Share

Kapirasong papel

"P-Paano'ng..." Umiling ako.

"If this is a prank, hindi ako natutuwa, ha..." Pinilit kong tumawa. "Kapapanganak ko lang. Huwag mo akong biruin. Huwag niyo akong biruin."

Umiling si Pepper. Tiningala ko naman ang asawa ko parehas sila ng expressions sa mukha ng kaibigan ko.

"Honey," garalgal ang boses na tawag sa akin ng aking asawa.

"Hon, ang anak natin. N-Nasaan siya? Nasa nursery room ba?"

"Nasa morgue..." Pumiyok ang kaniyang boses. Ang masaganang luha mula sa kaniyang mga mata ay nagsimula ding bumuhos.

"Nasa morgue ang baby natin..."

"H-Hindi. Hindi magandang biro 'to. Huwag ka ng magsalita." Pinilit kong bumangon at bumaba mula sa kama, kahit pinipigilan nila ako ni Pepper.

"Pupuntahan ko ang anak ko sa nursery room!"

"Mahiga ka lang muna. Baka mapaano ka."

"Hindi! Gusto kong makita ang baby ko!"

Niyakap ako ni Raiden. Nang marinig ko ang paghagulgol niya, para akong binuhusan ng malamig na tubig. He's telling the t-truth. Nagsasabi sila ng totoo.

"H-Hindi... Hindi totoo!
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status