” ani President Leigh kay Lithesia.“Tapusin niyo na nga iyang ginagawa niyo tapos mag-date na tayo.” Lithesia pouted.“Nagsasayang ka lang ng oras dito,” ika ni President Leigh.“Hindi pagsasayang ng oras ang kagustuhan ko na makasama kayo,” pagpipilit ni Lithesia.“Wala ka bang gagawin sa coffee shop mo at nandito ka?” tanong na lang ni President Leigh.“Kaya na ni Grey d’on,” ani Lithesia.Napabu