"Simple lang naman ang gagawin, Ms. Arkesha,” Pagsisimula ni Mr. Alastair sa pagpapaliwanag ng duties and responsibilities nang isang secretary. “Ayusin ang schedules ni Miss President. Mag-encode ng mga data at files na ipapasa sayo. Tumanggap ng tawag. And perform other duties as necessary."
"Okay po." Tumango lang ako. Pinapakinggan at tinatandaan lahat ng bilin niya.
Nagpatuloy si Mr. Alastair sa pagte-training sa akin. Isa-isa naming pinuntahan ang mga departments ng kompanya para malaman ko daw ang mga dapat kong puntahan kung may kailangan ako o utusan.
"Say hello, everyone!" Pagtawag ni Mr. Alastair ng atensyon ng lahat ng staff nang makarating kami sa 14th floor. "This is Ms. Arkesha, who will start training today as Miss President's new secretary."
"Hello sa inyo. Magandang araw!” masigla kong pagbati sa lahat.
"Ms. Arkesha, iyon si Mr. Brooke. Ang ating general manager," pagpapakilala ni Mr. Alastair sa isang malaking b
Today is Thursday, my third day as a training secretary of Miss President.So far, nakukuha ko na kung paano gawin ang trabaho kahit papaano sa tulong ni Mr. Alastair. Nai-enjoy ko na rin ito dahil sa kakulitan nina Mr. Brooke. Pero hindi ko pa rin naman kinakalimutan ang pinanggalingan ko kaya mamaya ay kina Marj ako makikisabay ng lunch.Pagkasakay ko ng elevator ay hindi ko inaasahan na makakasabayan ko si Ms. Boa sa loob ng elevator. Unang kita pa lang niya sa akin ay inismidan na niya ako, hindi ko man alam kung saan siya humugot nang pagkainis sa akin ay nginitian ko na lang siya at binati ng magandang umaga. Inirapan niya lang ako pagkatapos nun. Pumasok na lang ako at tumabi sa kanya.Dumaan na ang ilang palapag pero sobrang tahimik ng buong apat na sulok ng elevator. Mahaba-haba pa ang biyahe ng elevator. Meron mga pailan-ilan na pumapasok pero bumababa rin agad.Humugot si Ms. Boa ng foundation sa bag niya at sa buong minuto namin sa loob ng ele
Lumipas ang isang buwang training ko bilang secretary. Ngayon ay Lunes, unang araw ng linggo at ngayon rin ang pinaka-unang araw ko bilang secretary ni President Leigh. Nga pala, nakahanap na uli ng trabaho si Lyle sa isang kumpanya malapit lang din dito sa company.Sa lumipas na isang buwan ay nakakatuwang madali kong natutunan ang lahat. Medyo pressure lang ang maging secretary ng isang presidente ng kompanya, pero dahil lagi naman nandiyan si Mr. Alastair para umalalay kaya masasabi kong nagagampanan ko nang maayos ang trabaho ko. Hanga talaga ako kay Mr. Alastair dahil ginagawa niya lahat ng ito dati nang siya lang.Kahit na hindi gan’on kadali ang trabaho bilang secretary ay nai-enjoy ko naman ito dahil sa kakulitan nina Mr. Brooke at Young na dinagdagan pa ng pagiging pikunin ni Frances kaso si Ms. Boa talaga, walang pagbabago at sinusungitan pa rin ako sa di malamang dahilan.Yung naging lunch out namin nina Marj at Bree n’ong nakaraan ay nasu
Pagdating ko sa kompanya ay kapansin-pansin ang pagiging abala nang lahat. Hindi ako agad napansin nina Mr.Brooke nang madaanan ko ang department nila kung hindi ko pa sila binati.Pagpasok sa loob ay nandoon na si Mr. Alastair sa kanyang table nang makarating ako, na tulad nina Young na sa sobrang busy ay hindi siguro napansin ang presensya ko. Binati ko rin ito upang makuha ang atensyon."Sorry. Nandyan ka na pala, Ms.Arkesha. Good morning rin." Tipid itong ngumiti."Mukhang abala po ang lahat,” ani ko."Next month na kasi ang opening ng warehouse na itinayo sa Laguna. May mga dinagdag kasing detalye si Miss President,” nakangiting tugon ni Mr.Alastair kahit na halata ang stress sa itsura nito."Oo nga pala.”"Sinend ko na sa email mo yung mga gagawin mo, check mo na lang," dagdag nito."Thank you po."“Nga pala, as per Miss President ay nabanggit na niya sayo na mula ngayon ay sa loob na ng office niy
Kinabukasan ay maaga akong gumising upang makapagluto. In-steam ko muna ang gulay na gagamitin ko para madaling kainin mamaya. Balak ko kasing magbaon ng magiging tanghalian namin mamaya ni President Leigh. Kahit paunti-unti dapat ay matuto siyang kumain ng gulay.Balak kong magluto ng Curry. Ito ang specialty ko eh. Hilig ko na noon pa man ang magluto, iyon ang nagustuhan sa akin ni Lyle dati....dati. Mula dun hindi ko napigilang maalala ang nakaraan.****Nakikipag-sabayan ako nang pagiging pasaway sa mga lalaki noong highschool ako. Only child kaya spoiled ganun at napa-barkada pa na mostly ay sa mga lalaki rin.N’ong tumuntong ako ng college ay mas lalo akong lumala. Naging bisyo ko ang drag racing pero kalian man ay hindi ako nahuli. Lagi kong natatakasan ang mga pulis. Dahil doon ay naging irregular ako first year pa lang dahil sa dami ng absences ko at cutting classes. Pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Lyle - nang maging
"Noah, naglagay ako ng kapote at payong dito sa bag mo ah.""Opo mama.""Ito na rin ang baon mo, ubusin mo 'to ah," habilin ko kay Noah."I love you, mama. Bye-bye po,” sweet na paalam sa akin ng anak ko. Humalik sa pisngi ko."I love you too. Aral mabuti ha." Hindi ko napigilan ang ma-cute-an sa kanya kaya nagulo ko ang buhok niya.Nang matapos kay Noah ay lumapit naman ako kay Lyle na abalang nagkakabit ng necktie."Binaunan kita ng pagkain mo para sa lunch mo mamaya. Inayos ko na doon sa bag mo atsaka naglagay na rin ako ng payong. Medyo makulimlim kasi ang langit mukhang uulan ng malakas. Mag-ingat ka na lang," habilin ko rin dito habang isinusuot sa kaniya ang coat nito.Tumango lamang ito at binigyan ako ng ngiti na hindi man lang umabot sa tenga.Tulad nang nakagawian pagkaalis nila ay saka naman ako nagmamadaling nag-ayos ng sarili ko. Medyo na-late kasi ako kaninang nagising tapos nagluto pa ako.Sakto lan
Lumipas ang isang linggo mula n’ong doon ako tumuloy nung gabing iyon sa condo ni President Leigh. Mula nun hindi ko na mapigilan ang sarili kong obserbahan siya kung may pagkakataon. Hindi kasi pala-salita na tao si President Leigh kaya sa pamamagitan ng pagmamasid sa kanya ay masasabi kong nakikilala ko siya unti-unti. Kung ano ang mukha nito kapag seryoso, kung ano ang itsura nito kapag stressed siya, ang mga reaction niya.Ngayon ay Lunes, sinadya kong maaga pumasok para maging maganda ang simula ng linggo ko. Pagdating ko sa kompanya ay may inabot sa akin si Frances na envelope na kung pwedeng ako na lang daw mag-abot kay President Leigh.Pagpasok ko sa loob ng opisina ay wala pa rin si President Leigh pero tingin ko parating na rin siya anumang oras. Pagkalapag ko ng gamit ko sa desk ay muling nahagip ng mata ko ang mga picture frames sa gilid.Lumapit ako sa cabinet at muli ay isa-isang tinignan ang mga ito. Pinigilan ko ang sarili na wag mangielam
“Mama, papa anong oras po kayo pupuntang school mamaya?”Kumakain kami ngayon ng agahan nang mapatingin ako sa anak ko sa biglang pagtatanong nito. Nag-hysterical tuloy ang isip ko kung bakit. Wala naman sigurong nangyari kay Noah sa school at hindi naman tumawag ang teacher niya.“Bakit, ‘nak? Anong meron?” usisa ko.“Family day po namin ngayon sa school. Magdala daw po ng parents.”I mentally face palm. Nabanggit na nga ng anak ko ang tungkol sa Family Day nila, sa sobrang busy sa trabaho ay nawala sa isip ko.“Ngayon na ba yun?” tanong ni Lyle.“Opo. Mga ala-una daw po magsisimula mamaya,” tugon ng anak namin.“Sige, subukan kong mag-early leave na lang ngayon sa work ko para maka-attend ako sa Family Day ninyo,” nakangiti kong tugon kay Noah.Ngumiti lamang si Noah sa akin bilang tugon at pagkatapos ay bumaling kay Lyle. “Eh kayo po papa. An
Hindi pumasok si President Leigh ngayong araw. Akala ko nung una ay late lang siya uli ngunit nag-message siya kay Mr.Alastair na ire-schedule lahat ng meetings at appointments niya ngayong araw. Binilin rin niyang i-finalize namin ‘yong tinayong warehouse d’on sa Laguna kung meron pang mga kulang dahil next week ay mag o-ocular inspection siya. Okay na pala ‘yong paa ko. Gumaling rin siya matapos nang isang linggo mahigit. Paika-ika nga lang ako maglakad nung mga unang araw. Hindi ako pinapasok halos dalawang araw ni President Leigh matapos nung Family Day ni Noah para daw madaling gumaling ang paa ko. Ngayon, dahil wala naman akong kasama sa loob ng office ay dito ako ngayon sa labas kasama ni Mr.Alastair, dahil doon ay nakasabay ko uli sina Mr. Brooke mag-lunch. Sa susunod naman ay sina Marj at Bree ang yayayain kong mag-lunch. “Kamusta pala ang date kahapon, Ms.Boa?” hirit ni Frances nang makaupo na kami sa isang round table dito sa cafeteria. “Oo