Share

LADY PENELOPE

Ang aking sling bag na may laman ng wallet at celphone ko lang ang aking dala, para makaalis ako agad.

Maaga pa kaya wala pang gaanong sasakyan na dumadaan. Kapag naghintay ako ng taxi, baka aabutan lang ako ng liwanag.

Sumasabay sa pagbuhos ng aking luha ang aking pawis. Para akong magkakasakit. Baka nabinat ako dahil sa nangyari at sa naipon na din na stress.

Ngayon na umalis na ako sa mansyon na iyon at sa buhay ng aking asawa, dapat mawala na din ang stress na dulot nila sa akin.

Mamaya-maya puwede na din siyang mag-file kaagad ng annulment. Hindi naman kailangan ang pirma ko. Hindi ko din kailangang um-attend ng hearing, dahil kayang-kaya niyang magbayad ng malaki para ma-process agad ang annulment case namin.

Ilang blocks pa ang nilakad ko, bago may dumaan na taxi. Mabagal ang patakbo nito kaya napara ko agad.

"Sa airport po, Kuya," sabi ko sa driver. Kumuha ako ng tissue sa aking bag upang matuyo ang basa kong mukha dahil sa pawis at luha.

Isang oras din mahigit ang trav
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mary Grace Tuyor
ahaha mahiwaga pala yung pagkatao ni Rosario, lagot kang matandang byenang hilaw, yari ka ngayon, lupit ng twist ni Miss Shynnbee,
goodnovel comment avatar
Missy F
omg, what a twist..hu u kna tlga Raiden, wla na si Rosario, welcome Penelope
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status